Prologue

8 0 0
                                    

Ang relasyon ni Anton at Floresa ay halos maging perpekto na - ang karaniwang relasyon ng isang binata't dalaga na ipinapangarap ng lahat. Naging masaya sila at payapa ng ilang taon. Ngunit nagbago ang lahat ng napagdesisyunan ni Anton na hingin niya ang kamay ni Floresa.
Ang pagtanggi ng dalaga ay nagdulot ng kabiguan, sakit, at higit sa lahat ay pagkalito sa puso't isipan ng binata. Dala ang halo-halong emosyon ay buong tapang na iniwan ni Anton ang lahat upang hanapin ang dalaga at mahanap ang sagot sa mga katanungan. Sigurado at buo na ang kanyang loob na panindigan ang desisyun.
Sa kabila ng kasiguradohan ni Anton ay ang pag-aalinlangan at walang kaalaman sa naghihintay sa lugar na paroroonan. Tagumpay? Kasiyahan? Kabigoan? O kamatayan?
Para sa pag-ibig, lahat ay haharapin kahit anuman na panganib at kababalaghan ang nag-aabang sa isang lugar na binabalot ng misteryo.
Para sa kasintahan. Para kay Floresa...

FLORESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon