Just Give Me A Reason

2K 41 4
                                    

A/N: okay.. part 2 ng "Someday"..

Louie' s POV

Nilapitan ko siya at binigyan ng pulang rosas.. Kumuha rin ako ng mic at sinabayan siya sa pagkanta..

Just give me a reason..

Just a little bit's enough..

Just a second we're not broken just bent..

And we can learn to love again..

It's in the stars..

It's been written in the scars on our hearts..

We're not broken just bent..

And we can learn to love again..

Habang kumakanta ay nakatingin lamang ako sa kanya.. Matagal ko na siyang kilala.. Dati na rin kaming magkakilala.. Pero dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya noon.. Ilang bahagi ng kanyang alaala ang nabura..

Kasama na ang alaala naming dalawa.. Simula ng maaksidente siya.. Palagi na akong nakamasid sa kanya.. Sinusundan siya kahit saan siya magpunta..

Alam ko din ang kwento nilang dalawa ni Dale.. Nakita ko kung gaano siya naging masaya noong maging sila ni Dale.. Nakita ko kung paano nila alagaan ang isa't-isa.. Lahat ng masasaya at malulungkot na pangyayari sa kanilang dalawa.. Alam ko..

Nandoon din ako ng maghiwalay sila.. Nakita ko kung gaano siya naghirap ng magkahiwalay sila..  Gusto ko siyang lapitang ng mga panahon na iyon.. Gusto ko siyang  damayan.. Gusto kong malaman niya na hindi siya nag-iisa..

Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.. Labis ang galit na ramdaman ko kay Dale ng iwan nito ang babaeng pinakamamahal ko.. Ang babaeng iningatan ko ng matagal..

Ngayon kaharap ko na ulit si Chin.. Ipinangako ko sa sarili kong hinding-hindi na siya masasaktan.. Hinding-hindi na siya iiyak.. Gannon ko siya kamahal.. At hindi ko hahayaan na mangyaring muli sa kanya ang ginawa ni Dale..

I'm sorry I don't understand..

Where all of this is coming from ..

I thought that we were fine (Oh, we had everything)..

Your head is running wild again..

My dear we still have everythin'..

And it's all in your mind (Yeah, but this is happenin')..

Patuloy kami sa pagkanta habang nakatigtig sa isa't-isa.. Napansin kong nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.. At ng tuluyang lumaglag sa kanyang pisngi ang mga luha niya.. Pinunasan ko ito at marahang hinalikan siya sa noo.. 

Chin's POV

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.. Naramdaman ko na lamang na namamaybay ang luha sa aking pisngi.. Pinahid ito ng lalaking nasa harapan ko ngayon at sinasabayan ako sa pagkanta..

"Louie." sambit  ng isip ko sa pangalan niya.. Isang alaala ang pilit nagsusumiksik sa aking isipan..

*** "Chin, pangako.. Babalikan kita. Hintayin mo ako ha." sabi ng batang lalaki sa akin..

"Babalik ka ha." umiyak ng sabi ko..

"Oo naman. Nangako na nga ako di ba?" nakangiting sabi ng lalaki at ginulo ang buhok ko..

"Hihintayin kita." sabi ko.. Sumakay na ang lalaki sa kotse kasama ang mga magulang nito..

"Hintayin mo ako, Chin." sigaw niya ng umandar na ang sasakyan.."Pag balik ko. Papakasalan kita." pagkatapos ay kumaway siya sa akin..

Tumakbo ako para maaubutan ang kotse.. "Maghihintay ako, Louie." sigaw ko.. ***

"Louie." sambit ko sa pangalan niya.. Napatigil na rin kami sa pagkanta..

"Chin." sabi niya.. Hinawakan niya ang mga kamay ko..

"Nagbalik ka." sabi ko at niyakap siya..

Tila nagulat naman siya sa reaksyon ko.. "Naaalala mo na ako?" tanong niya.. Tumango lamang ako.. Naramdaman kong gumanti na din siya ng yakap sa akin..

"Sorry kung nakalimutan kita." hinging-paumanhin ko.. "Sorry kung hindi kita agad nakilala."

"Okay lang yun.. Alam ko naman na hindi mo iyon ginusto." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.. "Nga pala." kinalas niya ang pagkakayakap namin.. May dinukot siya sa bulsa niya.. "Five years ago ko na dapat naibigay ito eh." sabi niya.. Isang maliit na kahon na naglalaman ng isang diamond ring.. "Kaso, hindi mo ako natatandaan kaya hindi ko kagad naibigay sa'yo."

"Louie." sabi ko.. Naiiyak na naman ako.. Mukha kasing tutuparin niya ang isa pa niyang pangako.. Ang pakasalan ako..

"Chin, alam kong hindi pa ito ang tamang panaho. Isang buwan pa lang kayong nagkakahiwalay ni Dale. Alam ko ding hindi ka pa handa." sabi niya..  "Pero tatanungin na kita. Will you marry me?" tanong niya..

"Pero, Louie." sabi ko.. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi.. Nasa proseso pa lang ako ng pagmo-move on.. Hindi ko alam kung kaya ko na..

Nakangiti siya sa akin.. Isinara niya ang kahon at muli sanang ibabalik sa bulsa niya.. "Maghihintay ako, Chin. Hanggang sa kaya mo ng magmahal muli." sabi niya..

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kahit nakangiti siya.. Hindi ko kayang makita siyang malungkot.. "Pakakasal ako sa'yo, Louie." sabi ko na ikinagulat niya..

Kinuha ko ang box at inilabas ang singsing.. At ako na mismo ang nagsuot sa daliri.. Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita sa kanya ang singsing na suot ko..

"Hindi pa ako handa sa panibagong relasyon. Masyadong masakit sa akin ang ginawa ni Dale. Minahal ko siya.. Pero sinaktan niya lang ako. Hindi ko inakala na hahantong kami sa ganito." sabi ko.. Nakatingin lamang siya sa akin.. Peti mga kabanda ko ay hindi na tumugtog at pinanood na lang kami.. Ganoon din ang mga tao sa bar..

"Pero kung kaya mong maghintay. Kakayanin ko ding makapag-move on. Kakayanin ko din na kalimutan ang mga sakit na naidulot ni Dale sa akin. Kung handa kang maghintay. Handa din akong tanggapin ka." muling sabi ko.. "Nauna kitang minahal kesa Dale. Nauna ka sa puso ko. Nagkataon lang na ikaw ang nakalimutan ko ng maaksidente ako. At ngayong naririto ka na. Handa akong halukayin ang isip ko para muling maalala ang buong nakaraan natin. Binigyan mo ako ng rason para kalimutan siya. Iyon ay ang pagmamahal mo sa akin." sabi ko.. "May hiling lang ako sa'yo."

"Tulungan mo akong malakimutan ang damdamin ko kay Dale. Tulungan mo akong buuin muli ang pagkatao ko. Tulungan mo akong muling maalala ang lahat-lahat ng tungkol sa'yo at tungkol sa atin." nakangiting sabi ko..

"Yun lang ba?" nakangiting tanong ni niya.. Niyakap niya ako ng mahigpit.. At bumulong sa aking tenga.. "Mahal na mahal kita."

*end*

A/N: wahahahaha.. wala lang.. bigla lang pumasok sa isip ko.. haha.. ang bilis ng part 2 noh? haha.. sinulat ko na kesa makalimutan ko pa.. wahahahaha.. sorry ulit kung mukhang waley ha.. ^.^V salamat po.. (sorry ulit sa typo.) muaaaaaahhh..

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon