A/N: waaaaaaaaaaaahhh.. tagal ko atang hindi nag-update.. ahahahahahaha.. ^___^ salamat po sa mga magtyatyaga rito... ahahaha.. :))
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I'm Xyza Marie Legazpi.. You can call me "Say".. May minamahal ako.. Matalino siya.. Gwapo.. Pero sobrang napakamahiyain.. Palaging nakayuko.. Sumasagot lang kapag kinakausap.. Palaging nag-iisa.. Madalas humihiwalay sa grupo.. Pero kahit ganoon siya.. Mahal ko siya..
Siya ay walang iba kundi si Lenard James Malapitan.. Minsan nga.. Natatawa ako sa surname niya.. Malapitan.. Pero napakamahiyain namin.. Parang hindi tugma sa karakter niya..
"Hoy!" sigaw ng aking napakabait na kaibigang si Sussana.. Tinapik pa ako sa balikat.. Nasa canteen kasi kami dahil lunch time..
"Ano ba?" angil ko..
"Ay, Teh?" sabi niya na may pagtaas pa ng kilay.. "Nagtataray lang? Pekstusan kaya kita dyan." sabi niya akmang pepektusan ako..
Inirapan ko lang.. Ganyan kami ng kaibigan kong ito.. Akala mo laging magka-away.. Bumuntong-hininga lang ako..
"Ang lamin, Teh." react niya.. Naupo na siya ng tuluyan sa tabi ko.. "Nalulunod ako oh." sabi niya.. "Help! Help!" maarteng sabi niya na may pagtaas-taas pa ng kamay na animoy nalulunod nga..
Binatukan ko nga siya.. "Ang arte mo ha." sabi ko na may pag-irap pa..
"Aray ko naman." sabi niya na hinimas-himas pa ang batok.. "Ano ba kasing iniisip mo? Para kang problemado dyan." sabi niya..
"Si Lenard kasi..." sabi ko.. With macthing teary-eyes pa..
"Sinasabi ko nga baga eh." sabi niya.. "Si Lenard na naman." siya naman ang nagbuntong-hininga..
"Kelan kaya niya ako mapapansin? Lahat na ng paraan ginawa ko. Mapansin niya lang ako." himutok ko.. Palagi ko siyang binabati.. Palagi akong nag-a-attempt na kausapin siya.. Pero wala eh.. Palaging akong fail..
"Paano ka mapapansin ng isang taong parang tuod ha?" tanong ni Sussana.. "Dugo't pawis mo nga ang pinuhunan mo. Deadma pa rin ang beauty mo." eksaheradang sabi ni Sussana.. With rolling eyes pa..
"Hay!" nagbuntong-hininga na lang ulit ako..
"Speaking of your little shy boy." biglang sabi ni Sussana.. "Here he comes with his.." putol niya sa sinasabi.. "Girlfriend?"
"Ha?" react ko at napatingin naman ako sa direksyong tinitingnan ni Sussana.. Nakita ko nga si Lenard.. At hindi siya nag-iisa.. May kasama siyang magandang babae.. Papasok sila ng canteen..
BINABASA MO ANG
♥ One Shots ♥
Short Storydito ninyo po makikita ang mga bago kong one shot stories.. ahaha.. para naman po hindi masyado madami yung sa "my works" ko.. ahahaha.. andami nga.. ang iikli naman.. kaya dito ko na lang po ilalagay yung mga bago ko pa po gagawin.. salamat po ng m...