"Anong oras na ba, Eris?"
"8:50 na Jeanne."
"Hm... Kasama ba ng mga pulis ang may-ari ng musuem?"
"Oo, Jeanne."
"Anong status niya?"
"Status? Ahh... Married na siya, Jeanne. Wala ka nang pag-asa."
"Hindi yan ang ibig kong sabihin, stupid!"
"Hehe, joke! Anyway, before niya nakuha ang painting ang bait daw niya. Binibigyan niya ng kita at tips ang mga staff at workers ng museum. Pagkakuha niya ng painting, nag-iiba na raw ang ugali niya. Palagi na raw siyang galit at hindi na niya binibigyan ng kita ang mga workers."
"Saan mo naman nakuha ang info na 'yan?"
"Sa mga workers. Nagchi-chismisan kasi sila, eh."
Ano ba 'tong anghel na'to?! Angel ba talaga siya?
"Oras na, Jeanne...."
Tumayo na ako sa puno na kinauupuan ko at tumalon gamit ang abilities ko.
"Andyan na si Jeanne!" Ay, si Manong Pulis! Nagplano pa ako na sosorpresahin si Lily.
"Jeanne!" gulat na bati ni Lily saken. "Sisiguraduhin ko na mahuli kita ngayon!"
"I'd like to see you try," pagtease ko sa kanya. Hehe! Alam kong nagagalit na siya dahil ang pula na ng kanyang mukha.
"Ano pang ginagawa niyo dyan?! Hulihin niyo na siya!" utos ni Mr. Jones, papa ni Lily.
Sumugod na ang mga pulis saken at imbes na tatakbo ako papalayo, tumakbo ako papunta sa kanila at gamit ang abilities ko, tumalon ako sa itaas nila at thankfully, landed on my two feet.
Nakakita ako ng isang corner na napakadilim kaya nagdesisyun ako na doon magtago.
"Eris, clone," utos ko kay Eris na naintindihan naman niya. Nagsimula na siyang magchant ng mga spells at tumambad sa harapan ko ang isang napakagandang babae na may blonde na buhok at parang art- ay, ako pala iyon.
"I-distract mo papalayo ang mga pulis sa side na ito ng museum, ok?" utos ko ni Jeanne 2 na agad naman niyang sinunod.
"Mga pulis! Habulin niyo ako!" playful na sabi ni Jeanne 2 at nagmamadaling tumakbo papunta sa kabilang side ng museum. Sumunod naman ang mga pulis sa kanya. Hehe! Effective talaga ang plano ni Eris!
"Eris, nasan ang painting?"
"Andito lang 'yun, Jeanne," at lumipad si Eris sa painting gallery at hinanap ang painting na may dark aura.
"Ito Jeanne," tinuro niya ang isang canvas na may painting ng isang babae na pinapalibutan ng darkness at shadows. Heck! Ang creepy talaga ng painting na'to! Nakakakilabot at nakakatindig balahibo!
Kinuha ko ang dagger knife ko at inihagis iyon sa painting. Bago ko pa man lang masabi ang magic word ay may nakauna na saken.
"Extract."
What the fvck?! Hindi ko 'yun boses ah! Hindi malalim at lalaki ang boses ko!
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si....
Sino ba ito?
"Hoy! Akin yung dagger knife ah! Ako ang unang nakakita sa panting na 'yun ah! Ba't mo ba inagaw ang target ko?!" galit na tanong ko sa kanya. No one can steal my target unless I want them to!
"Oh, are you the infamous Jeanne the Thief? Ang skinny mo pala. I was expecting to see a big-chested, sexy girl, not a skinny one." The nerve! Arghh! Mapatay ko 'tong lalaking 'to ah!
"Excuse me! My chest is perfectly fine! And I can be sexy when I wanna be!" laban ko sa kanya. Nakakainis! Pagsabihan pa naman ako na flat-chested! Sino ba siya at pinagsabihan niya ako ng ganyan?!
"Oh really? Then let me see it," huh? See it? See what?
"Anong pinagsasabi mo?!"
"Let me see your non-existent breast."
Arghh! This man! This stupid, disrespectful, bubwit, bwiset man!
"Well, it was nice meeting you Jeanne the Thief," paalam niya at tatalon na sana siya mula sa bintana nanv tinaeag ko ulit siya.
"Sino ka ba talaga?"
"You can call me Sinbad, Jeanne the Thief," at tinuloy na niya ang plano niyang pagtalon mula sa bintana.
Sinbad? Bakit naman niya kijnuha ang tar- Ang target ko!
Nilingon ko ang painting at nashock nalang ako nang makita ko na hindi na itim ang nakabalot sa babae kundi puti na.
Sino ka ba talaga, Sinbad?
BINABASA MO ANG
Jeanne the Thief
Romance16 year old gymnast Jane ay binisitahan ng isang mini-angel na ang pangalan ay Eris. Sinabihan niya si Jane na nagkalat ang mga powers ni God at ang mga powers ni God ay nagreside sa isang chess piece form na makukuha sa mga paintings. Pero, nagpada...