chapter 2

1.4K 29 1
                                    

Aoi's Point of View

Maaga akong pinaalis ni mama sa bahay kanina, kaya agad naman akong umalis. She hate me so much.

Narating ko na ang school at last. Sa layo ng nilakad ko andito na ako. Kahit nanghihina pinilit ko nalang maglakad otherwise wala din naman akong pera para mag jeep o kahit ano pa jan.

I want to eat breakfast kaso hindi na ako naka kain sa bahay kanina, pinapaalis na ako e. Mas okay nayon kesa sa mapagsalitahan nanaman ng mga sobrang nakakasakit na salita at mas masakit dahil sa ina ko galing ang mga salitang yon.

Isa din ang paaralang to. Most of the students hate me too. Too much right? I know hindi lahat ay ayaw sakin pero kung hindi bat nila ako nilalayuan? May kumakaibigan nga sakin pero isa hanggang dalawa lang. Victim din sila ng bullying. Mahina kami at walang makapitan.

Pagpasok ko sa classroom namin, agad akong nakaramdam ng pagsisisi. Sana nag-stay nalang muna ako sa library.

Pagkaloob ko agad akong tumalikod at lalabas na sana ako.

"Teka, oy weirdo san ka naman pupunta?" Sarkastikong tanong niya sakin.

Siya si ASVEI MACY, my classmate... or should i say ang  kaaway ko. Actually hindi ko siya tinuring na kaaway. Binubully niya ako. For her, im a toy. A useless toy na para sakanya ay pwedeng sirain ng kahit anong oras. She bully me all the time she lay an eye on me. Or kung trip niyang mam-bully asahan niyo ako lang ang lalapitan niya para don.

Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang ako sa paglakad pero napigilan ako nang may humawak sa kamay ko.

"Kinakausap ka pa ni Asvei. Respeto lang weirdo." Sambit ni Veronica.

Siya naman si VERONICA RAMOS. Ang second demotion sa kanilang mag kakaibigan. Kung ano ang trip ng isa, trip nadin niya. Sunod-sunuran lang siya minsan. Kung hindi naman ay sinusungitan din siya.

"Bitawan mo'ko." Napakasimpleng sagot ko pero para sa kanila parang hinahamon kona sila pero it's obvious na hindi yon ang intention ko. Sadyang kontrabida lang sila kaya ganun.

Bigla namang lumapit ang isa pa, ang pinakamataray sa kanilang tatlo.

Siya si ERVI SANTOS... ang babaeng ayaw kong patulan, hindi dahil takot ako kundi sadyang ayaw ko lang ng gulo. Pero wala akong magagawa kung gulo talaga ang gusto nila, kahit anong gawin nila di ko sila papatulan. Etong si Ervi, kung gusto niyang manakit, mananakit nalang talaga siya bigla kahit walang ginagawa ang tao lalo na't inosente talagang sasaktan niya. Kagaya ko, hindi ko masasabing inosente ako pero ako lagi ang pinag tritripan nila. Ako lagi ang binubully nila. Ako lagi ang target nilang tatlo. Laging ako dahil nga ako ang LARUAN nila. If they want to play, they'll just play. Ganon sila kasama.

"Oohh~ tumatapang kana ngayon a. Kelan ka naman natuto? At kanino? Sa mga weird 'friends' mo din?!" Pang aasar ni asvei. Tumaas tuloy yung kilay ko.

Nang makalapit na nga si Ervi saakin alam ko na kung anong ibabanat neto.

"Kinakausap ka namin... napakaboring mo talaga. May bunganga ka diba? Mag-salita ka naman!" Giit niya. As expected ito ang sasabihin niya.

Umiwas nalang ako ng tingin at tumalikod na ako para umalis pero ayaw talaga nila akong paalisin.

Nakalabas na sana ako dun nang hinila ako Ervi papasok sa loob sabay hinigitan ang kwelyo ko.

Sumosobra na talaga sila.

"Bitawan mo'ko." Nanggigil kong sambit. Hindi ko masasabing mabait ako at isa pa, Hindi ako tahimik. Madalas di ako lumalaban pero pag alam kong sumosobra na sila ipaglalaban ko sarili ko.

Please Don't Go Where stories live. Discover now