A/N: waahhhhh.. hehehe.. hulala.. sana po ay inyong magustuhan.. waaaaaaaahhhh.. salamat po.. maikling kwento po tungkol kay Sashi.. ahahaha.. ang nag-iisang babae sa triplets nina Stella at Crush ng "dialling crush's number".. ahahaha.. salamat po.. :P
------------------------------------------------------------------------------------------------
"I hate you!" yang ang mga katagang palagi kong naririnig kay Nicolo.. Sa tuwing lumalapit ako sa kanya.. Ang mga katagang yan ang agad kong naririnig mula sa kanya..
Inaamin ko.. Nasasakatan ako sa tuwing sinasabi niya sa akin.. Dinadaan ko na lang sa ngiti ang tawa ang sakit na nararadaman ko.. Hindi ko alam kung anong nagawa ko bakit ganun siya sa akin.. Mabait naman ako sa kanya..
Mahal mo si Nicolo.. Bata pa lang kami.. Minahal ko siya.. Hindi kami friends.. Palagi kasi siyang galit sa akin.. Kahit anong isip ko.. Kahit anong halukay ko sa utak ko.. Kung ba may nagawa akong mali para maging ganun siya sa akin.. Wala talaga ako maisip..
"Hoy!" untag sa akin ng aking bestfriend na si Kara.. "Lalim ng iniisip ah." sabi niya na tumabi sa akin..
"Si Nicolo kasi eh." sabi ko sabay buntong-hininga at nangalumbaba pa..
"Ano naman si Nicolo?" tanong niya.. At nangalumbabang din tumingin sa akin..
"Hindi naman niya tinanggap yung binigay ko sa kanya." sabi ko at ipinakita sa kanya ang isang kahon na may laman na cupcakes.. Ito ang favorite ni Nicolo.. "Tapos sinabihan na naman niya ako ng "I hate you". tapos sumubsob ako sa lamesa..
"Nico." tawag ko kay Nico ng makita ko siya sa gate ng shool.. Agad akong lumapit sa kanya.. "Para sa'yo oh." sabay abot ko ng kahon ng cupcakes.. "Favorite mo yan 'di ba?" nakangiti kong sabi..
"Ayoko niyan." sabi ni Nico at lumakad na.. Napabuntong-hininga naman ako.. Hindi na naman niya tinaggap.. Hay!
"Nico!" tawag kong muli at sinundan siya.. Nang makaagapay ako sa kanya.. Pilit kong ibinibigay sa kanya ang kahon ng cupcakes.. "Tanggapin mo na. Para sa'yo 'to oh." pamimilit ko..
"Ayoko sabi." tinabig niya ang mga kamay ko dahilan para mahulog ang dala ko.. Parehas kaming natigilan.. Parehas din kaming nakatingin sa natapong cupcakes..
"Nico..." malungkot kong sabi.. Pinulot ko ang kahon.. Salamat naman at hindi nadumihan ang laman.. Malungkot akong tumingin sa kanya.. Nakita kong bumuka ang bibig niya.. Tila may sasabihin siya.. Pero hindi niya na lang niya itinuloy.. "P-para sa'yo 'to ih." naiiyak ko ng sabi..
"I hate you!" sinabi na naman niya.. Agad siyang naglakad palayo sa akin.. Ano ba talagang kasalanan ko? Bakit hate niya ako? May nagawa ba akong masama? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Bakit ganun siya?
Sinundan ko na lamang siya ng tingin.. Agad ding namalisbis ang mga luha ko sa aking mga mata.. Palagi na lang ganito.. Palagi na lang niya akong sinasabihan ng ganun.. Ganun ba niya ako ka-hate para palagi niyang sabihin yun? Hindi ba niya alam na nasasaktan ako? O sadyang sinasaktan niya lang ako?
"Okay lang yan." sabi ni Kara na hinagod-hagod pa ang likod ko.. "Siguro ay hindi ka lang talaga niya gusto."
Lalo lamang akong naiyak.. Isa lang naman ang gusto ko.. Ang magustuhan din ako ng lalaking mahal ko.. At si Nicolo yun.. Pero malabo atang mangyari yun.. Sa sitwasyon namin ngayon.. Malabong malabo..
"Nico!" napaangat ako ng tingin ng marinig ko na may tinawag si Kara.. Si Nicolo! Nagtatakang tumingin ako kay Kara.. Ngumiti lang siya sa akin at tumayo.. Bitbit ang cupcakes ko na para sana kay Nicolo.. Ano naman kayang binabalak ng babaeng 'to?
Lumapit naman si Nicolo sa amin.. "Bakit?" tanong niya..
"Tanggapin mo na nga ito. Nang hindi na nagmumukmok itong kaibigan ko." sabi ni Kara sabay abot ng cupcakes kay Nico..
Hinablot naman ni Nico ang kahon at sabay alis na.. Pero bago tuluyang umalis.. Lumingo siya sa akin.. "Sashi! I hate you." sigaw niya..
Sa inis ko.. Dahil palagi niya sinasabi sa akin iyon.. Tumakbo ako palapit sa kanya.. Binatukan ko siya.. "Aray!" sabi niya at hinmas-himas ang batok niya..
"Ano ba talagang problema mong lalaki ka?" inis na tanong ko.. "Ano bang nagawa ko sa'yong mali para kamuhian mo ako? May nasabi ba akong mali? Ha?" galit at naiinis na talaga ko.. Hindi ko talaga alam ang ipinagkakaganyan niya..
"W-wala." sabi niyang hindi makatingin sa akin..
"Tingnan mo akong lalaki ka." sabi ko sabay hila sa braso niya.. Mataas na rin ang boses ko.. Sasabog na talaga ko.. Para akong bulkan na anumang oras eh sasabog na.. "Ano bang mali sa akin? Ano bang ayaw mo sa akin? Sabihin mo? Bakit ka ba galit sa akin?"
"H-hindi ako galit sa'yo." sabi niya..
"Hindi galit?" dudang tanong ko.. "Hindi galit? Pero kung masabihan mo ako ng "I hate you". Wagas!" galit na sabi ko..
"Wag mo na lang pansinin yun." sabi niya.. Nag-iiwas pa rin siya ng tingin sa akin..
"Wag pansinin?" tanong ko.. "Paanong hindi ko papansinin? Eh nasasaktan ako." naiiyak ng sabi ko.. "Nasasaktan ako sa tuwing sinasabi mo iyon sa akin. Ang sakit-sakit na iyong taong gusto kong mahalin din ako ay namumuhi sa akin?" sabi ko.. "Paano ha? Paanong hindi ko papansinin?"
"S-sashi.." hinawakan niya ang braso ko pero nagpumiglas ako..
"Sabihin mo nga?" tanong ko.. "Ano bang nagawa ko para kamuhian mo?"
"Wala." sagot niya..
"Anong wala?" tanong ko.. "Ano nga?"
"Wala nga!" mataas na rin ang boses niya.. Marahil sa inis na rin sa pamimilit ko.. "Basta, I hate you."
Tuluyan na akong napaiyak.. Sapo ang aking mukha at umiyak ng umiyak.. "Bakit nga?"
"I hate you.." sabi niya.. Inaangat niya ang mukha ko at tumingin siya sa akin.. Wala akong nagawa kundi ang tumingin din sa kanya.. "Dahil maganda ka. Dahil mabait ka. Dahil matalino ka. Dahil nasa'yo na lahat." sabi niya.. Naiinggit ba siya sa akin? Bakit? "At higit sa lahat. I hate you dahil hindi ko mapigilang mahulog ang loob ko sa'yo. Dahil ko hindi mapigilan ang sarili ko na mahalin ka. Ayaw kitang mahalin dahil ayaw kong masaktan. Pero sutil ang puso ko. Ikaw pa rin ang inibig nito."
Binatukan ko nga siya.. "Aray!" sabi niya.. Pandihimas sa batok niya.. "Nagtapat na nga ako. Binatukan pa ako." reklamo niya..
"Adik ka kasi!" pagtataray ko.. "Adik ka! Mahalin mo na lang ako. Okay lang na masaktan ako. Basta mahalin mo lang ako." sabi kong nakapamewang.. "Dahil kung hindi mo ako mamahalin. Ako ang araw-araw na magsasabi sa'yo ng 'i hate you'. Para naman maramdaman mo ang naramdaman ko." sabi ko..
"Nagtapat na nga di ba?" sabi niyang tila nainis.. "Dami pa reklamo." bulong niya..
"May sinasabi ka?" mataray pa ring tanong ko.. Taas kilay pa..
"Wala." sabi niya.. "Sabi ko, mahal kita." kinabig niya ako at hinalikan sa labi..
*end*
A/N: sorry po sa typo error.. sorry kung maikli lang din.. ahaha.. sorry din kung parang bitin.. salamat pa rin po.. salamat po ng marami.. :P dinugsungan ko na.. ahaha.. parang bitin pa rin? husgahan ninyo na lang po.. hehehe.. :P salamat po..
BINABASA MO ANG
♥ One Shots ♥
Short Storydito ninyo po makikita ang mga bago kong one shot stories.. ahaha.. para naman po hindi masyado madami yung sa "my works" ko.. ahahaha.. andami nga.. ang iikli naman.. kaya dito ko na lang po ilalagay yung mga bago ko pa po gagawin.. salamat po ng m...