Masayang nag lalaro ang batang si almera sa kanyang manikang si angel , nandito siya ngayon sa ilalim ng puno na paborito niyang tambayan , gustong-gusto niya dito kasi nalilimotan niya pansamantala ang kanyang problema. Pinasadaan niya nang tingin ang kanyang braso na may pasa,napangiti siya nang mapait , nakakaawang sa edad na siyam, nakakaranas na siya nang kalupitan. Kasalukoyang sinusuklayan niya ang manika nang biglang nalang siyang kalabitin at sinampal ng kanyang kapatid. Ang masaya nyang mukha ay napalitan ng lungkot. Alam niya namang gagawin iyon ng kapatid sa oras na malaman nito ang ginawa niya. Naiiyak na tinignan niya ang kanyang kapatid.
" im sorr--"
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang siyang sabunotan nito at kinaladkad sa putikan. Tumatawa lang namang nanonood ang isa niyang kapatid.
Sinosubokan niyang umahon dahil hindi nasiya makahinga pero mas lalo pa siya netong dinidiin sa putik.
" sinabi ko naman sayo na wag mo kong isusumbong kay mommy , pero di ka nakinig , kaya ito ang bagay sayo " at mas lalo pa siya netong binaon sa putikan. Sinubokan niya namang ilihim ang pinaggagawa sa kanya nang kapatid, pero mapilit talaga si mommy hindi siya naniniwalang sa pagkahulog ko sa hagdan nakuha ang mga sugat at pasa ko. Kaya sinabi ko nalang ang totoo na sinasaktan ako ng mga kapatid ko.
" alam mo bang pinarosahan kami dahil sa pagsusumbong mo! Hindi kami pinalabas nang kwarto nang 1 linggo. At ngayon sisiguradoin kung maranasan mo ang dinanas namin. "
"A-ate sorry tama na hin-di na-ko makahinga "nag papanic na siya dahil ilang sandali nalang malalagutan nasiya nang hininga.
" sorry? Hindi kita mapapatawad ! Sumbongera kaaa ito ang dapat sayo " diniin pang lalo ang kanyang ulo. Kunti nalang, kunti nalang alam niyang mamatay na siya , kaya buong lakas siyang bumangon at tinulak ang kanyang kapatid . Tumilapon ito sa gilid nang bangin.
Hinabol naman ito nang isa pa niyang kapatid ,ngunit naging madulas ang lupa at nahulog ito ngunit nakapit naman kaagad sa isang sanga ng kahoy. Dalawa na silang nakakapit sa sanga nang kahoy, nangtignan nila ang kanilang kababagsakan ay nanigas ang kanilang katawan . Sapagkat sobrang taas ng kanilang kababagsakan at mabato pa. Siguradong patay sila pag nagkataong mahuhulog sila .
Mayamaya narinig naman nilang mababali na ang sangang kinakapitan.
Samantalang si almera naman ay naghahabol nang kanyang hininga
ngunit parang nanigas na ang kanyang baga at tuluyan nang tumigil ang kanyang hininga. Nakalimutan niyang may sakit pala siya sa puso . Tanlalabo na ang kanyang paningin. Pero naririnig niya parin ang sigaw ng kanyang mga kapatid ... ilang sadali pay hinihila na siya nang antok at kusang pumikit ang kanyang mga mata. Huling natatandaan nalang niya bago siya malagutan nang hininga ay ang salitang ...
" magkikita pa tayo almera . Kahit mamamatay kami ngayon mabubuhay kaming muli. Tandaan mo yan hahahaha. " at tumawa ito nang nakakapangilabot . At ilang sandali pay nalagotan na siya nang hininga ...
BINABASA MO ANG
TRES MARIAS
HorrorKung inaakala mong alam mo na lahat ... pwes ,nagkakamali ka ... *evil laugh*