Napabalikwas siya nang bangon , Pawis na pawis ang kanyang buong katawan , nangyari na naman . Paulit-ulit nalang. Anong ibig sabihin nang mga panaginip ko ? Sino ang mga babaeng walang mga ulo ? Bakit sila humihingi nang tulong ?
" arghh ! Sumasakit na naman ang ulo ko, . " Sabi niya sa kanyang sarili . Hindi nga niya alam kung bakit sumasakit iyon pagkatapos niyang managinip nang ganun.
Kinapa niya ang kanyang cellphone sa kanyang tabi para tignan niya
Kung mayroong nag text.
at ayon may nag text nga.
From : vj my loves <3
Hi goodmorning :)
Sent: 4:38 am
>\\\\<
Bigla namang nag bago ang mood ko , hello may mood swing kaya ako.
Ano bayan bat ba umiinit ang mukha ko kahit simpleng bati niya lang ? Nako nako tigilan mo nga yan, kung makapagreact ka akala mo naman may relasyon kayo! May girlfriend na yung tao. At maypa my loves2x pa talagang nalalaman huh. Ang landi ko talaga.
Hayyy ang ganda naman talaga ng umaga ngayon , parang ako lang. Hehe
Makabangon na nga ! Baka kung san pa mapunta tong pag aambisyon ko .
Babangon palang sana ako nang may biglang nahagip peripheral vision ko .
isang itong babae .
isang babaeng nakapatong sa itaas nang aking aparador,
nakangisi ito nang malaki .
At nang lumingon na ako dito.
Ay ...
Wala nman! Wala naman akong nakita ...
Picture lang ni santa claus na nakangiti , malapit na kasi ang pasko , mabuti nayong handa .
Hayy nako kung anu-ano pang sinasabi ko , makaligo na nga !
Someone's POV
Masayang nag tungo si janine sa banyo. Pakanta-kanta pa ito habang papasok . Alam niyang nakita siya nang dalaga kanina at yun ang palatandaan na nagsisimula na ang lahat ng plano nila.
" Ang saya mo namang tignan janine. Siguro masaya ka lang talaga kasi buhay ka, may nagmamahal sayo, may nag-aalaga... ako? Wala eh!
Naiingit nga ako. Gusto nga kitang PATAYIN. Hahaha
But no! hindi ko pa pwedeng gawin yun.
Pakikinabangan ko muna ang katawan mo. Mapapasaakin ang katawan mo. Nag sisimula na ang lahat. Mabubuhay na muli ako ...
At ikaw?Dun kalang naman masusunog sa napakalamig na impyerno " sinabayan niya ito nang nakakatakot na pagtawa , napatigil lamang siya nang biglang
humangin ng malakas at bigla na lamang sumulpot ang isang pang bata ,
" kumusta ang alaga mo? " tanong niya dito. Mapapansing nakangiti din ito, at mahahalatang masaya ...
" umaayon ang lahat sa plano natin " masayang sabi nito sa kanya.
Nakangiti siyang tumungo.
" malapit na ... mag kakaharap narin tayo ... matagal ko natong pinaghandaan ,
Malapit na ...
Pinakamamahal kong
Almera "
BINABASA MO ANG
TRES MARIAS
HorrorKung inaakala mong alam mo na lahat ... pwes ,nagkakamali ka ... *evil laugh*