Da Da Da Dumb!

6 0 0
                                    

Anu naman say mo? Grabe yung dalwa nagde-date? Sa restaurant pa ni ultimate crush ko nag-date. Nako feeling pa netong si girl ganda ganda nya. Ai sauce!

Paglabas namin ng restaurant eh naglakad nalang ako pauwi. Well napagod din mga paa ko at nag-tricycle nalang. Pagdating ko sa bahay nandoon nga naman si tatay. May dala dalang walis tambo. Patay! Di nga pala ako nakapag-paalam.

"At saan ka nangggaling?" whoops! Dad is so mad!

"Pasensya po di ako nakapagpaalam" kamot ko bigla ang ulo ko.

"Alam mo ba na napaka-delikado na?"

"Kasama ko naman po si Jess.."

"Para ka talagang nanay mo! At saan ka nagpunta ha?!"

"Dun po sa restaurant nina Alex kumain lang po"

"Alam mo naman gabi na ah! Naku nako! Para ka talagang nanay mo!"

THIS IS SPARTA! Nagtitinginan na yung mga kapitbahay namen. Nakakahiya. Kulang nalang sabihin ko sa tatay ko "pinapahiya nyo na po sarili naten! Dami ng kapitbahay nakatingin sa atin!" But no. I have no rights to shout back to my father even if I wanted to. Naku parang giyera nanaman sa Mindanao bunganga ng tatay ko. Baka daw kasi ako mapahamak ganyan.. ganoon.. ganito. I don't want to hurt my dad because he's the only one left with me. My mom just feed us and clothe us or whatever but I never felt her love. 

"Naintindian mo ba sinabi ko?!" sabi ni tatay.

"Opo" pinipigilan an luha ko.

"Wag na wag ka ngang tumulad sa nanay mo, Serena"

"Tay parang di ko kilala nanany ko oh! Iniwan nya tayo.. Oo pinapakain nya tayo at ang iniintindi lang nya sa buhay ay puro pera! Tay bat naman kasi si mama pa?! Alam nyo namang di naman para kayo sa isa't-isa" napasagot ako nalang bigla.

"Wala kang karapatang magsabi ng ganyan sa nanay mo! Nanay mo paren sya!"

Aalis na rin sana ako. Umiiyak na papunta sa may pintuan. Nakita ko.

Si mama.

Naiyak.

"Anak?" tawag nya saken.

"Ma?" shocked ako.

"Totoo ba itong narinig ko?"

"Ma..."

"Anak kung alam mo lang ay sinusoportahan paren kita"

"Nay ang gusto ko kayo, hindi po yung pera na binibigay nyo sa akin"

"Kung ganoon ay mag-empake ka na"

Anu daw?

Baket?

Ayokong sumama sa inay ko. Wala na ngang kasama tatay ko sa bahay.

"Wag mo itong gawin sa akin" sabi ni tatay kay mama.

"Lagi mo nalang na pinapalabas na masama ako" umiiyak si mama.

"eh ikaw naman..."

"Alam mo namang kaya kong mamuhay sa buhay mo eh anu yung nakita ko?"

"Wag..."

"Tinakas mo na nga yung anak ko kasama yung babaeng kinakasama mo!"

What?

Sino ba ang masama?

Sino ba ang totoo?

Hanla!

"Hoy kung alam mo lang anak natin ito! ATIN!" sigaw ni itay.

"Ano bang sinaksak mo sa utak ng anak naten ha?! Na ako ang masama?!" sigaw ni nanay.

Hindi ko mapaliwanag yung feeling ko. Ako yung nasa gitna nilang dalawa. Tatay kong pagod sa trabaho at ang nanay ko na sandamakmak na shopping bags ang nasa magkabilang kamay. Para bang telenovela itong naririnig ko. Parang dahan dahan ay nilalamon ako. I feel paralyzed. My mouth is slowly turning dry and I am collecting my extra strength left with me.

"Ano ba talaga ang nangyare?" napabulong nalang ako.

Napatigil silang dalawa.

"Serena. Mahal ka namin. Ano ba ang alam mo sa amin ha?" tanong ng nanay ko.

"Ang alam ko po. Ayaw ng lola ko sa tatay ko." bulong ko sa sarili ko.

"hay nako! Heaven's sake!"

"Ano ba talaga inay?"

"Mahal ka namin. Ayaw talaga ng lola mo sa tatay mo kasi nga may babae syang kianakasama pagkatapos kitang ipanganak. Sabi ng tatay mo mahal daw nya kami pareho. Ayoko naman ng ganun. Gustong gusto nung kabit nya na mapasakanya ikaw. Sa sobra ngang pagmamahal ko sa tatay mo eh kahet may babae sya eh binibigyan ko kayo ng pera. Sorry talaga anak."

Sorry daw.

Si itay pala ang nag-iwan.

Di si nanay.

Dinala nalang ako ng mga paa ko sa kwarto ko at nag-empake na ako.

"Anak wag mo itong gagawen sa akin?" sabi ni tatay.

"I hate you" bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Tapos na yun. Pwede naman nating.."

Slammed.

I shut the door behind and hopped inside my mom's car. My tears were welling up and I can't stop it. So all of what he said wasn't true? I hate him. But i pity my father. I am the only one he got. I wanted to forget him but I can't. he is still my father. He is is still mine.

Trahedya talaga buhay ko.

Spinning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon