Punta agad ako sa bahay. Tumakbo na nga lang ako pauwi since 5 blocks away lang naman bahay namin from school. Kita kits daw ngayong 7pm. Jess will pick me up. She told me it was a fancy restaurant. Di naman ganoong ka-pricey ang food. Libre nga eh. I have to change my outfit. I took a bath and jumped like a ninja just to find my hair dryer under my bed. Siguro nasipa ni tatay. I browsed my cabinet and I found this white dress. Knee length sya. Medyo may glitter effects sya eh. Lace dress sya hanggang dun sa waist tapos dun sa waist hangang sa knee eh parang ang texture nya pang-tulle skirt. Then I slipped on my glitter doll shoes. Well sakto nandiyan na si Jess.
"Boom!" pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan nina Jess.
"Hoy todo paganda si ateng" biro sa akin ni Jess.
Nakasuot sya na parang sun dress na stripes. Well bakit nga ba kami naka-dress? Para naman medyo may formality. Nakarating kami dun sa place. La Rosa Mia. Orange lights spilled outside the clear glass window. The bushes were near the glass window. Maganda ang restaurant nina Alex. Lumabas si Alex from the restaurant. Naka-polo ang pants. He looks nice.
"Hoy!" high-five kaming dalawa.
Kilig.
I. Died.
"Yow ang ganda ng restaurant ninyo. So Upper Eat Side-ish" smile ko.
"Si mama kasi umisip niyan" napangiti si Alex.
"It's gorgeous"
Ngiti naman siya. Points kay mama nya! Hehehe!
Pagkapasok sa loob eh may parang bar sa may gitna then tables eh nag-spread sa lahat. Yung background nung parang bar eh golden na may mga collection ng drinks. Then ang bawat table eh may red rose and 1 bottle of wine. Naupo kami dun sa may left side. Katabi ko si Alex tapos nasa harap ko si Jess. Ang ganda naman ni Jess grabe. Bigla nalang may dumating sa amin na pagkain. Steak sya and mushroom raviolli lahat kami. Then naka-orange juice kaming tatlo. Sosyal ang lola nyo!
"Delicious" napasabi ako pagkatapos kong kumain.
"Salamat" sabi ni Alex.
"Iba yung timpla basta promise ang sarap"
"Gusto mo sa isang linggo ulet"
"Hala wag na nakakahiya na sa iyo"
"Ayos lang yun alam ko namang matakaw ka"
"ah ah!"
Napatawa kaming pareho habang si Jess eh abalang abala na kumain. Humirit kasi ng extra rice. Di nakontento sa mushroom raviolli.
"Jess baka naman sumabog ka na" biro ni Alex.
"Di yan. Malaki pa tiyan ko" tawa ni Jess.
"Geh kaya yan"
"Ako pa!"
I observed the people around me. Ang classy. Parang type ng nanay ko. Then aba nakita ko si Jasper with Lestea. Hay nako!