Chapter 4

1 0 0
                                    

"A-Anu ba pinagsasabi mo? Haha" patawa na sabi ni Anton habang pasimpleng pinunasan ang luha sa mata."Halika na nga! Ipasyal mo ako, yan ang utos ni Kapitan diba" pagbibiro pa niya at naunang tumalikod.
"Saan tayo?" nakangiting tanong ni Anton,pilit na itinatago ang sakit.
"Anton..." mahinang tawag ni Floresa
"Ang makita ka..." pagpuputol ni Anton kay Floresa "...ang pinakamagandang nangyari mula ng araw na "yun" hehe, kahit nalilito ako sa lahat na nangyari, sa iyo, sa atin, hehe, isa lang ang tiyak, mahal kita Floresa. Di ko man maunawaan ang reaksyon mo kahapon o maging ang kinikilos mo tungo sa akin na para bang kinamuuhian mo ako o anu hehe, mahal pa rin kita " pag-aamin ni Anton habang nakatingin sa kawalan at ngumingiti kasabay ang pagtulo ng luha sa pisnge.
"Kaya matapos ang araw na ito, ipangako mo sa akin na sasabihin mo ang rason bakit mo ko dati tinanggihan...' mahinang sambit ni Anton sa huling salita "...at ipinapangako kong iinitindihin kita at aalis ako". Matapus sabihin iyon ni Anton ay ilang sandali ang namagitan sa kanilang dalawa at bumuntong hininga si Anton at hinarap ang dalaga, "Kaya tara, ipasyal mo muna ako nang masulit ko ang aking pagpunta sa inyong lugar!" masiglang sambit ni Anton."Gutom pa naman ako, di ko nakain ang longganisa dahil sinipa mo ko eh kaya bayaran mo yun!" biro pa nito.
Lumuluha man ay ngumiti at unti-unting tumawa si Floresa sa binata. "Ililibre kita" ani nito.
"Ayun oh! Hays ngumiti ka na rin sa wakas, pangit mo umiyak eh" biro niya pa.Hinampas siya ng dalaga sa braso at pinahid ang mga luha.
"Wala ka talagang pinagbago Anton" sabi ni Floresa habang nakangiti at  nauna na itong maglakad.
Tinanaw ng binata si Floresa na nag unang naglakad, nakasaya ito hanggang tuhod at nakalugay ang buhok na tumatalon sa bawat kilos ng dalaga. Mabilisang bumalik kay Anton lahat ng kanilang magagandang alala sa sanadling iyon.
"Anton. Halika na" nakangiting tawag ni Floresa sa kanya.
Natauhan si Anton at nakangiting hinabol ang dalaga. Idinala siya ni Floresa sa isang karenderya na walang halos tao, "Maupo ka lang diyan, ako ang o-order" ani ni Floresa.
Naghintay si Anton at maya-maya ay dumating si Floresa na may dala dalang dalawang kanin, pinakbet, at dinaing na bangus. Biglang nagutom si Anton sa nakahain at agad na inumpisahan ang pagkain habang masaya siyang pinagmamasadan ni Floresa.
Masaya silang nagkwentohan dalawa, pinag-usapan nila ang tungkol sa trabaho ni Anton at sa kinawiwilihan ni Floresa na gawain na ang pagbabasa. Maya-maya ay nakita ng dalaga ang suot na kwentas ng binata.
"Anu 'yan" tanong ni Floresa
"Eto ba?" pagtatanggal ni Anton sa kwentas. "Bigay ito ng kaibigan na nakilala ko sa bus papunta dito. Sabi niya daw ay souvenir. Nga pala, kilala niya kayong magpamilya, siya nga mismo nagbigay direksyon sa akin hehe" nakangiting kwento niya ngunit napansin niyang tamhimik lamang ang dalaga habang tinititigan ito. "-gusto mo bang hawakan?"
"Ha? Hindi! Wag' na. Sino nga palang kaibigan?" pagtatanog ni Floresa.
"Si Jerome Panganiban. Kilala mo ba?" sagot ni Anton.
Natigilan si Floresa at bahagyang naputla ang kanyang mga labi.
"Ok ka lang ba? Namumutla ka ata" paghahawak pa ni Anton sa leeg ng dalaga.
Kumilos ang dalaga at hinawakan ang pisnge "Wala hehe. Di ko siya kilala." at umiwas ng tingin. "Suotin mo 'yan palagi ha?, bagay sayo eh" pagpupuri ng dalaga.
"Talaga ba? Sige, sabi mo eh" nakangiting sambit ni Anton at isinuot ang kwentas.
"Babayad po kame" tawag ni Floresa sa tindera.
"Dyan na lang ilagay sa mesa!" pagsigaw ng babae galing sa silid.
Inilagay nalang din ni Floresa ang bayad sa mesa at umalis.
"Malaki pala ang tiwala ng tao dito sa bawat isa, kung sa Kalibo, di pwedeng basta basta na iwanan ang bayad sa lamesa, mahirap na hehe" pagpupuna ni Anton.
Ngumiti lamang si Floresa. Nakasalubong sila ng tatlong bata at tumigil nag mga ito, ngumiti si Anton sa kanila ngunit mabilisang tumakbo ang mga bata papunta sa karenderya kanina.Nagtatakang lumingon si Anton sa mga bata at nakita ang isang babae sa karenderya na pinag aayus ang mga plato kanilang pinagkainan kanina ngunit sa isang basurahan niya ito inilalagay. Tumingin ang babae sa kanya at nanlaki nag mata sa bigla, dali-dali itong tumakbo sa silid. Na-weirdohan man si Anton ay inalis niya ito sa isipan at itinuon ang atensyun sa dalaga.

FLORESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon