Hi readers. :)
Sana nagustohan niyo ang prologue at 1st chapter :)marami pong twist sa kwentong to. Kaya sana subaybayan niyo ^_^ . I need votes din po. Kaya sa hindi madamot jan. Vote vote vote naaahhh!
Ps :
Nandyan na sila :)
Janine's POV
Nag aabang ako ng taxi ngayon at kapag minamalas ka nga naman walang taxing dumadaan.
Mayroon namang dumadaang ilang jeep ngunit puno . Mag te-twenty minutes na ako dito wala padin. Nakapagtataka nga eh madami kayang dumadaan ditong mga sasakyan, Ngayon kulang talaga napansin na kukunti lang. Hindi naman holiday. Tsk
Mayamaya pay may nakita na siyang taxing paparating , agad naman niya itong pinara.
huminto ito sa tapat niya, Nang makapasok na siya ay sinabi niya ang exact adress ng bahay ng kaibigan .Day off niya ngayon at pupuntahan niya ang kaibigan para may makasama naman siya, ang boring kaya sa bahay at gusto niyang may makausap tungkol don sa panaginip niya. Hay nako ! Kung sana maaga lang akong nakasakay ng taxi , kanina pa ako nakaabot sa bahay ng lokaret na yun.
Oo nga pala. Ano kayang dahilan, bakit kunti lang ang dumadaang sasakyan sa amin , eh highway naman yun. Makapagtanong nga!
" ahh. Manong bakit po ba walang masyadong dumadaang sasakyan don sa amin , eh highway naman yun " sabi ko kay manong with curious look.
" maam, mayroon ho kasing malaking banggan kanina dun sa kabilang kanto. Marami pong namatay. Kaya pina sara yung daan . Naka puslit lang po ako kaya ako nakadaan. " sabi ni manong sa akin without looking at me.
Kaya pala kunti lang ang dumadaan . So puslitero pala si manong. Nako ano bang kasing dahilan ng banggan na yan at pati ako na perwesyo. Hayy makapagtanong na nga ulit .
" ehh ano po bang dahilan ng malaking banggaan manong? " chismosa na kung chismosa inggit lang kayo.
" kasi maam may babaeng baliw na biglang tumakbo sa highway, eh rush hour kaya . Boom! Patay ! nasundan pa ng pagsabog ng kotseng nakabangga. At yun nadamay yung iba. " mahabang sabi ni manong with action pa. Hay nako talaga itong si manong . Tsk
Hindi na ako umimik ,dahil nasagot na ang lahat ng tanong ko. Nananahimik na ako ng biglang magsalita si manong.
" alam mo maam, kaya nabaliw yung babaeng nasagasaan. Dahil , pinagkasundo niya ang kaluluwa niya sa demonyo.Sikat siya sa don dahil maganda siya at habulin ng lalaki. Yun kasi ang hiniling niya sa demonyo. Pero lumipas ang mga taon. Bigla nalang siyanv na baliw . Kinakausap niya ang sarili . Wala ng nagbabalak makipagkaibigan sakanya dahil sa kanyang sitwasyon. Ang sabi pa daw nila, umiinom daw yan ng sleeping pills para makatulog. Di daw kasi maka tulog. Marami daw bumobulong sa kanya. "
Sabi ni manong na pagkahabahaba.
Tulala naman ako, hindi dahil sa aking narinig, ngunit ngayon lang ako nakakita ng lalaking chismoso.
Akala ko ako lang chismosa, siya din pala.hahaha
Hindi na ako umimik dahil baka kung ano nanaman ang i chismis sa akin ni manong .
Parang nagtaka naman si manong dahil di na ako nagsalita, kaya tinignan niya ako sa rear view mirror . Tinignan ko naman siya. Umiwas ito ng tingin at napalunok. Halatang tense na tense.
Alam ko namang hot ako eh.
Ngayon lang ba siya nakakita ng ganito ka gandang babae?
My goodness .
Napansin kong mali ang dinadaan namin , hindi ito ang rota papunta sa
Bahay ng kaibigan ko. Kinakabahan na ako. Baka rapist ito slash holdapper slash killer slash chismoso.
Di na siya nakapagpigil at tinanong na niya si manong.
"Manong, mali po yata ang dinadaanan natin. Dapat po lumiko kayo don . " ngunit di siya nito pinansin .
" ano ba manong sabi ko di ito ang daan papunta sa kaibigan ko " natataranta na ako. Wala naman akong kalabanlaban sa taong ito. Malaki si manong at parang nanghahamon palagi ng away . Lord tulungan niyo po ako. Hindi pa ako nakakasal. Parang awa niyo na mag kakaanak pa kami ni vj my loves. Huhuhu. Hindi! Hindi ako papatalo. Naghanap siya ng bagay na pwedeng gamitin. Nakita na ang kanyang sling bag. Magagamit niya ito, pangsakal kay manong.
Jasmine POV
ano bayan ang tagal naman nang babaeng yun. Mag aalas 11 na oh di pa dumadating ang usapan naman namin 9 am nandito na siya. alam ko namang maykalayuan din tong amin . Pero 2 hours na kaya siyang wala. Nako baka may dinaanan lang. Makapagtimpla na nga nang juice.
Habang nag titimpla siya bigla niya nalang nabitiwan ang baso dahilan para mabasag ito . Bigla niyang naalala si janine. Kinutuban siya ng masama. Nagdasal nalang siya na sanay walang mangyaring masama sa kaibigan.
" janine nasan ka naba? "
Janine's POV
Sasakalin ko na sana si manong nang napansin kung tamang rota na ang aming dinadaanan. Nakahinga naman ako ng maluwag ,akala ko katapusan ko na. Pero di dapat ako pakampante kailangan ko pareng magingat.
Mayamaya natanaw ko na ang bahay ng best friend ko. Hininto ni manong ang sasakyan. Binayaran ko na siya at lalabas na sana ako ng taxi ng bigla siyang magsalita.
" sorry kanina maam hah!
Iniba ko lang naman ang rota na dinaanan natin dahil sa nakita ko ...Maam ...
wala kang ulo "
Nanindig lahat ng balahibo sa kanyang katawan at sa di kalayuan, natanaw niya ang isang batang babaeng madungis na nakangiti nang malaki sa kanya ...
BINABASA MO ANG
TRES MARIAS
HorrorKung inaakala mong alam mo na lahat ... pwes ,nagkakamali ka ... *evil laugh*