chapter 12

579 12 0
                                    

Aoi's Point of View.

Mag one-week na magmula nung natulog kami sa bahay nila Shiro. Naging tahimik at nagkakahiyaan kami nung gabing yon. Pilit kong sinasanay ang sarili ko sa bahay nila pero sadyang naiilang ako. Mabilis namang tumakbo ang oras at nag umaga na, halos di ako nakatulog sa kaiisip.

Nakauwi kami ni Anahita. Pag-uwi namin ay iniwan ni mama'ng bukas ang pinto ng bahay. Wala si mama pero may iniwan siyang papel na naipit sa magnet na nakadikit sa pinto ng ref namin. Sinasabing wala si mama ng ilang araw dahil sumama siya sa trip to baguio ng kaibigan niya na lagi niyang nililibre. Pero okay lang dahil kahit ganon ay may kaunting galit parin akong natitira dahil sa ginawa niya kay Anahita.

Nadatnan namin ang bahay na madumi, makalat. Nagkalat ang mga design para sa parties, lalo na ang red cup na ginamit para sa pag inuman ng alak o kahit ano man. At sa swineswerte nga naman, nakabukas ang kwarto ni mama at napakalkal ako bawat gamit niya.

Andaming bagong developed na picture nila ni daddy from the past.

'Mahal niya pa din si daddy'

Hanggang sa may nahulog na pitaka. Nakita ko don ang mga naglalakihan at marami raming pera ni mama. Nakakapagtaka lang kung bakit san galing ang mga pera, dahil ayon sa naaalala ko ay walang trabaho si mama.

Hindi kona pinansin pa iyon at nanguha nalang ako ng kaunting pera para sa baon ko at iba pang gastusin namin ni Anahita.

Monday. Oo, monday ngayon kaya napa aga din ang uwi namin ni Anahita galing kina shiro. Hindi kami hinatid ni shiro, at ewan ko naman kung bakit nagka ganon siya. Pero dahil hindi ko naman talaga siya kilala, ay I dont care that much naman kaya wala lang sakin yon.

Mabilis akong kumilos. Inuna kona ang maglinis saka inasikaso si Anahita dahil malamang ay may pasok din siya. Matapos niya ay nag ayos nadin ako, minadali kong maligo at magbihis saka muling inasikaso si Anahita. Tinawagan ko ang babysitter niya.

"Hello miss?"

"Ah. Hello po? Kayo po yung babysitter ni Anahita hindi ba?" Tanong ko. Minamadali ko din ang pagsabi dahil late na ako. Wala naman ako gaanong pake sa kung late man ako o hindi pero kailangan kong humabol. Walang dahilan pero kailangan lang talaga.

"Ah yes po ako nga po. Susunduin kona po ba siya?" Tanong niya at tumango ako.

'Ayt teka.. di niya nga pala makita. Malamang nasa telepono e!'

"O-opo. Paki bilisan nalang po" pag tatapos ko saka siya binabaan. Ilang minuto pa ay may kumatok na sa pinto.

Agad ko tong pinag buksan.

"Good morning mis..sis.?" Taka siyang napatingin sakin.

"A-ah.. ako po yung anak ni AnRie Dyrill." Nakangiting sambit ko at nangiti nadin naman na siya. Pinatuloy ko siya at sinabihang siya na ang bahala kay Anahita at sumunod naman ito.

"B-bayaran na po ba kita?" Tanong ko at umiling naman to.

"Okay lang. You can pay later but for now, pumasok kana. Late kana e." Sagot nito na itinuro pa ang wall clock.

'Ano bayan!'

7:28 AM na. May 2 minutes pa kaya naman mas binilisan kopa ang pag galaw.

Lumapit ako kay Anahita saka siya pinantayan.

"Baby.." usal ko habang pinapa dausdos ang mga kamay ko sa braso niya. Tumingin naman to.

"Yes po ate?"

"Si ate babysitter muna ang bahala sayo ha? Papasok na si ate." Sabi ko pa at tumango naman ito saka ngumiti. Niyakap ko siya saka muling nag paalam.

"Ihatid mo po siya sa school. Pasundo narin. Ah! Hindi pala!. Bantayan mo siya" maawtoridad na sabi ko at tumango naman siya.

Kinuha ko ang 100 sa pitaka ni mama na aksidente kong nakalkal sa kwarto niya kanina.

Nag-commute na ako kaya mabilis akong nakarating sa school. Saktong pagbaba ko sa sinakyan ko ay ang pag tunog ng bell. Sign na mag sisimula na ang klase.

Tumakbo ako para lang makasabay sa kaklase ko papasok.

Pagkapasok ko sa classroom ay yung tatlo agad ang napansin ko.

Napatingin ako sa kanila at may nang aasar naman silang ngisi ngunit iniiwas ko nalang ang paningin ko.

Saktong dumating yung teacher. Nagsimula ng mag discuss si sir. Mabilis na natapos ang mga subject kaya naman recesstime na.

'Hayyss'

Napapabuntong-hininga ako habang naglalakad papuntang canteen.

Habang naglalakad ako ay biglang may bumangga sakin dahilan para mapatingin ako don sa bumangga.

Nanlaki ang mata ko.

"N-nemsis?" Takang tanong ko. Namumutla siya at.. ANG INIT NIYA!.

Hinawakan ko siya magkabilang braso at ang init niya.

"O-okay kalang?" Utal na tanong ko dahil sa pag aalala. Dahil sa dami ng students na naglalakad papuntang canteen ay napilitan akong hilain siya papunta sa medyo wala gaanong students na naglalakad.

"Okay ka lang nemsis?" Pag- uulit ko sa tanong ko at tumango naman siya.
Hinawakan ko ang noo niya at ang init niya talaga. Pinaupo ko siya sa upuang nasa tabi ko.

"Upo ka." Sabi ko at sumunod naman siya. "May sakit ka nemsis" sabi ko at napatingala naman siya sakin.

"S-sorry. A-ayoko kasing mag absent. Sa sobrang h-hilo ko ay nakakab-banga na pala a-ako." Pilit niyang sinabi yon kahit hilong hilo at hinang hina na siya.

"Okay lang yon. Tara dalhin kita sa clinic" anyaya ko at umiling naman siya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Nang galing nako don Aoi." Nawawala na ang boses na aniya. Pilit siyang ngumiti sakin kaya mas nginitian ko siya.

"Iuuwi na kita" prisinta ko ngunit umiling nanaman siya.

"B-bakit?" Takang tanong ko nanaman.

"Bat ako ang iniisip mo sa halip na si Aya?" Naluluhang aniya kaya natigilan ako. Hinarap ko siya kahit nakaupo siya't nakatayo naman ako.

"B-bakit anong nangyari sa k-kanya?" Kinakabahang tanong ko.

"P-patay na siya Aoi." Lumuluha nang sabi niya kaya mas natigilan ako.

"A-ano? K-kelan pa?" Di makapaniwalang tanong ko. Tumutulo nadin ang luha ko.

"N-ngayon mo lang alam? Aoi kaibigan natin siya pero ngayon mo lang alam?!" Inis na tanong niya.

"H-hindi ko alam."

"Nung last week pa. Kalilibing niya lang sin nung nakaraang araw." Sambit niya saka tumayo.

"S-san ka pupunta?" Tanong ko ngunit hindi na niya ako pinansin pa.

Nagpa ikot ikot ako sa kinatatayuan ko. Diko alam ang gagawin ko.

Please Don't Go Where stories live. Discover now