chapter 10

685 13 0
                                    

Aoi's Point of View.

Matapos nilang mag-sara ng restaurant nila ay agad naman akong nilapitan ni shiro.

"San na?" Tanong niya.

"Ahh.. nasa loob na ng kotse si anahita. Mahambing parin ang tulog." Sambit ko. Naglakad naman siya papalapit sa kotse niya atsaka sumakay.

Sumakay nadin ako. Aaminin ko. Hindi ko maalis sa sarili ko ang kabahan at mag-alala. Kinakabahan ako bukas pag-uwi namin ni anahita sa bahay at nag-aalala naman din ako dahil hindi naman talaga ako tanga para pumayag na matulog kina shiro dahil diko pa siya lubusang kilala. Pero dahil na-awa ako kay anahita ay pumayag ako.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay nila, ay napansing kong andaming sasakyan ang sumusunod samin. Black lahat ng kulay at samin lang ang puti. Anong meron? Bakas sa mukha ko ang pagtataka kaya naman napansin yun ni shiro.

"Ano?" Si shiro.

"A-anong ano?" Tanong ko din. Saglit pa siyang tumingin sa daan saka ulit binaling ang paningin saakin.

"Tsch. Yang itsura mo. Nagtataka kaba?" Sabi niya at tumango naman ako. Sumilip ako sa bintana at kitang kita ko ang nag sisi-ilawang bahay. At nang dahil sa ilaw, nasilaw kong ang lalaki ng mga bahay na nadadaanan namin.

"Ang yayaman." Nasabi ko nalang.

"Syempre. Pero mas mayaman kami." Pagmamayabang niya na nakangisi pa.

"Ahh.." nasabi ko nalang ulit na tumango pa.

Mamaya pa ay narating na namin ang bahay nila.

Bumaba na si shiro at saka hinintay ako makalabas. Pero ginising ko muna si anahita.

"Baby.." pag-gising ko sa kanya.

"Mmm.."

"Andito na tayo." Sabi ko at saka lumabas.

"Tara sa kwarto." Aya ni shiro sabay hinawakan ako sa braso.

Dahil sa gulat ay agad ko namang hinila pabalik ang kamay ko dahilan para mapatingin siya sakin.

"Tsch! Arte mo Aoi-ganda! Maganda ka okeyyyy? Pero dika artista para madiri ng ganyan!" Mahinang sigaw si shiro sakin.

"H-hindi naman sa ganon. Nagulat lang ako dahil biglaan." Paliwanag ko.

Napatingin naman ako sa kabilang tabi ko nang hilain ni anahita ang kamay ko. Kaya napatingin naman ako.

"Bakit baby?" Pinantayan ko siya. Pero sa halip na sagutin niya ako ay kay shiro siya tumingin.

"Kuya... bakit sa kwarto?" Tanong niya at natawa naman si shiro habang ako naman ay napapahiyang nanlaki ang mata 

"Kase dun kami matutulog ni Aoi-ganda." Sabi niya at nagkatinginan naman kami. Pero biglang umiba ang mood ko. Nag aalala nanaman ako. Kinakabahan nadin.

"N-ninyo pala." Sagot niya ulit. At napayuko

"Ihhh sabing wag moko tawaging 'Aoi-ganda' dahil hindi naman talaga ako maganda. Pero salamat dahil tinawag mokong Aoi-ganda." Sambit ko.

"Edi tawagin kitang 'misis ko'. Ano? Okey kana don? O baka naman gusto mong tawagin din kitang 'baby'?" May nanunuksong tinging sabi niya.

"Tss. Ang kornik mo kapatid ko." Isang pamilyar na boses ang bumungad sa likoran namin kaya naman sabay kaming napatingin sa kanya.

'Siya yung kanina ah.'

Please Don't Go Where stories live. Discover now