DEAL MAKER
Sinikap kong isipin ang mahahalagang nangyari sa umagang ito. Maraming magandang balita ang narinig ko mula sa trabaho. Hindi ako tinawagan ni Mom, which is a plus.
Pumasok ako sa loob ng aking opisina. Pasalampak akong umupo sa silya't pumikit. I shouldn't feel this restlessnes...ano pa bang maihihiling ko?
Tatlong katok ang pumukaw sa aking atensyon. The door opens lightly, sumilip doon si Mikaela. "Sir, nandito po si Mr. Benson."
Benson. Ngumiwi ako nang mahuli ang sarili na tumuwid ng upo't inaayos ang bahagyang nagusot na damit. Funny how can that man's surname had me wishing we are at a more appropriate setting.
"Papasukin mo siya," utos ko,"dalhan mo kami ng alak mayamaya."
"Yes, sir."
Sumandal ako sa upuan at inisip ang huli naming pagkikita ni Gavriil. Humahapdi pa rin ang aking leeg at likod dahil sa kuko nito. Hindi gaanong masakit...tama lang.
It's a lapse in judgement. 'Yon ang pangongonsola ko sa sarili nitong nagdaang araw. But no, Landon Benitez isn't good at denying himself of the things he want.
Numero uno doon si Gavriil Benson. Gusto ko siya unang tingin pa lang sa kaniya sa kasal ng kaniyang kapatid na babae. He is that typical pretty looking guy with no brains that I like having in my bed. Isang beses lang, just to get it out of my system.
Pero nawala nga ba? The answer must be obvious with my reaction when his surname was mentioned. Napakaarogante ko ba para isiping siya ang dumalaw sa akin ngayon at hindi ang kaniyang ama?
Ruthford Benson was so angry at me he wouldn't bear seeing me again. Ayokong maging responsable sa atake nito sa puso.
Maliban kay Ruthford, wala ng ibang Benson ang konektado sa akin. Nariyan si Gavriil, pero iba ang rason ng pagiging malapit namin. It involves heat and lust.
Bumukas muli ang pinto, pumasok doon si Gavriil. Mikaela followed, may dalang mga baso at alak. Dumukwang si Mikaela para ilapag ang iniutos ko sa mesa. Pinanood ko ang bisita namin sa hapong ito.
Suot niya ang uniform mula sa eskwelahang rinuturuan. Kahit pa bihis maestro, nagmumukha siyang esrudyante sa harap ko -- maligalig, namamawis at naghihintay.
Iniangat niya ang salamin sa matang unti-unting dumudulas bago umupo sa silya na aking katapat. Lumisan si Mikaela nang walang ingay. Hindi ko pinansin si Gavriil at piniling magsalin ng inumin sa baso.
Inilapag ko sa mesang namamagitan sa amin ang kaniya, nagsalin ako ng panibago para sa sarili. Bumaba ang tingin niya sa baso.
"Hindi mo ba ako babatiin? Nasa teritoryo kita," sabi ko.
Umiling siya't hindi pa rin nag-aangat ng tingin. "Nasa bahay ka namin no'ng isang linggo -- hindi mo ako binati no'n."
Umirap ako't piniling lagukin ang laman ng aking baso. Bumuntong hininga ako noong ibinaba ko ito. "Well, I thought my tongue down your throat serves a better greeting that day..." Pinasadahan ko ng dila ang labi. "If my memory serves me right, you welcomed that with pleading eyes."
Nangunot ang noo niya. "You sound like you want a part two of what happened."
"You seem to don't mind, Gavriil."
Nanliit ang mga mata niya. "Gusto mo pa rin ako, tama?"
Humigpit ang hawak ko sa armrest ng aking silya. Sumandal ako sa upuan at kinalas ang pagkakadekwatro ng aking mga paa. Alam na niya ang katotohanan, it doesn't matter if he sees how much I want him.
Bumaba ang tingin niya sa pagitan ng aking hita. Tumikhim siya't namumulang nag-iwas ng tingin. "Itago mo ulit."
"Bakit?" Umirap ako muli. "Tayo lang ang nandito."
He gritted his teeth. "Kung 'yan ang gusto mo."
Dumukwang ako't itinukod ang siko sa mesa. "Anong rason ng pagpunta mo rito?"
"You can have me...kahit kailang gusto mo," mahinang sabi niya. Para bang kahit siya hindi makapaniwala sa kaniyang pinagsasasabi. "Kahit saan mo gusto..."
That sounds right, pero kung Benson ang kaharap mo, it's probably a scam.
"May kapalit," sabi ko. Tumango siya't nakakagat-labing nag-iwas ng tingin. Humalakhak ako. Walang mura sa mga may dugong Benson. "You're out of your mind. You can't possibly worth more than all the hassle."
Rumehistro ang sakit sa mukha niya bago siya tumikhim at matapang na tumingin sa akin. "Pero gusto mo pa rin ako."
"Mas maganda pang kumuha ng puta kaysa pumayag sa 'yo, Gavriil. Sila, hindi ako tutuklawin."
Mabilis na nag-angat baba ang kaniyang balikat. Isang sundot na lang at magwawala na si Gavriil. Imbes manuntok, nag-angat siya ng kilay sa akin. Eyes shone with mockery. "Kung gano'n, then from now on, hindi mo ako puwedeng hawakan at tawagin..."
"I'll live..." sabi ko, hindi makatingin sa kaniya nang diretso.
Humayo siya't dumiretso palabas, not bothering to fight for the last word. Nilaklak ko ang alak mula sa bote bago ibinagsak 'yon. Tinuyo ko ang labi gamit ang likod ng palad.
Hindi ko pa naririnig ang kapalit na gusto ni Gavriil pero may ideya na ako roon. Wala 'yong kinalaman sa akin kung sakaling mahulog ako sa kaniya. It will all benefit no one but himself.
Sa maliit na oras na nagkasama kami, alam kong hindi kabilang si Gavriil sa mga taong gagamitin ko't itatapon. May lugar siya sa tabi ko na hindi puwede sa kahit na sino maliban sa kaniya.
I tore his offer down. Alam kong para 'yon sa ikabubuti ko. Umiling ako. My head knows that it's wrong, yet my prick's still weeping from the lost of the opportunity. Humalakhak ako sa silid kung saan dapat ako nagtatrabaho, iniisip na ako ang nanalo kahit pa pakiramdam ko, talo ako.
BINABASA MO ANG
Lilies Near Me
Random(One-Shot Collection) Wala na naman si Ma'am. Tara't magsulat saglit.