Jasmine POV
Mabilis kong tinungo ang pintuan palabas ng bahay ko . Natataranta na ako. Ano ba kasi talagang nangyari?
Pumasok ako sa kotse ko ,at mabilis na pinasibad ito.
Tumawag kasi kanina si vj at sinabing nasa ospital daw si janine. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya dinala don, basta ang sinabi lang sa akin ay ang adress ng ospital .
Muntik na akong masubsob sa pagkagulat.
Agad kong tinapakan ang brake ng sasakyan ng biglang may babaeng dumaan sa harapan ng kotse ko. Muntik ko na siya mabangga.
" hoy lokaloka kaba? Kita mo naman na hindi ito pedestrian lane ah ! . Ba't tumawid ka pa? Paano kung mabangga kita? "
Sigaw ko sa kanya. Badtrip talaga! Ni hindi nga ako pinansin! Nakatungo lang !
" hoy kung nang ti-trip ka wag ako hah! Nagmamadali ako! Umalis ka nga diyan ! "
Umalis naman ito sa harapan ko. Masunorin naman pala.
Actually, mabait naman talaga ako sa mga baliw , wrong timing nga lang siya. nagmamadali kasi ako. Siguro next time.
Tinignan ko itong mabuti.
Maputi siya, kaso parang may mga pasa ang katawan niya. May mga matsa din ang damit at parang natuyong dugo. Magulo din ang buhok niya na nakatabon sa mukha . Hindi ko man makita ang mukha niya, pero nararamdaman kong tinititigan niya ako.
Biglang yumogyog ang balikat nito.
Para bang umiiyak. Ewan ko ba, pero parang naawa ako at gusto ko siyang lapitan .
Lapitan ko kaya?
Wala naman sigurong mawawala.
Lalapitan ko na siya.
Nakababa na ako nang kotse ...
Palapit na ako sa kanya ...
Ayan na ....
Malapit na ...
Kunti nalang ...
At nandito na ako sa harapan niya ...
" miss okay ka lang bah ? "
Ngunit wala akong tugon na narinig ...
" miss anong nangyari sayo?
Ngunit umiyak ito ...
Maya-maya pay ...
" please umalis kana ... "
Teka! Pamilyar ang tinig nayon ahh ..!
" umalis kana. ! "
BINABASA MO ANG
TRES MARIAS
HorrorKung inaakala mong alam mo na lahat ... pwes ,nagkakamali ka ... *evil laugh*