Panaginip

379 8 0
                                    

Bumaba ako sa aking kwarto upang pumunta sa banyo nang tinawag ako ni mommy, "nak may kumakatok sa pintuan." Nang binuksan ko ang pintuan ay sinalubong ako ng isang matangkad na lalaki, maputi, maamo ang mukha at may dalang bulaklak, "good morning babe! Flowers for you." Kinilig ako at niyakap ko siya sabay sabi, "good morning babe." Pinatuloy ko siya sa sala habang ako'y maliligo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay handa na kaming pumunta sa paaralan. Gamit ang magarang sasakyan ng aking pinakamamahal na kasintahan na si Mike nag tungo kami sa paaralan.

Hinatid ako ni Mike sa room namin at saka nag paalam. Ilang oras ang lumipas, tapos na din ang klase. "Hay! Nakakapagod." Wika ko sa sarili habang naglalakad patungo sa parking lot. Pag dating ko sa parking lot ay nakita ko si Mike na naka sandal sa kotse at may dalang bouquet at milktea. "Flowers and milktea for my princess." Wika niya sabay yakap. "Awe ang sweet naman ng boyfriend ko! Nakakakilig tuloy." Sabi ko habang papasok na kami sa sasakyan.

Dinala ako ni Mike sa isang lugar na kami lang at nag stargazing kami. Nagkwentuhan kami ni mike at Nagtawanan.Ang saya ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya.Pinaparamdam niya sakin na para bang ako ang pinakamagandang babae sa boung mundo."Babe,ang ganda mo talaga.Masaya ako na nakilala kita.Nung dumating ka sa buhay ko binigyan mo ng kulay itong mundo ko.Pangako hindi kita iiwan,I love you babe"nakangiting sabi niya habang naka tingin saking mata."Tuparin mo yang pangako mo kung hindi malilintikan ka sakin pero I love you so much babe"sabi ko habang nakangiti."i love you more"tugon ulit niya.Nakatingin nalang kami sa mata ng isa't isa.Hinawakan niya ang mukha ko at mabagal na inilapit ang mukha niya sa mukha ko na para bang gusto niya akong halikan.Nang malapit nang maglapat ang mga labi namin ay bigla kong narinig ang boses ni mommy "Anak gumising kana diyan malelate kana sa school!"Ha? Dumilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon.Tumingin ako sa paligid at nasa kwarto pa ako."what?paniginip lang ang lahat?panaginip lang ang lahat na naging jowa ko ang crush ko?Noo!!"

DAGLI 💞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon