Do you still remember? Na sa tuwing sasapit ang buwan ng enero.. Your teacher always wants you to write your new year's resolution.. Oh!! Alam ko.. Hindi man kayong lahat.. Pero ilan sa inyo.. Pinaggagawa ng teacher nila ng resolution.. Yung bang kung ano ang gusto ninyong baguhin o makamit sa new year.. Hehehe.. Well.. This story is about a young girl's resolution.. Enjoy!! ^_^
Pasukan na ulit.. Two days after new year.. Heto ako.. Naglalakad na papasok sa aming paaralan.. Pansin ko ang mga kapwa ko estudyante.. Masaya.. Nagtatawanan.. Kanya-kanyang pagmamahili ng mga natanggap na regalo noong Pasko..
Magagandang damit.. Bagong sapatos.. Bagong gadgets.. New sets of jewelries.. Lahat bago.. Pahili dito.. Pahili doon.. May ilan din na may mga dala pang regalo.. Pahabol sa pasko..
Bati ng "happy new year." Kaliwa't-kanang batian.. Kanya-kanyang bigayan ng pahabol na regalo..
"Happy New Year, Cynths." biglang sumulpot si Maria mula sa likuran ko.. Nakangiti siyang umabrisyete sa akin.. "Kumusta ang Pasko at New Year mo?" tanong niya.. Sabay na kaming naglakad papunta sa classroom namin..
"Masaya." nakangiti kong sabi.. "Niregaluhan pa nga ako nina Mama at Papa ng bagong cellphone oh." nilibas ko mula sa bulsa ko ang bagong- bagong iphone ko at pinakita sa kanya..
"Wow naman!" manghang sabi ni Maria.. "Pahiram naman ako." sabi niya ng akmang hahawakan ang cp ko..
"Ooops!" sabay iwas ko sa cp ko.. "Ayoko nga. Bago 'to. Baka sirain mo." nakangiting sabi ko..
"Ang damot mo." reklamong sabi ni Maria.. Humalukipkip siya at tumigil sa paglalakad..
"To naman. Joke lang." sabi ko.. "Bestfriend kita, di ba? Kaya papahiramin kita." inabot ko sa kanya ang cp ko.. Ngiting-ngiting kinuha naman niya sa akin ang cp ko.. Hinayaan ko siyang paglaruan ito hanggang sa makarating sa classroom..
"HAPPY NEW YEAR, Cynthia!" nagulat ako sa bumati sa akin pagbungad ko sa pinto ng classroom..
Si Philip.. Si Philip na long time crush ko.. Si Philip na maloko.. Palakaibigan.. Mabait.. Si Philip na itinitibok ng batang puso ko..
"H-happy N-new Y-year din." nauutal naman sabi ko.. Ngayon lang kasi niya ako kinausap ng ganito kalapit..
Pakiramdam ko nga.. Pulang-pula ako.. Sa kilig.. "Uy, okay ka lang." bigla niyang hinawakan ang leeg ko.. "May sakit ka ba? Namumula ka eh." sabi niya..
"H-huh?" nanlaki naman tanong ko.. Waaaaaaaaaaaahh.. Halata ba talaga? Agad naman akong yumuko.. "W-wala. Wala akong sakit." dali-dali akong naupo sa upuan ko.. Sumubsob ako.. Hala naman!! Namula pa ako sa harapan niya.. Kakahiya..
Nag-angat lang ako ng tingin ng pumasok ang aming guro.. "Happy New Year, class." bati ni Sir sa amin..
""Happy New Year din po." sagot naman namin..
"Okay, class. Dahil New Year ngayon." sabi ni Sir.. "I want you to write your new year's resolution. Write it on a one whole sheet of paper."
"Aahhh." reklamo ng mga classmates ko.. Taon-taon na lang kasi.. Gumagawa kami ng ganoon.. Pero lahat naman kami naglabas ng papel.. At sinimulang magsulat..
Nag-iisip ako ng new year's resolution ko ng may tumapik sa mga balikat ko..
"Ay, kabayo." gulat na napalingon ako sa may likuran ko.. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang tumapik sa akin.. Si Philip..
BINABASA MO ANG
♥ One Shots ♥
Krótkie Opowiadaniadito ninyo po makikita ang mga bago kong one shot stories.. ahaha.. para naman po hindi masyado madami yung sa "my works" ko.. ahahaha.. andami nga.. ang iikli naman.. kaya dito ko na lang po ilalagay yung mga bago ko pa po gagawin.. salamat po ng m...