CHAPTER FOUR: Dual Magics, The Mystic Archeus

2 0 0
                                    

Maya-maya pa ay nagising si Jin at nakita niya ang mukha ng kanyang nakangiting ama habang hinahaplos-haplos ang buhok ni Jin.

"Papa saan na po tayo?" Tanong ni Jin at lumingon-lingon.

Inalalayan naman ni Archeus ang anak pa-upo at tumayo na siya at napatingin sa lugar at napakunot ng noo.

Nasa isang burol sila na walang kapuno-puno ngunit napapalibutan ng damo at maliliit na halaman at bulaklak na kulay pula at yellow. Nasa tuktok sila ng burol at medyo mataas ang pwesto nila kaya kita ni Archeus ang lugar malapit sa burol, isang gubat sa kanilang hilaga at dagat naman sa may di kalayuan sa kanilang timog.

"Halika Archill, aalis na tayo." Sabi ni Archeus bigla at mabilis niyang hinawakan ang anak at maya-maya lang ay nabalutan sila ng iba't-ibang liwanag at nawala na sila sa lugar...

Sa hindi kalayuan...

Boommm!

Para namang fireworks na lumabas sina Archeus na parang bula sa lugar na puro kahoy.

"Wow!" Sigaw ni Jin sa pagkamangha.

Napangiti naman si Archeus at itinaas na naman niya ang kamay sa harapan at bigla nalang nagkaroon ng malaking bilog ng liwanag na papalit-palit ang kulay at tumakbo si Archeus papasok doon. Agad na namang nawala sila sa lugar...

Matapos ang ilang ulit na mala-teleport na powers ni Archeus ay nakarating sila sa isang tuktok ng bundok. Tinanaw naman ni Archeus ang paligid ng bundok at napangiti.

"Andito na tayo Archill." Sabi niya at ibinaba na ang anak.

Naglakad naman sila pababa sa kabilang bahagi ng bundok kung saan matatanaw mo ang isang kulay puting kaharian sa hindi kalayuan.

Napakaputi ng kaharian na ito na para itong kumikinang dahil sa sikat ng araw... Ang mala-kaharian na lugar na 'yon ay ang Gaze University.

Ang Gaze University ay isa sa mga wonderlands ng lugar na ito at ang pinakasikat na unibersidad ng magics at abilities. Lahat ng mga baguhan sa lugar na ito ay dito napapadpad malapit sa lugar ng Gaze University, kaya hindi nakakapagtaka na may mga iilang tao o grupo ang nagsusulputan sa iba't-ibang direksyon.

Lalakad na sana ang mag-ama ng may biglang...

Whoosh! Boom!

Agad namang nakatalon at nakapagpalit ng pwesto sina Archeus habang sa kinatatayuan nila kanina ay mistulang natunaw ang lupa doon at niging lava dahil sa init.

Naningkit naman ang mata ni Archeus ng makita niya ang isang naka-long robe na kulay brown na lalaki at may kasamang isang bata na blond ang buhok at may hawak na libro.

"Good day Mr. Negate, what a coincidence that we are here appearing right almost beside you." Sabi ng lalaki habang nakangisi.

"Mr. Reehan, you're as weak as always."

"Hahaha, don't overthink! Gusto lang kitang subukan kung kinalawang kana ba dahil sa halos sampung taon mong hindi pagbalik sa Gaze..." Ngisi ng lalaki kay Archeus sabay tingin kay Jin na namamanghang nakatingin sa kanya.

"Oh, hello there! Ang sigla naman ng anak mo Vin! Baka gusto mong subukan ang powers niya sa anak ko, si Lucas."

"Thanks but no thanks. Hindi na natin kailangan subukan ang anak ko. Bakit hindi nalang tayo? Titignan ko kung gaano na kalaki ang ginaling mo simula ng umalis ako..." Sabi ni Archeus at naglakad sa harap ng kanyang anak habang nakangisi kay Dylan Reehan.

Napataas naman ng kilay si Dylan at bahagyang napasimangot. "Mainitin parin ang ulo mo... Bakit hindi? Mag-ingat ka nga lang baka kinalawang na mga magics mo, Mr. Pride!" Sabi ni Dylan at agad na nagkulay dugo ang kanyang mga kamay at umuusok ito sa sobrang init.

I AM RAGEWhere stories live. Discover now