Chapter 24: Then we meet again

2.4K 106 9
                                    

Kinabukasan pumunta ako sa school para kunin yung result ng exam ko, pwede naman nilang iemail yun pero mas prepared kong pumunta duon personally at para mapirmahan ko rin o maayos yung mga dapat pang ayusin if ever.

Nagtext ako kay Mae na magkita kami sa loob ng school sa quad namin. Tahimik narin ang buhay ko sa wakas wala ng estudyanteng pumapansin sakin. Atleast kahit papano masaya akong aalis sa school nato.

"Venray!" Sigaw ni Mae at agad naman akong napalingon sa kanya. Agad nya kong niyakap at halos mangiyak ngiyak sya, paka-plastik nito hehe. De joke lang.

"Kamusta kana?! Ano ng balita sayo? Walang hiya ka tumatawag ako sayo ha bakit hindi mo ako sinasagot? Kamusta na?" Masaya nitong bati habang naluluha luha pa.

"Okay naman ako. Wag kang mag alala." Sabi ko sakanya sabay tapik sa braso nya.

"Ang daming nangyari nung nawala ka... ano na palang nangyari sayo? Bakit ngayon kalang nagpakita?"

"Ahmmm... actually, kukunin ko na result ng exam ko."

"Wait!? Nag exam kana!!!!!!!"

"Oo, at dahil yun sa tulong mo sa pag abono mo sa mga nasirang lab equipments." Sabi ko at naglabas ako ng pera galing sa binigay ni sir Jhan. yung ipon ko kasi na sana pambayad dito ay idadagdag ko nalang sa natirang pera na galing sa Daddy ni Jaja.

"Ha? Anong tulong? Wait hindi ako yung nagbayad ng lab equipments, i mean gusto ko sana pero sabi mo diba ayaw mo ng utang?!" Sabi ni Mae, naguluhan ako. Kung hindi sya ang nagbayad sino?! Anyway salamat sakanya kung sino man yun.

" ganun ba? Kala ko ikaw? Nga pala andito rin ako para.......
Para mag paalam sayo." Tumingin lang sakin si Mae pagkatapos ko yon sabihin biglang namuo yung mga luha nya sa mga mata.

"Tuloy na pala talaga?..." napalitan ng lungkot ang masaya nyang mukha.

"Sorry, hayaan mo hindi naman to ang huli nating pagkikita. BFF tayo diba?"

"Mamimiss kita." Sabi ni Mae sabay yakap sakin."wag mo kong kakalimutan ha, bibisitahin kita minsan dun at chat chat tayo gamitin mo rin yung cellphone mo ha."

"Mamimiss din kita."

"Rayven!?" Agad akong napatingin sa may ari ng boses. Nakita ko si Zyrus, Renz, Adrian at Miguel. Bigla akong napatayo sa inuupuan ko at nanginig ako bigla.

"Abong balak nyong gawin!? Please itigil nyo nato! Panalo naman na kayo. Ano pang gusto nyo sakin!?" Nataranta ako at napalayo ng konti pero nakahawak parin si Mae sa mga kamay ko.

"Wag kang matakot Rayven, hindi kami nandito para saktan ka." Sabi ni Miguel.

"Pano ako maniniwala sainyo? Wala kayong ibang ginawa kundi manakit ng kapwa nyo estudyante." Sigaw ko at nanginginig parin ako sa takot pano kung ano nalang yung gawin nila sakin.

"Nasan si Airel? Anong binabalak nyo!?"

"Relax kalang Rayven, wala kaming gagawin sayo." sabi ni Adrian.

"Hwag kayong lalapit, Mae tara na!" Sigaw ko sabay hila kay Mae.

"Venray..." sabi ni Mae at ngumiti sakin. "Relax lang hindi ka nila sasaktan."

"Wag kang mag alala Rayven, hindi kami nandito para saktan ka." Sabi ni Zyrus. Huminga ako ng malalim at tinignan ko lang silang apat.

Nang kumalma nako, pinaupo na ulit ako ni Mae sa tabi nya at pinaliwanag nya na against silang apat sa ginawa ni Airel, lumapit sila sakin dahil gusto nilang humingi ng tawad sa nagawa ni Airel at dahil wala ring silang nagawa nung mga oras na kailangan nila akong ipagtanggol kay Airel. Sinabi rin nila na halos hindi na pumapasok si Airel kung pumasok man to ay laging malayo ang iniisip.

Matapos nilang magpaliwanag biglang may kumurot sa puso ko suddenly may bigla akong naramdaman suddenly bigla kong naisip kung kamusta na si Airel? At kung anong nangyari sakanya bakit hindi narin sya nagpapasok, tinanong ko ang mga kaibigan nya pero nanatili lang tikom ang mga bibig nila.

Magsisimula na ang next class nilang apat pati narin si Mae kaya naman nag paalam nako sakanila at sinabi kong ito na ang huling pagkikita namin dahil aalis nako. na ito na ang huling araw ko sa school. Agad nagpasalamat at nagpaalam ang apat na kaibigan ni Jaja bago pa sila umalis ay humingi ulit sila ng tawad sakin at tinanggap ko naman ang tawad nila.

Nagyakapan kami ni Mae at nangakong magkikita ulit kami in future at mag ki-keep in touch sa telepono, halos maiyak ako ng maghiwalay kami ni Mae.

Pagkatapos umalis ni Mae agad akong nagtungo sa department namin para hintayin yung result ng exam ko, okay na ang result need nalang ng pirma ng chair person namin. Pagnakuha ko na ang result, tapos na ang araw ko sa school nato. Sila narin ang magpapasa ng mga need ng documents sa lilipatan kong school.

JHAN AIREL POV

Zyrus

Di ka ba papasok ngayon? Andito si Rayven nagtext sya kay Mae. Magkikita sila dito sa school. Pupuntahan namin sya ngayon, ayusin mo na ang dapat mong ayusin.

Nang mabasa ko yung text ni Zyrus agad akong nag ayos at nag madaling pumunta sa school para makita ko si Rayven at makausap. Pero pag dating ko wala na sila sa tapat ng building probably pumasok na sila sa mga klase nila. Tumakbo ako sa building nila Rayven at pinuntahan ko yung room nila, sumilip ako pero si Mae lang ang nakita kong kilala ko sa loob ng room nayun.

Nang magtama ang mga mata namin ni Mae halos mangiyak ako na parang batang may gustong hingiin. Pero iniwas nya ulit yung tingin nya at parang wala syang nakita. Yumuko ako at sobrang nalungkot. Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang si Rayven dito kaya bawat araw mahalaga na makausap ko sya pero i guess hindi ko naman masisisi si Mae kung hindi nya ko pansinin. Tumalikod ako at huminga ng malalim hindi ko na kasi alam yung gagawin ko.

"Nasa department si Rayven." Napatingin agad ako sa babaeng nagsalita mangiyak ngiyak nako ng humarap ako kay Mae. Salamat sinabi mo! Salamat at hindi mo ko natiis.

"Bilisan mo nalang baka umalis narin yun." Ramdam mo parin yung galit ni Mae sakin pero ramdam mo rin yung gusto nyang tumulong.

"Salamat Mae! Salamat talaga!" Agad kong sabi at tumakbo ako bigla papuntang department nila habang tumatakbo ako nakaramdam ako ng saya at pagkasabik para akong may hinahabol na kasayahan.

Maghintay kalang Rayven malapit nako.

Malapit nako sa building ng department nila ng bigla akong napahinto at biglang napawi yung mga ngiti ko sa mga labi ng makita ko si Rayven na naglalakad palabas ng department nila, pagkakita ko sakanya biglang bumalik sa isip ko yung pagmamakaawa nya yung kagaguhang ginawa ko sakanya, bigla akong nahiya.

Masaya sya habang tinitignan ang hawak nyang papel ng ipasok nya yun sa envelop naglakad na ulit sya pero bigla syang napahinto ng makita nya ko, biglang napalitan ng takot yung mga saya ng mukha nya.

Halos mamatay ako ng makita ko yun, pakiramdam ko ang sama sama kong tao na kapag nakita nya ko halos mataranta sa kaba tong taong nasa harapan ko. Nakita ko na nanginginig yung mga kamay nya pero agad nyang tinago to sa likuran nya marahil ay natatakot parin sya sakin na baka may gawin ulit akong masama sakanya. Ang sakit sa puso.

Halos mapaatras ako ng makita ko yung naging reaksyon nya ng makita ako pero andito ako para ayusin kung ano pang meron na natitira saming dalawa.

Iniwas nya yung mga tingin nya sakin at yumuko sya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla syang naglakad papalapit sakin. Hindi sa kinakatayuan ko kundi sa direksyon kung saan ako nakatayo.

Akala ko iiwasan nya ko pero dito parin sya dadaan. Habang palapit ng palapit yung taong nagpapabilis ng puso ko nanginginig naman yung buo kong katawan hindi ko alam kung pano ako magsisimula.

"Rayven." Parang sinaksak yung puso ko ng lagpasan nya lang ako, hindi nya ko pinansin at dinaanan nya lang ako. Ang sakit ng puso ko.

90 Days, My king (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon