"Andrea!" tawag mo sa akin.. Kasalukuyan akong nakaupo sa pinakadulong upuan sa classroom at nagbabasa.. Tiningnan lang kita habang nakangiti kang papalapit sa akin.. "May assignment ka na ba?" tanong mo ng makaupo ka sa katabing upuan..
"Meron na." tipid na sagot ko.. Inilabas ko ang notebook ko at ibinigay sa'yo.. Nagpatuloy ako sa pagbabasa..
Pinaghirapan at pinagpuyatan ko ang pagsasagot sa assignment natin.. Pero pinakopya pa rin kita..
Dahil mahal kita..
"Andrea." tawag mong muli sa akin.. "Dito na lang ako uupo sa tabi mo ha. Kakatamad kasi yung next subject natin. Usap na lang tayo." sabi mo..
Marahan lamang akong tumango.. Absent naman yung katabi ko.. Kaya pinatabi kita sa tabi ko..
Dahil mahal kita..
Recess time.. "Andrea." tawag mo na naman sa akin.. "Sabay na tayo magrecess ha. Libre mo naman ako. Tutal birthday mo naman." nakangiting sabi mo..
Hinawakan ko ang kamay mo at hinila kita papunta sa canteen.. Inilibre kita..
Dahil mahal kita..
May exam sa next subject.. Tumabi ka pa rin sa akin.. "Andrea." pabulonng na tawag mo sa akin.. "Anong sagot sa number 5, 9 at 15?" tanong mo..
Dahil baka mahuli tayo ni Sir.. Palihim kong ipinakita sa'yo ang sagot ko..
Dahil mahal kita..
Vacant.. Kagulo ang mga kaklase natin.. "Andrea." tawag mo naman sa akin.. Inangat ko ang ulo ko mula sa binasa ko at tumingin sa'yo.. "Pahiram ng ipad mo ha." sabi mo..
Kinuha ko ang ipad ko mula sa bag ko.. Ipinahiram ko iyon sa iyo..
Dahil mahal kita..
"Andrea." kulbit mo sa akin.. Nilingon kitang muli.. "Sali tayo sa kanila." turo mo sa mga classmates natin na naglalaro ng pass the message..
Hinila kita patayo at sumali tayo sa kanila.. Pumayag ako..
Dahil mahal kita..
Luch time.. "Andrea." tinawag mo naman ako.. "Pasabay ulit ha." tumango lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.. Sinundan mo lang ako..
Hinayaan kitang sundan ako.. At sumabay sa lunch..
Dahil mahal kita..
May recitation sa next subject.. Natawag ka ni Sir.. "Andrea." kinakabahang pabulong mo sa akin.. Pabulong kong sinabi sa'yo ang sagot..
Idinikta ko sa'yo ang sagot..
Dahil mahal kita..
Uwian.. "Andrea!" tawag mo ulit sa akin.. Patakbo kang lumapit sa akin.. "Hatid na kita sa inyo." nakangiti mong sabi sa akin..
Tumango lamang ako.. Sabay na tayong naglakad papunta sa sakayan.. Pumayag ulit ako..
Dahil mahal kita..
"Salamat." sabi ko sa'yo ng makarating tayo sa bahay namin..
"Andrei!" napalingon ako sa tumawag sa pangalan mo.. Nakangiti itong nakatingin sa atin.. "Hinatid mo pala si Ate." sabi ni Alice, nakababata kong kapatid..
Lumapit si Alice sa atin at nanguyapit sa braso mo.. "Hi, Alice." bati mo at hinalikan siya sa pisngi.. Nakatingin lamang ako sa inyong dalawa..
"Hindi ka ba muna papasok sa loob?" tanong ni Alice sa'yo.. "Nag-bake ako ng cookies eh."
"Sige na, Andrei." singit ko.. "Pasok ka muna sa loob. Magtatampo si Alice sa'yo kapag hindi mo tinikman ang cookies niya. Baka i-break ka pa." pilit ang ngiting biro ko sa'yo..
Tumawa lamang kayo.. Nauna na kayong pumasok sa loob.. Habang ako.. Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha.. Pilit iniinda ang sakit sa tuwing nakikita ko kayo ng kapatid ko na magkasama..
Pilit na kinakalimutan ang sakit na dulot ng pagkabigo ko sa'yo.. Pilit na nagpapakasaya para sa inyong dalawa..
Pero kahit anong gawin ko.. Hindi nawawala ang sakit.. Ang lungkot.. Ang pighati dahil hindi naging tayo.. Dahil naging kayo ng kapatid ko..
Dahil mahal ka ng kapatid ko..
At mahal mo ang kapatid ko..
Nagbigay ako.. Dahil mahal ko ang kapatid ko..
Nagparaya ako.. Isinuko ko ang pagmamahal ko sa'yo..
Dahil mahal kita..
A/N: waaaaaaaaaaaah.. nakapag-UD din.. haha.. sensiya na kung ganito lang yan.. simple thanks sa mag readers/followers ko.. At pag-thank you na rin dahil nurse na ako.. wahehe.. salamat po.. ^.^ (panget ba? sensiya na ha.) salamat pa rin..(sorry sa typo errors..)
BINABASA MO ANG
♥ One Shots ♥
Kısa Hikayedito ninyo po makikita ang mga bago kong one shot stories.. ahaha.. para naman po hindi masyado madami yung sa "my works" ko.. ahahaha.. andami nga.. ang iikli naman.. kaya dito ko na lang po ilalagay yung mga bago ko pa po gagawin.. salamat po ng m...