Jane's P.O.V
"Ang mga powers ni God ay nagkakalat-kalat at unti-unti siyang naghihina. Kaya, kailangan mong kolektahin ito. Ang mga kapangyarihan ni God ay naka-reside sa purity ng puso ng mga tao. Pero, para mapigilan ka, nagpadala rin si Satan ng kanyang mga alagad. Inutusan niya ang mga ito na mag-reside sa mga paintings upang mabili ng mga tao at makuha ang kapangyarihan ni God. Kaya ikaw, bilang reincarnation ni Jeanne d'Arc, kailangan ikaw ang unang makakuha sa powers ni God. Kapag, nakuha mo ang powers ni God, ito ay maging isang chess piece na ipadala ko kay God. Gets?" tanong niya sa akin.
"Hindi," ang blunt na sagot ko sa kanya.
"Jane naman eh," naiiritang sabi ni Eris sa akin.
"Hay, sabihan mo na lang ako mamaya sa susunod na trabaho," sabi ko sa kanya habang sinusuot ko ang sapatos ko.
"Yehey! Wait, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.
"Lalabas," sagot ko sa kanya habang sumusuot ng jacket,
"Eh? Bakit?" tanong naman niya. Ano ba tong anghel na 'to! Hindi mauubusan ng mga tanong!
"Mahihilo ako sa'yo," sagot ko naman sa kanya. Eh, totoo naman eh! Na-stress na nga ako sa pag-aaral ko, iistress pa ako ni Eris sa trabaho ko.
"Sige, ingat ka ha?" paalam ni Eris sa akin nang palabas na ako sa pinto.
Habang naglalakad ako, iniisip ko ang trabaho ko bilang reincarnation ni Jeanne d'Arc o bilang Jeanne the Thief. Oo, ako ang famous thief na si Jeanne. Hindi naman ako magnanakaw, eh! Akala lang ng mga tao na magnanakaw ako dahil kapag i-possess ng mga demonyo ang mga painting mag-iiba ang anyo nito. Kaya, kapag patayin ko ang mga demonyo bumabalik sa normal ang painting. Kaya, akala ng mga tao, kinuha ko daw ang original at pinalitan at binalik ko naman ang original. And worst of all, ang pinakadeterminado na macapture niya ako ay ang best friend ko. Buti na lang nga blonde and buhok ko kapag maging Jeanne ako at chesnut brown naman kapag Jane de Castillo lamang a-
"Aray!" Meron palang nakabangga sa akin. Ano ba 'to?! Una yung best friend ko, ngayon ako naman.
"Ay, sorry miss, ha?" pagpaumanhin ng nakabangga sa akin. "Ikaw?!"
"Huh?!" Confused kong tanong sa kanya. Siya pala yung lalaki na nakabangga ni Lily kanina. Parang natandaan niya ako, ah. Baka natatandaan niya ako sa kagandahan ko-
""Ikaw yung babae na palaging nakatitig sa akin kanina. Bago ka lang ba nakakita ng gwapo?" tanong niya.
Aba, ang hangin ng lalaking 'to, ah. Makapagsalita, akala kung sino. Oo, gwapo siya pero ang ugali naman, gwapo kaya?
"Hoy! Hindi ako nakatitig sa'yo kanina, ano?!" kontra ko naman.
"Eh?" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Sige, sabi mo, eh."
Ang lapit ng mukha niya! Shit! At ang lapit ng labi niya sa labi ko! OMG! Iki-kiss kaya niya ako?! NO! Virgin pa ako at kailangan virgin rin ang lips ko! Napapikit na lang ako dahil ayaw kong tumingin sa mga mata niya. Argh! Hihimatayin ako nito!
"Hahahaha!" umatras siya at tumawa ng tumawa.
"Hoy! Anong nakakataw, ha?!" naiirita kong sabi sa kanya. Hindi pa rin siya sumasagot dahil busy pa rin siya sa pagtawa. Heck, meron na ngang luha na lumalabas sa mga mata niya. Kumalma siya ng ilang minuto pero nandyan na ang smirk sa mukha niya.
"Para kang kamatis kanina! Namumula! Akala mo iki-kiss kita ano?" tanong niya sa akin habang pumipigil ng tawa.
"Ang kapal pala ng mukha mo, ano?!" mauubusan ako ng pasensya sa lalaking to. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa paglakd nang bigla na lang niya akong hilain at niyakap at meron siyang binulong sa akin.
"I like you, Jane de Castillo. You're fun to mess with," sabi niya sa akin at binitawan niya ako at tumalikod siya papunta sa elevator.
"Hoy! Anong pangalan mo? At paano mo nalaman ang pangalan ko?! Hoy!" tawag ko sa kanya pero patuloy pa din siya sa paglalakad.
Nang nakapasok na siya sa elevator, bigla niya akong tiningnan at nilagay ang pointer finger niya sa kanyang labi bago sumira ang elevator, leaving me speechless at red-faced.
??? P.O.V
"Lumabas ka, Axis," tawag ko sa mini-angel ko.
"Nakita mo siya?" tanong niya sa akin.
"Oo," sagot ko naman. "Nakita ko si Jane de Castillo."
Hey, guys!
Umm, so if you like this story please comment below and the first one to comment will get a dedication next chapter!
So, may the first commenter wins!
BINABASA MO ANG
Jeanne the Thief
Romance16 year old gymnast Jane ay binisitahan ng isang mini-angel na ang pangalan ay Eris. Sinabihan niya si Jane na nagkalat ang mga powers ni God at ang mga powers ni God ay nagreside sa isang chess piece form na makukuha sa mga paintings. Pero, nagpada...