Chapter 8

1 0 0
                                    

Kinaumagahan, bumaba si Anton at nakitang naka-upo sa balkunahe ang kapitan habang may isinusulat naman si Florencio.
"Goodmorning po" nakangiting bati ni Anton sa kanila.
"Goodmorning iho, maganda yata ang iyong tulog" pagpupuna ng kapitan
"A-Ah medyo po hehe. May ipaaalam po sana ako sa inyo" nag-aalinlangan pang sabi ni Anton
"Anu 'yun?" pagbibigay antensyun ng kapitan
"Nais ko po sanang hingin ang kamay ni Floresa mamayang hapon" nakayukong sabi ni Anton
"Tama ba ang narinig ko?! Magpro-propose ka kay ate?" masiglang tanong ni Yna na kakababa palang galing sa kwarto.
"O-Oo hehe" mahiyang tugon ni Anton
"Wow! Ang saya naman!" pagpapalakpak pa ni Yna habang tumatalon
"Nasa iyo ang suporta ko iho" nakangiting sagot ng kapitan
Napangiti si Anton sa natanggap na sagot mula sa kapitan.
"Salamat po! Kung ganon ay maari nyo po ba siyang papuntahin sa baybyain mamayang alas tres at ibibigay ko sa kanya ito" paalam ni Anton sabay pakita sa singsing na ikinuha sa bulsa
Lumapit si Yna at napangiti ang kapitan sa nakita. Isa itong silver na singsing na sa gitna ay may pulang dayamante.
"Wow! Ang ganda! Wag'kang mag-alala kuya,ako na bahala sa kay ate!" pagsisigurado pa nito
Napangiti si Anton at napatingin kay Florencio na ngayon ay nakatitig lamang sa kanya.
Bumalik si Anton sa kanyang kwarto at naligo, inayos niya nag buhok at napa buntong hininga sa kanyang repleksyon sa salamin.
Nakita niyang bumukas ang pintuan at nakita niyang si Florencio ito.
"Ayaw ko man pero mas mahal ko ang kapatid ko" sabi nito at umalis na.
Napasilip si Anton sa bintana at nakitang maraming tao ang nasa labas ng bahay. Nakita niya ang isang matanda na nakatalikod at ng humarap ito ay naalala ni Anton na ito ang matanda sa palengke. Naka-akbay dito ang kapitan at masaya silang nagtatawanan.
Nilipat ni Anton ang paningin sa isang dako at nakita niya ang isang lalaking kumikiskis ng patalim at hinahawakan pa ang dulo nito samantalang sa gitna ay may mahabang lamesa at may iilang tao ang naglalagay ng dahon ng saging dito.
Umalis na si Anton sa bahay at nag umpisang maglakad patungo sa baybayin.
Bawat tao ay nakangiting nagbabati sa kanya at sinusuklian niya naman ito ng ngiti.
Ilang minuto ang nakalipas ay abot tanaw na niya ang dagat.Napatingin siya sa relo at nakitang alas dos na ng hapon, napasinghap si Anton ng hanging dagat at napangiti.
Umupo si Anton sa buhangin at napapikit.
"Floresa... alam ko na ang lahat" nakadiretso ng tingin si Anton sa mata ng dalaga habang hawak niya ang braso nito
"A-Ang a-anu?" naginginig ang boses ni Floresa
"Alam ko na..." pag-uulit niya pa
"A-anton, ang anu?" nalilito ng tanong ni Floresa
"Galing ako sa red room" pagtatapat ni Anton na ikinabigla ni Floresa
"A-Anton"
"Eto ba ang dahilan kung bakit ayaw mong narito ako nung dumating ako? Eto ba yung dahilan kung bakit nahilo ka sa palengke? Kung bakit tuwing binibisita kita sa gabi noon ay hindi ka pwede? Kung bakit hindi ka nagkwekwento tungkol sa pamilya mo, kung bakit ganun si Manang Myrna? Totoo ba?" bakas sa mukha ni Anton ang pagiging balisa nang hinarap niya si Floresa
"Eto ba yung dahilan kung bakit, kung bakit tinanggihan mo ako noon? unti-unting bumagsak ang mga luha ni Anton
"Sabihin mo na nagkakamali ako at paniniwalaan kita" ani pa nito habang hinahawakan ang kabilaang pisnge ng dalaga. Hinahanap ni Anton ang mga sagot sa mga mata ng dalaga ngunit tanging mga luha lamang ang lumabas.
"Aswang ka Floresa. Aswang kayo" pagsisigurado ni Anton at unti-unting binitawan ang magkabilang pisnge ni Floresa
Napaluhod si Floresa sa harapan ni Anton "Patawarin mo ko' Anton, patawarin mo ko at hindi ko sinabi sa'yo agad" pag-iiyak ng dalaga
"Gusto kang patayin  ni ama, gusto ka nyang ialay sa buong barangay sa gabi ng desperas" pag-aamin ni Floresa habang patuloy ang agos ng mga luha ng dalaga
Napatingin si Anton kay Floresa, "B-Buong barangay-y? L-Lahat kayo a-ay..."at napatingin siya sa dalaga sa napagtantong katotohan
"F-Floresa, sumama ka sa'kin, aalis tayo ngayon din" pagtataranta ni Anton
"Lalayo tayo dito Floresa" pagkukumbinsi pa nito at dali-daling tumayo
"A-Anton, hindi natin matatakasan si ama." pag-iiyak ni Floresa
"Magtiwala ka sa ak-" di natapus ni Anton ang sasabihin ng biglang niyakpa siya ng dalaga
"Di na ako makaka-alis dito Anton" mahinang hikbi ng dalaga "-pero itatakas kita kay ama" paninigurado niya sa huling sabi
"Hindi! Isasama kita Floresa!" pagmamatigas ni Anton
"Makinig ka Anton, m-makinig ka sa akin. Aswang ako Anton! Aswang ako at kailanman ay di mo 'yun mababago. Di tayo para sa isa't-isa" paghihikbi ng dalaga
Napasinghap si Anton at binuksan ang mga mata at nakita si Floresa na papalapit. Naka puting bestida ito at malawak ang ngiti sa mga labi.Tumayo si Anton at sinalubong ang dalaga ng mahigpit ng yakap.

FLORESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon