-------------------------------Hi there readers , chapter 4 napo tayo ...
Magiging madugo po ang susunod na mga eksena ... kaya restricted 13 po ito.Abangan din po ... mag papakita na siya ;)
Kunting trivia lang po ...
Did you know?
That if you wake up 2:00-4:00 o'clock in the morning ,without any reasons ...
Someone is staring at you ?!
-------------------------------
Unknown person's POV
Napabalikwas ako nang bangon , pawis na pawis ang buo kong katawan.
Pangitain ...
Isa na namang pangitain ...
Kailangan ko siyang tulongan hanggat maaga pa ...
Bago pa mahuli ang lahat ...
Janine's POV
Nakauwi na ako galing sa bahay ni jasmine . Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng TV.
Hanggang ngayon, palaisipan parin sa akin ang litrato ni jasmine.
Hay naku! Nakakapagod tong araw nato.
Una yung sa panaginip ko tas dumagdag pa si manong , at tsaka yung litrato .Nakakaloka na! .Makaligo na nga nang mahimasmasan.
Papasok na sana ako ng banyo ng may maaninag akong nakatayo sa labas ng bintana. Nakatingin ito sa akin. Pag lingon ko naman , bigla nalang nawala.
" sino yan? . "
Tanong ko at pinuntahan ang bintana.
Wala namang tao kaya Isinarado ko na.
Papunta na sana ako nang banyo ng may biglang nabasag sa sala. Pinakiramdaman ko lang ang paligid, baka may naka pasok na magnanakaw kailangan kong tumawag nang pulis. Kinapa ko ang aking bulsa ngunit wala ang cellphone ko. Nakalimutan ko nasa couch pala. Malamang hawak nayon nang magnanakaw.
Maya-maya'y may na rinig akong mga yabag ...
At
PapuntA ito sa kinaroroonan ko ...
"Shit! "
Nagtago ako sa ilalim nang lamesa, di niya ako makikita dito. Malapad ang lamesa at hindi mo mapapansin ang nasa likuran neto. Nakadapa ako at sumisilip sa paanan ng lamesa. Kung pupunta man dito ang magnanakaw paa niya lang ang makikita ko.
Maya-mayay narinig ko na ang mga yabag na papalapit dito. Sumilip ako at nakitang wala namang paa nang tao ...
Papalakas nang papalakas ang mga yabag tanda na malapit na ito sa kinaroroonan ko. Pero nakapagtatakang wala parin akong nakikitang paa ... ilang sandali pay tumigil ang mga yabag. Pinalipas ko muna nang minuto bago ako makasiguro na wala na ang magnanakaw.
Nang wala na akong marinig na ingay, nag desisyon na akong lumabas sa pinagtataguan ko.
Akmang tatayo na ako nang mapatigil ako ...
Parang nanigas ang katawan ko ...
hindi ako makagalaw ... hindi ako makapagsalita ... pinagpapawisan ako nang malapot at nanlalamig ang aking kamay.
Kaya pala ...
Kaya pala wala akong makitang paa ...
K-kasi ...
BINABASA MO ANG
TRES MARIAS
HorrorKung inaakala mong alam mo na lahat ... pwes ,nagkakamali ka ... *evil laugh*