Chapter 6

1 0 0
                                    

Biglang bumukas ang pintuan na ikinabigla ni Yna, karga ni Anton si Floresa sa braso. Dali-dali niya itong inihiga sa mahabang upoan. Agad-agad namang lumapit si Yna at tinanong ang nangyari habang pinapaypayan ang nakakatandang kapatid.
"Di ko alam, nasa palengke kame at bigla nalang siya nahilo" pagkwekwento ni Anton
Inilapit ni Yna ang ilong sa mukha ng kapatid at napatakip ito bigla ng ilong at bibig.
"Kialangan siyang gamutin" paghihiwatig ni Yna
"Anu ang nangyayari dito?!" biglang dating ni Florencio
Agarang tuamkbo si Yna kay Florencio at may ibinulong na mas ikinagalit ng pagmumukha ng kuya.
"TAKLESA!" pagalit na sabi ni Florencio at pinuntahan si Floresa at binuhat pataas. Bago pa man mawala sa paningin ang magkapatid ay binigyan pa muna ni Florencio si Anton ng huling tingin.
"Yna, anu ba ang nangyari?" nalilitong tanong ni Anton
"Nahilo lang si ate. Gusto mo bang ako nalang ang sumama sayo sa pagpasyal kuya?" nag aalinlangang tanong ni Yna
"W-Wag na. Magiging ayus lang ba siya?" nag aalalang tugon ni Anton
"Doktor si kuya Florencio. Magagamot niya si ate." paninigurado ni Yna
Ilang oras ang tinagal ni Anton sa kanyang kwarto at di mapakali sa nangyari, maraming bagay ang tumatakbo sa kaniyang isipan at iba't-ibag emosyon ang nararamdaman ngunit nangingibabaw ang kanyang pag alala sa dalaga. Nakailang sulyap siya sa relo at nakitang alas kwatro na pala sa hapon.
May kumatok sa kanyang pintuan at mabilis niya itong binuksan at bumungad si Kapitan Morales. Nabigla si Anton at napayuko ito.
"Kapitan" pagbabati ni Anton
Pumasok si Kapitan Morales sa kanyang silid at tumayo sa harapan ng bintana habang malayo ang tanaw.
"Kailangan ka ng anak ko" paghihiwatig ng kapitan sabay ng pagharap sa binata.
Di inaasahan ng binata ang narinig at wala siyang mahanap na sagot.
"Batid ko ang inyong istorya, minsan ka na nakwento ng aking anak. Dalawang taon na ang nakalipas nang pumanaw ang kanyang inaat simula nun' ay naging matamlay na si Floresa, kaya nang makilala kita ay umasa akong maibalik mo ang saya sa aking anak." pagkwekwento ng kapitan.
Natigilan si Anton sa narinig, batay sa kwento ni Floresa ay pitong taon ng patay ang kanyang ina at sa haba ng kanilang pagsasama ay hindi ugali ni Floresa ang magkwento tungkol sa kanila sapagkat patago lamang ang kanilang relasyun dahil na rin na ayaw ng kanyang ama na magka nubyo ang anak, yun' ang rasun ni Floresa kaya ay bihira lamang sila lumabas o mag-date noon.
"Nakiki-usap ako sa iyo, wag mo sukuan ang aking anak" hinawakan ng kapitan ang balikat at lumabas ng kwarto.
Ilang oras ang lumipas at mag-aalas nuebena ng gabi. May kumatok sa kwarto at si Yna ito, ipinahiwatig na maghahapunan na. Sumunod si Anton sa hapag kainan at nakitang nandoon na ang lahat pati si Floresa.
Tumalikod si Floresa upang harapin siya at ngumiti ito na nagsasabing 'ayus lang ako'. Umupo si Anton sa tabi ni Floresa.
"Sa bukas ng gabi na ang desperas ng fiesta dito iho, wag mo yun palampasin ha?" nakangiting tugon ng kapitan.
"Aalis na po ako bukas hehe, masyado na akong nakaka abala" pagtatapat ni Anton
"Hindi ah!" padedepensa ni Yna
"Oo nga,minsan lang naman ito iho. Magiging masaya si Floresa kung magtatagal ka dito" pagpupumilit pa ng kapitan
Tumingin si Anton kay Floresa at ilang sandali ay ngumiti ito.
"Oo nga, dito ka muna" sabi nito sabay ngiti.
Sunod na tinitigan ni Anton si Florencio at tahimik lamang ito.
"Pero diba-" bago matapus ng salita si Anton ay hinawakan ni Floresa ang kanyang kamay.
Kung kahapun ay nasisiyahan si Anton na tatagal siya sa lugar, ngayon ay kinakabahan siya sa mga ikinikilos nilang lahat. Pinagmasdan niya sila bawat isa at ilang sandali ay inalis ang mga iniisip, 'di ko dapat iniisipan ng masama ang kabaitan nila' sabi pa niya sa sarili.
Nag umpisa silang kumain, pochero ang nakahain sa mesa at naunang kumain si Florencio at Yna kasunod si Kapitan. Isang karne at sabaw ang sinandok ni Anton at inilagay sa sariling plato.Nang hihiwain ni Anton ang karne ay may nakita siyang mahahaba at maitim na nakasabit, pinagmasdan niyang maigi at nakitang mga buhok ito ng babae. Biglang nasusuka si Anton ngunit pinigilan niya at dali-daling uminom ng tubig.
"Morales! Lumabas ka dyan!Lumabas ka!" isang nakakatakot na sigaw ang nagmula sa labas ng bahay.
Agad na tumayo si Kapitan Morales at sinundan ito ni Florencio.Lumabas silang lahat para makita ang lalaki.
"Mga halimaw! Ilabas niyo ang aking anak!" pagsusugod ng lalaking may dalang itak ngunit agad  humarang si Florencio at itinulak ang lalaki na ikinadapa nito.
"Wala dito ang iyong anak kaya ay umuwi ka na" pagbabanta ng Kapitan
"Sinungaling!" pagpupumilit nitong tumayo.
"Yna at Floresa, pumasok kayo sa bahay. Ipasok niyo na rin si Anton" pag-uutos ng Kapitan na agad namang sinunod nila.
"Pasensya ka na kanina kuya, mahirap maging kapitan, kadalasan ikaw ang takbuhan ng mga nangangailangan o takbuhan ng pagsisisihan" sabay ngiti ni Yna.
"A-ayus lang. Mas lala pa nga sa Kalibo eh" pagsasagot ni Anton
"Kung ganun, mabuti sigurong matulog nalang tayo" pagmumungkahi ni Yna
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Floresa na ikina-bigla ni Anton
"W-Wag na! Baka k-kung anu pa isipin ng k-kapitan" natatarantang sagot ni Anton
"Sus! Sige kuya, goodnight!" at tuluyan ng umalis si Yna at pumasok sa sariling silid
"Goodnight Anton" pagbati ni Floresa
"G-goodnight Floresa" tugon ni Anton.
Ngumiti ang dalaga at tumalikod na rin siya.
Pumasok si Anton sa kwarto ngunit narinig ni Anton ang isang pagtanges ng lalaki. Dali-daling sumilip si Anton sa bintana at nakita niya ang Kapitan na nakatalikod at hinahawakn ang panga ng lalaki kanina na ngayon ay nakaluhod na.
"Kaninong kasalanan ang pagpapabaya sa anak?" panunuyang tanong kapitan. "Ang tapang mong sumugod dito". Di man makita ni Anton ang mukha ng kapitan ay batid niyang nakangiti ito sa tono ng pananalita.
Biglang lumipat ang tingin ng lalaki sa kay Anton at dahan-dahang tumalikod ang kapitan ngunit bago pa siya mahuli ay  dali-daling tumago si Anton sa pader. Nanlamig ang kamay ni Anton habang naramdaman niya nag unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya.
'Posible kaya? Tama ba ang naiisip ko?'

FLORESATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon