Chapter 5: my heart is racing fast

2.8K 123 1
                                    

Natahimik nalang ako ng sabihin ni Jaja na ako naman ang unang nagpasimuno na ipaalam sa iba na boyfriend ko sya pero ang pinagtataka ko lang ay pwede naman nyang sabihin na hindi talaga kami pero bakit parang mas gusto nya pa yung nangyari sakanya na ginamit ko yung picture nya hindi ba dapat kung galit talaga sya sa ginawa ko ay lilinisin nya yung pangalan nya pero hindi yun yung nangyayari ngayon? Bakit instead na sabihan nya kong sabihin ko sa buong campus na hindi kami bakit parang mas gusto nya pang panindigan na kami talaga? Or pwede rin naman na may binabalak sya bakit nya pinangatawan na maging kami.

"Saan ba tayo pupunta ha!?" Sabi ko na bumasag sa katahimikan naming dalawa. Hindi sya sumasagot at nakafocus lang sya sa pag dadrive. Kinakabahan ako ngayon baka kasi kung saan nya na ako dalahin, baka ipapabugbog na ako nito ha.

"Pwede bang tawagin nalang kitang Jaja ang hirap kasing banggiti-----aaaAaAHHHH" napasigaw ako ng biglang ihinto ni Jaja yung sasakyan nya sa gilid.

"Papatayin mo ba ako!?" Sabi ko habang nakahawak sa puso, sobrang kinabahan ako.

Napausog ako ng bigla syang tumitig sakin.

"Pwede ba itigil mo nayang pag papa-cute mo? sa ginagawa mo baka maging totoo na maging tayo." Sabi nito sa seryosong boses.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko na parang katatapos ko lang tumakbo habang tinitignan ko sya.

"A-anong nagpapa-cute ka dyan!? Hi-hindi ako nagpapacute" sabi ko na sinagot nya lang ng ngiti.

"Ano yang ginagawa mo ngayon?"

"Ha? Nagsasalita? A-ano bang---"

"Magagalit kaba pag hinalikan kita?

"Ha?" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi nya at nilapit nya yung mukha nya sakin. Sa sobrang kaba ko napapikit nalang ako ohmygosh! Madedevirginize na yung mga labi ko. :)

Napamulat nalang ako ng maramdaman ko yung pag batok ni Jaja sa ulo ko sabay tawa nito.

"Aray!"

"Hahahaha! Kala mo talaga hahalikan kita? Siraulo kaba? Pumayag ako maging boyfriend mo para pag silbihan mo'ko! Ako ang hari mo! Hahahahaha!" Tawa nito sabay bumalik na sya sa pagmamaneho ng sasakyan nya.

Nahulog ako duon ha, akala ko ayun na yung soft side nitong taong to for a moment nawala yung isip ko sakanya na isa syang bully. Tumingin nalang ako sa labas para itago yung mukha ko sa kahihiyan pero naririnig ko parin yung pigil nyang tawa.

Naisip ko tuloy na gumanti sakanya kaya lang baka magbackfire sakin bigla yung gagawin ko sakanya eh.

Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko habang bumabyahe kami hanggang sa pumasok kami sa isang malaking gate, una kala ko hotel tong pinasukan namin sa sobrang taas ng gate halos 30seconds din ang layo ng huminto si Jaja mula sa gate.

"Andito na tayo." Sabi nito sabay tinanggal yung seatbelt nya at lumabas.

Lumabas narin ako ng sasakyan nya at halos mahulog yung mga mata ko at bibig ko ng makita ko yung bahay sa harapan ko. Sobrang laki at sobrang ganda parang hotel na hindi ko masabi. Mukang inspired yung mansion nila sa western architecture.

"Anong ginagawa natin dito? Hotel ba'to o museum?" tanong ko, natawa naman si Jaja.

"Bahay namin to." Nanlaki yung mga mata ko ng sabihin yun ni Jaja i mean oo alam ko na mayaman sila pero hindi ko naman akalain na ganito--- ganito kalaki yung bahay nila. Mukang buhay hari nga talaga tong lalaking to.

pagbaba ko ng sasakyan sinalubong agad kami ng apat na lalaki na nakabihis na kulay puting damit na agad na lumapit sa sasakyan ang isa ay kinuha yung bag ni Jaja ang dalawa ay pumunta sa magkabilang side ng sasakyan at may kung anong tinitignan sa gilid samantalang ang isa ay pumasok sa driver seat ng sasakyan.

"a-anong---"

"ano pang hinihintay mo tara na!" yaya sakin ni Jaja sabay naglakad sya papasok sa napakalaking pinto hindi to normal na bahay. malaki yung space ng bahay nila at sobrang linis pero napansin ko lang na sa sobrang laki ng bahay nila bakit halos walang gamit tong sala nila? may upuan lang, na sa unang tingin mo alam mo na na mamahalin to. sa gitna nito ay isang marble na table sa dingding naman nila sa di kalayuan may malaking portrait ng pamilya nila. mag-isa lang bang anak tong si Jaja? pero bakit ganun? wala silang TV? buti pa kami meron.

sinundan ko lang si Jaja habang naglalakad, manghang mangha parin ako sa nakikita ko lalo na sa chandelier nila na sobrang laki at ganda. umakyat kami sa hagdanan at sa taas nito may isang babaeng medyo may edad na na nakatali ang buhok at nakausot ito ng salamin.

"okay na po sir." sabi nito na agad namang sinagot ni Jaja ng paglagay ng hintuturo nya sa labi nya na para bang sinasabi nya na wag itong maingay. akala nya siguro hindi ko nakita yung ginawa nya dahil busy ako sa pagtingin ng bahay nila pero nagkakamali sya lumingon sya sakin at agad kong iniwas yung tingin ko.

ano kaya yung ibig sabihin ng kasamabahay nila na okay na? at this point nawala na yung kaba ko at napalitan na ito ng pagkamangha.

"salamat manang Isah" nagtaka ako dahil parang ang galang nitong lalaking to samantalang sa school napakayabang nya at basagulero, sobrang mainitin pa ang ulo.

hanggang huminto kami sa isang pintuan na agad nyang binuksan. tumingin lang sakin ni Jaja na para bang sinasabi nya na sundan ko sya na agad ko naman ginawa pero nanlaki yung mga mata ko ng makita ko ang loob ng kwarto.

tumingin ako sakanya at ngumiti sya ng pang asar.

hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kung gaano kalinis at kaayos yung buong bahay nila ganun naman kadumi at kagulo tong kwartong nakikita ko.

"welcome to my room!" sabi ni Jaja na may pang asar na ngiti parin at talagang may time pasyang ibuka yung dalawa nyang mga kamay na para bang proud na proud pa sya.

wala talaga akong masabi sa pagkabigla ko sa nakikita ko ngayon, mansyon ba to o bodega?

ngumiti lang ako na para bang napipilitan.

naglakad sya sa di kalayuan sa loob ng kwarto nya at itinapon lahat ng mga damit nya at kung anu-ano pang gamit na nakalagay duon sa single sofa, binuksan nya yung TV at dun ko lang napansin na may TV pala sya sa kwarto nya flat screen ito at sobrang laki na para bang kasya ang isang tao sa sobrang laki.

tumayo lang ako sa gilid at nagugulugan bakit nya ako pinapunta dito sa kwarto nya para ba mapakita nya kung gano kaganda bahay nila o baka gusto nyang ipakita kung gano sya kadumi sa kwarto? o baka naman gusto nya lang ipagmayabang yang malaking TV niya.

"anong ginagawa mo dyan?" wika niya habang nakataas pa yung paa nya.

bigla syang tumayo at hinubad yung damit na suot nya kasabay ng pantalon nya. halos maluwa ang mga mata ko sa gulat at biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng makita ko na sobrang kinis ng katawan nya, maputi sya pero mas maputi yung katawan nya, nakita ko rin na may korte na yung chest nya at may 4-pack abs na sya. lalo pakong napalunok ng makita ko yung marami nyang nunal sa braso at dibdib nya na kitang kita dahil sa kaputian nya.

ibinaba ko pa yung mga mata ko at pakiramdam ko na para bang any moment may dugo ng lalabas sa ilong ko nakaboxer lang sya pero kitang kita mo na may nakaumbok duon sa gitna, mukang sa tangkad nyang yan ay pinagpala parin sya.

nanginginig ako sa sobrang kaba hindi dahil sa takot kundi sa sarili ko oo nakakita nako ng magagandang katawan o nakahubad na lalaki pero ngayon lang ako nakakita ng almost perferct na katawan at personal ko pang nakita natatakot ako na baka mamaya hindi ko mapigilan yung sarili ko.

mas lalo pang nagpainit ng mukha ko ng bigla syang kumindat sakin at ngumiti ohmygad! ohmygad! hala! feeling ko ang pula pula na ng mukha ko. kung anu-ano ng kalaswaan ang pumapasok sa isip ko ngayon.

parang napaisip ako na kung may mangyayari samin ngayon hindi nako magdadalawang isip pa, hindi nako magiging choosy lalo na't ang makakauna sakin ay isang napakagwapong lalaki na kahit masama at nangbubully sa school ay marami parin ang patay na patay. ohmygad! ito na ba?

[A/N] hi guys kamusta naman kayo? sa tingin nyo ito na kaya ang pinakahihintay na kabayaran ni Jaja sa pag gamit ni Rayven ng picture nya? comment nyo kung ano nasa isip nyo. :)


90 Days, My king (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon