Chapter 9

1 0 0
                                    

Alas onse ng gabi.
Ang bayan ng Buruanga ay matahimik at madilim. Ang bawat tao ay nasa loob ng kanilang bahay. Bawat pintuan at bintana ay mahigpit na nakasarado.
Ang mga bata ay nakatago, ang mga ina ay mataimtim na nananalangin, at ang bawat lalaki ay nagbabantay para sa kani-kanilang pamilya. Walang ilaw makikitang bukas o anumang tunog ang maririnig sa buong lugar.
Bawat katok sa pintuan ay ikinatitindig ng mga balahibo ng pamilya sa pamamahay at bawat kaluskos ay ang ikinahahandaan ng mga kalalakihan.
Eto na ang gabi ng bawat taon na pinakatatakutan ng lahat; ang desperas ng fiesta ng Barangay Katipunan.
"Takbo munting bata! Hihihihihhihi"
"Inayyyy! Inay! Inay!" isang kaawa awang iyak ang maririnig sa buong bayan.
Panay ang habol ng isang tiktik sa batang nasa sampu pa lamang ang edad. Bitbit ng bata ang dalang tsinelas at nasusugatan mn ang mga paa nito ay patuloy pa rin ang takbo pabalik sa kanilang bahay.
Nasa kalsada ng barangay Katipunan ang bata at naririnig niya ang mga kaluskos at takbo sa kanyang likod. Umiiyak ang bata at panay ang sigaw sa kanyang ina nang biglang my basang bagay ang humila sa kanyang paa.
"Ang batang pasaway, ako ay nalalaway hikhikhik"
Nadapa ang bata at ng humarap siya sa humila ay isang nakakatakot na nilalang ang tumambad sa kanyang paningin. Napakahaba ng kanyang buhok at napakahaba ng kanyang kuko. Maitim ang kanyang bibig at mapula ang mata at mas lalong lumalapit itosakanya ng dahan dahan.
Naramdaman ng bata ang sakit sa tagiliran ng makitang tinusok ng tiktik ang kuko nito dito, kasabay nito ay ang paglabas ng kanyang dilang napakahaba at inumpisahang dilaan ang nagdudugong tagiliran ng bata.
"Akin yan!" pag-aagaw ng isang nilalang at sinundan ng isa hanggang sa kinumpolan ng mga aswang ang bata. Pinag-agawan ang katawan at nang mahiwalay ito ay kanya-kanyang kinain ng mga aswang ang laman loob.
Kumakalat ang dugo at pinag tiyagaan pa itong dilaan na parang uhaw-uhaw.
"Gusto ko pa! hikhikhikhikhik" pagtatakbo ng isang tiktik sa isang kubong bahay at pinalibotan ito ng magdamag.
Lumaganap ang kadiliman sa gabi at ang bawat halimaw ay uhaw na uhaw sa dugo at laman ng tao.
"Kapitan. Handa na ang lahat" pagbibigay-alam ng isang katiwala sa kay Kapitan Morales na ngayon ay nakatayo sa isang gawang entablado sa labas ng kanyang bahay.
Unti-unting humarap si Kapitan Morales at humalaklak ng malakas. Malakas at malaki ang boses ng kapitan na nakikilabot kung pakinggan. Malayo ang itsura ng Kapitan sa karaniwan nitong anyo, wala itong damit at magulo ang kanyang buhok. Mas malaki ang katawan nito at may makikitang marka sa kanyang likuran. Matapang ang tingin ng kanyang mapupulang mata at animo'y nag aapoy ito sa dilim. Mahahabang pangil ang makikita tuwing ibubuka niya ang kanyang bibig at humahaba ang dila katulad ng ibang aswang.
Umiinom ito ng dugo mula sa pugot na ulo ng isang tao. Matapus nitong maubos ay itinapun niya ang ulo at pinagkagulohan naman iyon ng mga tiktik.
"Dalhin ang katawan dito" pagbibigay-utos ng Kapitan na agad naman sinunod ng aswang
Unti-unting nagtipon ang mga mamamayan ng barangay Katipunan sa labas ng pamamahay ng Kapitan. Lahat ay nasa anyong aswang at tiktik. Lahat ay di mapakali at sabik sa ipinaghanda ng kanilang pinuno. May mga nagagalit at natatakam na sa amoy ng tao, gustong makatikim sa dugo ng taong ilang araw na nagpapabaliw sa kanila.
Mayat- maya ay lumabas ang isang higaan na hinihila ng dalawang aswang. Nakahiga dito ang isang katawan nga natatakpan ng puting kumot. Pinuwesto ito sa gitna ng entablado kasabay sa pagsindi ng apoy sa gilid bilang ilaw.
Gumawa ng iba't-ibang tunog ang mga nilalang, may mga nagliparan, tumalon at umakyat ng puno sa kasabikan.
"Ngayong gabi ay ating gabi!" sigaw ni Kapitan Flores
"Limampung taon na tayong naghahari sa baying ito! Walang makapagtitigil sa atin! Lahat ng haharang ay papaslangin!" dagdag pa ng Kapitan
"Mas espesyal ang gabing ito dahil mayroon tayong bagong bihag sa aking harapan! Lahat tayo ay makakatikim ng kanyang dugo't laman! HAHAHAHA"
Lumakas lalo ang tunog ng mga nilalang.
Unti-unting tinaas ni Kapitan Morales ang isang kutsilyo kasabay ng paglakas ng tunog ng mga aswang.
Nakatutok ang patalim sa itaas ng nakabalot na katawan at mabilis na ipinababa dahilan ng pagtusok nito sa tiyan ng bangkay na ikinatuwa naman ng mga nanonood.
Dahan-dahang binuksan ni Kapitan Morales ang nakabalot na kumot sa katawan simula sa ulo.
Biglang nabitawan ng Kapitan ang kutsilyo ng makita ang di inaasahan.
"A-Ama"
Umagos ang dugo sa bibig nito at tuluyang pumikit.
"FLORESAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA !!!!!!!!!!!!!!!!!HINDIIIIIIIIIIIIIII !!!!!!!!!!!!!!"
Niyakap ng kapitan ang anak at sumigaw ng napakatakot na narinig ng buong bayan.
Daliang binunot ni Kapitan Morales ang mahabang itak.
"HANAPIN ANG LALAKI! DALHIN SA AKIN NA BUHAY!" utos ng Kapitan. Tumindi ang kulay pula nitong mata at mabilis ang kanyang paghinga. Nananaig ang galit at paghihiganti sa damdamin ng pinuno ng mga aswang.
Mabilis na nagsi-alisan ang mga halimaw upang hanapin si Anton.

FLORESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon