chapter 9

781 45 2
                                    

Shiro's Point of View.

Nang makalabas na ako sa kitchen ay naglakad na ako papalapit kay Aoi. Siya naman agad ang napansin ko, may kasama siyang bata at... isang lalaki.

Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Hindi naba siya nahiya sa kabila ng lahat? Ang kapal talaga ng mukha! Daig pa ang nagkakapalang libro! Tss...

Nakadama ako ng saya kasabay ng inis. Saya dahil nakita kong muli si Aoi at Inis dahil nakita kong kausap niya ang lalaking naki upo sa pwesto nila at ang nakakainis pa lalo ay kung sino man ang lalaking kinakausap niya kaaway ko pa!

Masayang nag uusap si Aoi at nung bata habang nakatitig sa kanya ang lalaki.

Ang lalaking pinaka ayaw ko sa lahat, ang nag iisang kaaway ko, ang taong kinaiinisan ko at higit sa lahat ay ang taong KARIBAL ko. LAGI.

Siya si Keiro. Keiro Macci. Tss..

10 years old kami ng makilala ko si Keiro. Ang daddy niya ay kakilala ng daddy ko. Ang Daddy namin ay parehong ay company, nagkataong ang daddy niya ang ka sosyo ng daddy ko kaya kami nag kakilala. Pareho din kaming nakapasok sa isang pinakasikat na paaralan, naging kaklase ko siya since grade 5 hanggang last year. At hanggang last year nalang ang samahan namin. Hindi na kami muling nag usap o nagsama. Last year kase, may nililigawan ako, nag kataon ding crush ni keiro ang nililigawan ko kaya naman hindi kami nagkakasundo.. dahil sa iisang babae nasira ang samahan namin. Anyways...

Ng makalapit ako sa kanila inistorbo ko sila.. halos sabay pa silang napatingin. Si Aoi nakangiting nakatingin sakin ngunit hindi ako tumingin sa kanya kundi kay Keiro.

Sinamaan ko siya ng tingin at ganon din siya.

Ano?! Balak mo nanaman bang gawin ang ginawa mo last year?! Gago ka pala e!

"H-hi Shiro." Bati ni Aoi kaya naman bumitaw na ako sa samaan ng tingin namin ni keiro.

"Hi Aoi-ganda!" Bati ko din sa kanya ng may ngiti. Kita ko sa gilid ng mata ko na kakaiba ang tingin ni Keiro. Meproblema ba? Tsch.


Tumabi ako sa tabi ni Aoi kaya ngayon katapat namin si Keiro.

Muli ay nagkatinginan kami ni Keiro. Kaya naman tinignan ko siya ng nagmamayabang na tingin.

"Ahem.. so.. Aoi, napapunta ka dito?" Tanong ni Keiro kay Aoi. Aba, hindi ba obvious?! Malamang ay para makita ako tsch! Stupido!.

"Ah.. kase nagugutom na 'tong kasama ko kaya dito kami kakain." Sambit nito kay Keiro.

Ahh.. para kumain pala, kala ko para makita ako hehe.

Hindi na sumagot si Keiro ngunit pinalitan niya ito ng matamis na ngiti kaya naman napatingin ako kay Aoi na siyang nakangiti rin kay Keiro.

Tsch!. Aoi-ganda wag kangang ngumiti sa kanya ng ganyan! Kakadiri.

Kung pwede ko lang sanang sabihin ang sinasabi ng isip ko ginawa kona. Ako dapat ang nginingitian, hindi siya.

"At ikaw? Anong meron at nandito ka?" Tanong ko kay Keiro ng nangiinis na pananalita.

"Nakita ko kasi si Aoi na andito. Kaya sinundan ko siya. Hindi naman siguro masama hindi ba?" Pang iinis din niya sakin ng direktang nakatingin sa mga mata ko.

"Tsch."

"Mag kakilala pala kayo?" Tanong ni Aoi habang palipat lipat ng tingin samin ni Keiro.

"Oo" sagot niya.

"Hindi." Sagot ko.

Halos matunaw na kami ni Keiro sa grabeng titigan namin.

Please Don't Go Where stories live. Discover now