Chapter 10: let it be/ let it go

2.3K 106 3
                                    

Ilang araw narin ang lumipas simula ng sumabog sa internet ang picture namin ni Jaja, instant celebrity tuloy ako pero imbis na matuwa ako nalulungkot lang ako kapag nakikita ko ang mga comments ng fans ni Jaja feeling ko tuloy kabit ako na inagaw sakanila yung asawa nila. Hindi ko naman hiniling to pero bakit nangyayari sakin to?

Pagka gising ko huminga ako ng malalim para sabihin sa sarili ko na kaya ko to! Isang araw na naman ang tatapusin at titiisin ko, pagkaupo ko sa kama agad kong tinignan yung cellphone ko at nagtaka....

Bakit parang di nako chinachat ni Fault? Bakit parang tumigil na sya sa pag chachat? dahil ba to sa nalaman nya na boyfriend ko na si Jaja? or baka naman pati sya nandidiri narin sakin? Malamang nakita na nya yung mga comments sa fb tungkol sakin. :(

"Anak baon mo." Inabot sakin ni mama ang isang daan.

"Pasensya kana anak ha, kailangan na natin magtipid, di bale malapit naman ng matapos yung 3 months at lilipat na tayo ng probinsya." Ngumiti nalang ako kay mama para ipaalam sakanya na okay lang. Naiintindihan ko rin naman dahil malaki rin yung hiningi kong pera kay mama nung nakaraan para sa mga projects namin.

Pagdating ko sa building namin agad akong tumungo sa locker room, walang bayad ang locker namin dahil previlage na sya ng mga estudyante, dapat lang dahil ang mahal ng tuition fee dito. Papasok palang ako ng makita kong nakabukas na yung pinto ng locker ko, tumakbo agad ako para tignan kung andun pa yung project na ginawa ko. Halos manginig yung mga paa ko ng palapit ako, dahil pinag gastusan ko yun. Pagtingin ko naka kalat yung mga gamit ko at wala na yung project ko liquid pa naman yun, ng hindi ko makita agad kong inilabas yung mga libro ko this time yung research ko naman yung hinanap ko. Malapit na mag exam at malapit narin akong umalis dito kaya naman lahat ng project sa mga subject ko ay mahalaga dahil dun nakasalalay yung scholarship ko sa public school na lilipatan ko sa probinsya, kaya as much as possible kailangan na magaganda at matataas yung grade ko.

"Anong nangyari sayo?" Wika ng ka-faculty ko.

"Yung project ko kasi nawawala. Pati yung research ko." Nanlalambot kong sabi.

"Teka? Ayan ba yung locker mo? Kanina parang may mga estudyante na nagbukas ng locker nayan eh, tinanong pa nga namin kung anong ginagawa nila, ang sabi nila nakalimutan ng may ari yung susi at may pinapakuha raw. I think mga taga college of arts yun base sa uniform nila siguro mga masscom student yun."

Nagpasalamat ako sakanya at nagmadali akong pumunta sa building ng masscom medyo maliit lang ito dahil usually sa lab at theater sila naglalagi. Papasok na sana ako sa building ng may narinig akong nagtatawanan sa mga bench nila grupo to ng mga estudyante karamihan babae at beki.

Lalapit na sana ako sa kanila para magtanong regarding sa mga estudyanteng nagbukas ng locker ko pero nanlaki yung mga mata ko ng makita ko yung research ko na isa isa nilang pinupunit.

"Hoy! Anong ginagawa nyo!!" Napasigaw ako bigla at lumapit sakanila agad naman silang napatigil sa ginagawa nila at nagtayuan.

"Andito na pala ang dyosa ng kagandahan." Sabi ng isang babae.

"Gurl, ililipat ko na ba sayo yung korona?" Sabi ng isang beki at itinaas yung mga kamay nya sa ulunan nya.

"Ayoko ng gulo, gusto ko lang mabawi yung research ko." Sabi ko. May copy naman ako sa flashdrive ko pero nanghihinayang ako kung ipapaprint ko pa lahat naka 80 pesos din ako dyan. Gusto kong mabawi para ang ipapaprint ko nalang is yung mga napunit na nila.

"Eto ba?" Sabi ng isang babae at sinimulang punitin ulit yung natitira pang mga pages.

"Ano ba! Bakit nyo ba ginagawa yan!? Wala naman akong ginagawang masama sainyo ha! Ni hindi ko nga kayo kilala!" Sigaw ko, nainis narin ako dahil patuloy yung pagpunit nila sa mga pages habang nagtatawanan pa.

"Ang big deal naman sayo yan gurl! It's just a paper. Just consider this as a punishment!" Sabi ng isa pang beki, kung alam nyo lang.

"Punishment? Bakit? Anong ginawa ko?!"

"Para yan sa pang-aakit mo kay Jhan Airel, at isa pa let's say mainit lang talaga dugo namin sayo." Sabi nung babae sabay nagtawanan nanaman sila. Ireport ko kaya to sa dean nila?!

"Akina yan!" Sigaw ko at sinubukan kong bawiin at kunin sa mga kamay nila yung mga papel. Nang makuha ko yung papel na nasa table tinangka kong kunin yung nasa kamay nung beking nagpunit kanina ng research ko pero nahirapan ako dahil mahigpit ang hawak nya at iniingatan ko rin na hindi mapunit.

Hanggang dumatingin yung tatlong lalaki na classmate nila at agad akong tinulak na naging dahilan kung bakit ako napaupo sa lupa.

"Bakit ka nang gugulo dito!"

"Hindi ako nang gugulo, sila! Ninakaw nila yung project at research paper ko!" Paliwanag ko pero pasigaw na yung boses ko.

"Anong ninakaw!? How dare you!" Sabi nung babae at itinapon sakin yung iniinom nyang milktea.

"Bitch!" Sabi pa nya sabay nag tawan ulit sila. Teka nga nabubullied ba ako ngayon!!?

"Know your place!" Sabi pa ng isang beki.

"Tama nayan!" Sabi ng isang lalaki at agad na inaya sila papasok ng building nila.

Halos maluha ako sa sama ng loob, never kong naimagine na mangyayari sakin to, natanong ko tuloy sa sarili ko kung saan ba ako nagkamali. Kung ano bang kasalanan ko bakit ako ginaganito.

"San ka ba nagpupunta? Bakit di ka pumasok? Tapos na yung klase natin, yung project mo napasa mo naba? Teka anong nangyari sayo?" Sabi ni Mae ng makita nya kong nakaupo sa gilid ng puno.

Tumingin lang ako sakanya habang namumuo yung mga luha sa mga mata ko at agad syang niyakap hanaggang sa hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko at napaiyak nako ng tuluyan.

Ilang minuto rin akong ganun hanggang sa kumalma nako at ikinwento ko lahat kay Mae ang nangyari.

"Tara! Pumunta dayo sa dean nila at isumbong natin to. Hindi porket may gusto o fan sila ni Jhan Airel gaganyanin kana nila." Galit na galit na sabi ni Mae.

"Hayaan mo na Mae, ayoko na ng gulo." As much as possible gusto ko malinis ang record ko pag alis ko dito.

"Pero mali yang ginawa nila sayo, pag nanakaw at pang aapi yan eh."

"Ayoko narin palakihin pa. Hayaan nalang natin sila. Wag mo nalang din sabihin kahit kanino." Pakiusap ko kay Mae, isa sa natutunan ko sa magulang ko ang wag gumanti at hayaan nalang ang panahon ang kumilos para dito. Isa pa pag sinumbong ko sila mas lalo nila akong pag iinitan.

Habang naglalakad ako pauwi pumukaw sa pansin ko ang isang restaurant na may nakalagay na hiring: part-timer Agad akong lumapit dahil sobra akong naging interesado lalo pa't makakatulong sakin to financially pag natanggap ako, naghanap agad ako ng malapit na internet cafe para gumawa ng resume buti nalang may pera pakong natitira at gagamitin ko naman sya para magkaroon ako ng pera pa.

Parang nabuhayan ulit ako ng loob dahil alam ko na pag once na natanggap ako dito hindi nako manghihingi ng pera kay mama at makakatulong yun sa pagtitipid namin. Tutal hanggang hapon lang naman ang klase ko kaya marami akong time para dito.

Prinint ko agad yung resume ko at nagdali dali akong nagpasa sa manager nila, una nag aalangan pa syang tanggapin yung resume ko ng makita nyang sa GFU ako nag-aaral, tulad nga ng sabi ko kilala ang GFU sa mayayamang estudyante dahil sa mahal ang tuition fee dito, nag aalangan sya dahil bakit ako sa restaurant nag aaply knowing na maganda yung eskwelahan ko. Nagdalawang isip sya baka wala akong alam at hindi ko kakayanin o magampanan yung mga gawain dito.

Kaya naman ginawa ko ang lahat para matanggap ako pinakita ko na interesado ako na mag part time sa restaurant nato at sinabi ko rin ang lihim ko na aalis narin ako sa GFU kaya mas lalo kong kailangan mag ipon. Sa tingin ko maganda naman yung usapan namin sinabi ko rin na pag hindi nya nagustuhan yung performance ko ay pwede nya kong tanggalagin agad.

Sobra akong natuwa ng binigyan nya ko ng pagkakataong matrabaho duon sa susunod na linggo, kaya kahit hindi man maganda yung simula ng araw ko ngayon ay natapos naman ng maganda. Totoo nga yung sinasabi nila na hanggat hindi pa natatapos ang araw, pwede ka parin maging masaya. Pero naninibago parin ako ngayong araw kasi parang hindi ko nakita o nagparamdam man lang si Jaja sakin? Padang hindi normal? Hmmm.. malamang siguro busy narin yun sa mga projects nila dahil malapit na ang exam.

90 Days, My king (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon