Chapter 1

47 3 0
                                    

"Bilisan mo nga, Jane!"

Tinawagan ako ng best friend ko na si Lily. Naghihintay siya sa akin sa tapat ng gate ng paaralan.

"Eh, hindi ko naman kasalanan, eh!" Sabi ko sa kanya.

"Eh, ano? Ano ang rason mo kung bakit late ka sa pagpunta mo dito?" Galit niyang tanong sa akin. Grabe tong bestfriend ko! Pag magalit daig pa ang matandang bruha!

"Nawala yung gymnast ball ko," pagrarason ko sa kanya. Totoo naman eh! Paggaling ko sa shower room, nawala na! Eh, nilagay ko lang naman yun sa bench malapit sa locker ko.

"Eh, saan mo naman nilagay?" tanong niya sa akin.

"Malaout sa locker ko," sagot ko naman.

"At nakit mo?" pag-i-inquire niya sa akin.

"Oo, naman! Ako pa!" sagot ko sa kanya. "Halika na nga! Uwi na tayo," paganyaya ko sa kanya.

Ay! Ako nga pala si Jane de Castillo. Isang 4th year high school student. Ga-gradute na ako sa darating na March. ang kausap ko kanina ay ang best friend ko na si Lily Garcia. Pareho kaminf 16 yrs. old. Ulila na ako sa aking mga magulang. Oo, aaminin ko, broken family kami. Divorce ang mga magulang ko. Isang engineer ang papa ko at businesswoman naman ang nanay ko. Nung 13 year old pa ako, isang 1st year high school, ay iniwan na ako nila sa kamay ng mama ng best friend ko. Meron silang hotel eh, kaya sabi ko sa kanya na mag rent nalang ako ng room. Sumangayon naman sila. Pero kahit malayo ang mga magulan ko, pinapadala pa rin nila ako ng pera pambayad sa room at para hindi naman ako masabihan na palagai nalang nagdedepend.

"Oh, nandito na tayo," ini-remind niya ako nang papasaok na kami sa hotel."Ah, sige. Wait lang, ha? Tingnan ko muna ang mailbox ko," sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa mailbox malapit sa elevator. Pag-open ko, wala. Walang letra ang nakita ng mga mata ko. Nadisappoint naman ako. Eh, sino ang hindi madisappoint? Ang mga parents ko kasi, palagi silang nagpapadala ng letra sa akin nung 13-14 pa ako. Pero pag 15 ko na, nahinto na ang pagpapadala nila ng mga letra. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Pathetic, di ba?

"Oh, bakit tinitigan mo ang mialbox mo?" tanong niya sa akin.

"Ha? Ah, eh, wala," sagot ko naman habang nakangiti sa kanya. "Halika na nga," hinila ko naman siya.

"Aray, naman! Pag humila tong babae 'to, daig pa ang mama ko," reklamo naman niya.

Pagpasok namin sa elevator, sinabihan agad niya ako sa kung anong nangyari kagabi. Hindi ko alam pero parang baliw tong best friend ko, eh. Palagi siyang nagtyy nai-capture ang famous thief na kapangalan ko lang: Jeanne the Thief. Akalan nga ni Lily na ako si Jeanne, eh. Merong blond hair si Jeanne at wavy ito habang chestnut brown ang buhok ko at straight. At tsaka ang papa ni Lily ay isang police detective kaya palagi siyang sasama sa papa niya. Pero, kahit sa anong paraan, hindi pa rin niya ito mahuli.

Pagding sa elevator na sumisignal na nandito na kami sa floor namin, ay lumabas agad si Lily. Flash lang ang peg?

THUD!

"Aray ko naman!" Sigaw ni Lily. Hay, yan ang makuha niya sa pagmamadali sa pagpunta sa room niya.

"Hoy Lily! Ok ka la-" nagulat ako sa nakita ko. Isang gwapong lalaki ang nakabangga ni Lily at tinulungan pa niya itong tumayo ng maayos. Meron siyang light brown na buhok at ang pogi niya!

"Ah, sorry miss ha? Hindi ko sinasadya," pagsosorry niya.

"Ah, wala yun! Ako naman talaga ang may kasalanan eg," pagprotesta ng best friend ko na namumula na sa hiya.

"Pero sorry talaga ha? Sige, mauna muna ako," pagpaalam niya sa kaibigan ko. Pagdaan niya sa akin, nagka-eye contact kami. At parang nag-slow mo ang oras habang nakatitig ako sa mga mata niyang chocolate brown. Ang gwapo niya talaga! Para siyang isang movie star! At-

"Hoy Jane!"

At nawala na ang dream world ko.

"Ano?" naiirita kong tanong sa kaniya.

"Ay, kapag nakatitig ka parang owl, ha? Pero ang gwapo niya ano? Para siyang isang prinsepe! Ay, nandito na pala tayo sa room ko. Sige, bye," pagpaalam niya sa akin. Hay, at sa wakas nawalan na ang kaibigan kong parang isang sirang plaka.

Ay, nandito na pala ako sa tapat ng room ko. Pagpasok ko, tinawagan ko agad and kasama ko.

"Eris!" Sinigaw ko ang pangalan niya pero walang sumagot. "Eris?"

"Jane!"

"Ay, palaka!" nagulat ako ng biglang sumulpot ang green haired na angel sa likuran ko.

"Mini-angel Eris is here!" pagbati niya sa akin.

"Huwag mo nga akong takutin ng ganyan, Eris! Mamamatay ako ng maaga sa 'yo!" galit kong pagsabi sa kanya.

"Sorry," at nagdadrama pa ang demonyita este anghel.

"Sige na nga," sabi ko. "Huwag ka nang umiyak."

"Hindi ako umiyak, no! Ay, oo nga pala ang sunod mong trabaho ay-"

"Ayaw ko!" pagtanggi ko!

"Huh?! Bakit? Bakit?" gulat niyang tanong sa akin.

"Nagtrabaho ako kahapon, ano?" pagrarason ko sa kanya. "Isa akong busy na high school student at kailangan ko rin ng oras para sa paaralan at pagdadalaga."

Nagbihis na ako ng damit dahil ang init!

"Kumpara sa akin, pagiging isang anghel ay madali. Hindi ka gumagawa ng assignments at sumasalai ng mga clubs," pagrereklamo ko sa kanya. Ang ganda naman ng buhay niya. Walang stress.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo?!" galit niyang tanong sa akin. "Kailangan kong kumpletuhin ang mga utos na ibinibigay sa akin upang maging full-pledged na angel, ano! Ang hirap kaya!"

"Eh, kung tumigil na lang kaya tayo sa pagnanakaw?" suggestion ko sa kanya.

"Jane naman oh!" pagod niyang sabi sa akin.

"Ginawa mo na ito sa isang buwan at hindi mo pa naintindihan!" pinagsabihan na naman niya ako. "Ang tanging makacollect sa mga nagkalat-kalat na powers ni God ay ikaw! Ang reincarnation ni Jeanne d'Arc!" 

Jeanne the ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon