CHAPTER 31: -WHAT SHE SAID-

520 21 0
                                    

-JACK-

Pagkaalis na pagkaalis ni Chloe at nung tropa, agad agad kong sinalpak yung memory card sa card reader at sinaksak sa Laptop ko.

MADALING madali ako and parang automatic nang umagos ang luha ko noong narinig ko na yung boses niya.

"Hi Jack En Poy! Siguro habang pinapakinggan mo 'to nasa ere na ako. Well sinabi ko kasi kay Chloe na ibigay to pagkaalis ko para kung may balak ka man na sundan ako eh di mo na magawa. Pero ano nga bang dahilan mo para sundan ako eh P.A lang naman ako?

Remember about rules? Yung sa rule no 5? Sorry ! Sorry nahulog kasi ako sayo eh. Pero dont worry, bawing bawi ka na. Wasak na wasak na yung puso ko eh, pero siguro kaya ako nadestino sa America ay para makilala ko yung taong bubuo ulot nito... Hoy! Wag kang magdrama ah! Di naman kita sinisisi eh."

MASAKIT. </3 Di ko ata kaya.

"Pero Jack En Poy I want you to know that I love you, never forget that. Sorry kasi naging makulit akong P.A ikaw naman kasi eh, masyado kang pa fall! Ayan nahulog tuloy ako, masama lang niyan di mo ako sinalo. Pero wag kang magalala, pagbalik ko siguradong moved on na ako. Kapag nakahanap na ako ng taong willing sumalo sa akin sa paglahulog ko? Papakilala ko siya sayo. Bye Jack En Poy, ILY, Never forget."

PATAPOS na yung message nung narinig kong humikbi sya. Ayokong makita siyang umiiyak at kahit marinig man lang. Napahiga na lang ako sa kama, may naalaa tuloy ako.

*Glimpse of flashback*

"Mamita told me before, that if you love a person so much that you're ready to cry for that person pag nawala na siya sayo, humiga ka ang daw. At least babalik yung luha mo pabalik sayo. Ngayon kung nakahiga ka na at .. at magooverflow na yung luha mo at umalpas na, that only means you really really love that person. Like right now, nag overflow na yung luha ko and that's because i really really love my Mamita."

*End of flashback*

Kasi .. kasi ngayon? Umiiyak na ako, pero nag overflow na. Mahal ko na nga siya, bakit di ko agad napansin? Bakit di ko agad nasabi? Sana lang pagbalik niya, selfish na kung selfish pero .. sana di pa siya nakaka move on kasi ako? Di ko kalilimutan yung sinabi niya.

NAGULAT ako nung may pumasok sa room ko, si Mom with Dad.

"Mom .. Dad .." mula sa pagkakahiga ko, sinalubong ako ni Mom ng warm hug.

"Alam ko Hijo, Alam ko." Di ko na kinaya, bumigay na talaga ako.

"Mom.. *sniff* m-mahal ko na pala siya. B-bakit *sniff* di ko man lang nasabi? Bakit niya ako iniwan? D-dahil ba ipinagtanggol ko si Kat over her? M-mom, di ko naman sinasasyang sigawan siya. I admit, nasaktan ako sa sinabi niya, sa sinabi niyang magreresign siya. Parang di ko kakayanin, pero bakit ganun? Mas masakit pa pala na iniwan na niya ako..."

"Son come here." Si Dad. Nagulat ako nung niyakap niya ako, tinapik tapik niya pa yung balikat ko.

"You know what son? Im really proud of you, nagawa mo nang magmahal at magpakatotoo sa sarili mo. Siguro siya ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka ano? She's the reason why youre always smiling di ba? I'm thankful na dumating siya sa buhay mo. Binago ka niya, di ka na cold. Anak, magpakatatag ka son.. kapag nagmamahal? Nasasaktan, that's the most annoying part of loving someone."

"Thanks Dad." Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Dad, ngayon lang kami nagkaganto. Ngayon niya lang ako niyakap at pinagsabihan ng mga gantong bagay.

"Son, I'm really sorry if naging hadlang ako sa pangarap mo. Alam mo namang may tiwala ako sayo kaya ikaw ang gusto kong maghandle ng Company."

"That's okay Dad, I understand."

NAGULAT ako nung may pumasok ulit.

"And thanks to someone, ako na ang maghahandle ng Company! And Lil bro, congrats! Pumapayag na si Dad na tuparin ko yung pangarap mo." Sabi ni Ate Lauren. Napanganga ako nung marinig ko yun at nakita ko si Dad and Mom na nakangiti sa akin.

"That's true Jack I am now allowing you to follow your dreams, we'll support you no matter what."

"THANKS DAD!"

"FAMILY HUG!!!" Lauren

And there, we hugged each other. Sarap pala sa pakiramdam ng sinusuportahan ka ng family mo sa lahat ng happenings sa buhay mo. But the question is .. sino yung someone? Thank God kasi kahit onte, nabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

I.L.Y Never Forget (JaDine) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon