Chapter 7

45 1 0
                                    

“HOY! AMANDA!”

                Napadilat ako.  Nakatulog pala ako.

                “Bakit di mo ko hinintay kanina? Ikaw talaga? Bigla-bigla ka nalang umuwi, wala tuloy akong kasabay... o ano? Ok ka na ba? Sabi nila Hazel masama daw pakiramdam mo...” Grace said... she look worried.

                “Ha? Ah.. OK lang ako..” yun lang naisagot ko.. di ko naman kasi pwedeng sabihing naghallucinate ako eh.. baka asarin pa ko ni Grace...

                “Buti, kumain ka na... Handan a yung dinner... Ibinili din kita ng sushi.”

                SUSHI? Tama ba yung narinig ko?? O_O

                Tumakbo ako pababa... waaah! SUSHI, I MISSED YOU! Hahah! Ang tagal ko nang di nakakakain ng sushi. Hindi na kasi ako masyado nagdedemand ng kung anu-anong food. Maganda na yung masanay ako sa kung anu-ano.

                Pagkatapos magdinner, umakyat na ako sa room ko para mag-aral. Kahit na hindi naman kailangan, dapat mag-aral padin ako...

-------------------

                Harold’s POV

                I miss you Amanda... Nasaan ka na ba? Please bumalik ka na... Please don’t make me worry this much...

                Halos isang taon ng nawawala si Amanda. Hindi ko alam kung bakit ang bagal ng progress sa paghahanap sa kanya. October na. Grabe, mawawala na ata ako sa tamang pag-iisip dahil sa kakaisip sa kanaya. Alam kong kasalanan ko to. Iniwan ko siya when she needed me most... I’m sorry baby, bakit ba kita iniwan? Bakit ba pumayag ako na mawala ka... Hindi ko dapat ginawa yon. Kung hindi kita iniwan, hindi ka siguro umalis sa inyo... I was wrong I never should have left you no matter what... I should’ve known that it could hurt you so much. Pero wala akong magawa. It’s your Dad’s wish. I promise, I won’t do this again. Please come back. I love you... I’ll look for you no matter how long it takes... I’ll find you no matter what...

---------------

                Amanda’s POV

                Ngayon ko lang napansin, ang bilis pala ng oras... OCTOBER na pala. Malapit na ang 18th birthday ko. Malapit na ako maging isang ganap na dalaga! Hehe! Pero mag-iisang taon na pala simula nung lumayas kami sa bahay at nung naghiwalay kami ni Harold...

                “oh! Ashley? Kamusta ka na? OK ka na ba?” Tanong ni Geen.

                “Oo nga, di kami mapakali kahapon, masama kasi pakiramdam mo tapos wala ka pang kasabay umuwi.”

                Wow! Nag-aalala sila! Katouch naman! Heheh! Sarap ng feeling ng may friends!

                “Ok na ko... wag kayo mag-alala.” I said then gave them a smile.

                “Good!” Sabay nilang sabi.

                Pumasok na kami sa room. I was about to sit on my chair pero biglang may umupo dun sa chair ko.  Umupo yung transferee at inilagay yung bag niya dun.

                “Hazel? Bakit nawalan ako ng upuan?” Tanong ko. Nawala lang ako nawalan na agad ako ng upuan?

                “Ay! Oo nga pala. Siningit kasi si Gian sa seating arrangement eh. Kaya dun ka na sa seat after niya.”

The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon