CHAPTER SIX: Result

0 0 0
                                    

Main Building, Magic Department, Dean's Office...

"Good to see you again Vin. Kamusta ka na? Akala ko hindi ka na babalik..." Sabi ni Niccolo sa matalik na kaibigan.

Napangiti ng mapait naman si Archeus. "Niccolo Celess Durana... Wala ka parin talagang pinagbago."

"Walang nagbago sa'kin all these years Vin. Ikaw lang ata ang nagbago. Ano bang nangyari?" Nako-confuse na tanong ni Niccolo kay Archeus.

Napatingin naman si Archeus sa mata ni Niccolo. "Margarette is dead..." Nasabi ni Archeus sa kanya.

Bahagya namang na-blanko si Niccolo sa nalaman at parang ayaw mag-sync in sa utak niya ang sinabi ni Archeus. Sa huli ay nasabi nalang ni Niccolo, "H-Hindi..."

"Union... Nag-click na ba?"

"A-Anong meron?! You mean nalaman nila?" Mahinang sabi ni Niccolo.

Umiling naman si Archeus at seryosong tumingin kay Niccolo.
"Hindi nalaman ng Union... Si Archer ang nakaalam kaya't nandirito ako ngayon. Baka bukas hanapin ako ng union..." Nakayukong sabi niya.

Napatahimik naman sandali si Niccolo. "Anong balak mong gawin?"

"Iiwan ko muna si Archill sa'yo Cel, ikaw na muna bahala sa kanya."

Shock naman si Niccolo sa sinabi ni Archeus "What?! May anak kayo?!" Halos masigaw na ni Niccolo habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Archeus.

Tumango lang si Archeus at napayuko...

'Kaya siguro! Nalaman ni Archer dahil sa anak nila Archeus at Margarette.' Isip ni Niccolo.

Matagal na nabalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa tumikhim si Niccolo. "Bro? Baka naman kailangan mo ako. Pwede kitang tulungan."

"Hindi na, kailangan ko lang na mangako ka na babantayan mo ang anak ko hanggang sa mag 21 siya.... Siguro sa gulang niya na 'yon kaya na niya sarili niya." Sabi ni Archeus.

Napatayo naman si Niccolo kaya't napatingin siya dito hanggang sa makaabot si Niccolo sa pinto.

Tinignan naman ni Niccolo si Archeus at para na itong tatawa. "Pfft! What? Hindi ba muna natin titignan ang babantayan ko? Saan na ba si War God Jr.?"

Napangisi naman si Archeus at napa-iling sa sinabi ni Niccolo at lumakad papunta sa kanya. "Let me, dalhin na kita baka hindi na tayo makaalis sa office mo pagbinuksan mo 'yang pinto." Sabi ni Archeus at hinawakan ang balikat ni Niccolo.

Bigla naman silang naging light particles at nagsabog sa office ng parang rainbow.

"Saan na siya?" Tanong ni Niccolo ng naka-teleport na sila sa loob ng Power Testing Center.

"Nasa loob ng magic cubicle tester. Lapitan natin." Sabi ni Archeus at nagtungo sa isa sa mga magic cubicle na may nagbabantay na operator na babae.

Sumunod naman si Niccolo at nakita niya ang magic cubicle na nag-eemit ng iba't-ibang kulay at may mga runes pang naka-activate.

"Sirs, five minutes nalang po ay lalabas na ang result. Gusto niyo po bang naka-public ang result or-"

"Make it impossible to be known. Put the data of the result in my office, atsaka lagyan mo ng concealment ang lugar na 'to." Sagot ni Niccolo sa operator.

Nagulat naman ang operator sa sinabi ni Niccolo pero agad naman siyang tumango at kinuha ang isang tablet na sobrang nipis at may pinindot-pindot. Bigla naman nagkaroon ng gray na color na bumalot sa lugar nila.

Napatango naman si Niccolo at tumingin ulit sa magic cubicle tester.

Pero maya-maya lang ay bumilis na ang pagpapalit-palit ng kulay sa cubicle at nagiging kulay deep red na ang kulay ng cubicle at maya-maya pa ay nagkulay dugo ito na may mga gray at black na parang mga spots sa kulay.

Napanganga naman silang tatlo.......

------------------------------------

"Jin, my boy! Kamusta? Maganda ba ang playground ni tito Cel?" Tanong ni Niccolo habang naglalakad sila sa nakalatag na tela at picnic basket.

"Ang gnada po dito sa Gaze! Sabi ni papa dito daw po ako mag-aaral eh. Pwede po ba akong maglaro dito palagi?"

"Naman! Basta ba sundin mo lang yung sinabi ni tito sa'yo at tsaka yung promise! Wag na wag mong kakalimutan yown!" Sabi ni Niccolo at ngumisi ng kita ang kanyang mapuputing ngipin.

Tinignan naman ni Archeus sina Jin at Niccolo at napangiti. "Halika na kayo! Kakain na, kanina pa kasi kayo naglalaro."

"Waaahhh! Ang dami! Kukuha na ako papa ah?!" Excited na sabi ni Jin at agad na umupo.

"Bro Vin! Lakad muna tayo."

"Sige Archill, dito ka lang muna. Mag-uusap lang kami ni tito."

-------------------

"Nakuha ko na ang results niya pati na sa result ng bodily test na ginawa sa kanya. Ito oh..." Sabi ni Niccolo sabay kuha ng manipis na tablet sa coat niya.

Tinignan naman ito ni Archeus

Magic Test Result

Magic Count: 3

[Negation Magic] Level 1

[Summoning Magic] Level 1

[Unknown Magic] Level 5

Bodily Test Result

Ability count: 1

[Stealing] Ability Level 2

Matapos makita ni Archeus ang magics at ability ni Jin ay napanganga siya.

"Unknown magic?! Level five?!"

"Yea! First time in the history na naglabas ng ganyan ang magic tester." Sabi ni Niccolo na seryoso ang mukha.

Napakamot naman si Archeus sa sunod na nakita. "Erm... Stealing?"

"Hehehehe baka may tinuro ka sa anak mo hahaha."

Namula naman si Archeus sa sinabi ni Niccolo.

Natawa naman si Niccolo.
"Hindi man siya gaya ng prodigy ng underworld pero mataas ang potensyal niya."

"Underworld University?"

"Yup! May prodigy sila na hindi mo aakalaing nag-eexists! Ang sabi pa nga ng mayabang na bata na 'yon eh kung ka-generation ka lang niya eh talo ka niya sa labanan." Sumimangot naman si Niccolo.

Napatawa at napa-iling nalang si Archeus. "Baka nga."

"Pero nga pre, meron siyang limang magics; smoke, lightning, poison, shapeshifting, at negation..."

Napahinto naman si Archeus at napangiti. "Iba-iba naman ang negation magic at ganun din ang iba pang magics."

Tinignan naman ni Niccolo ang naglalakad na papalayo na si Archeus. Tinitigan niya ang likod ng kanyang matalik na kaibigan at bumuntong hininga.

"You're lonely once again.......and forever will." Sabi ni Niccolo sa sarili at sumunod na...

I AM RAGEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin