CHAPTER 9 - The past

27 1 1
                                    

"Febby, dito!" tawag sa akin ni Jade pagkapasok namin ng cafeteria. Pero ang kaninang masaya niyang mukha ay napalitan ng lungkot? Hmm, bakit kaya.

Lumapit na kami sa table niya. Ewan ba, pero napapansin kung balisa si Rid at Jade. Tsk, Na cucurious na ako huh? Pero kahit na ganoon, pinilit kung pagaanin ang sitwasyon.

"Kumusta ka Jade?" tanong ko kapagkuwan ng maupo na kami. Magkatabi kami ni Rid at kaharap namin si Jade.

"O-okey lang..." nauutal na sabi niya. Napansin ko naman na panakaw-nakaw ang tingin ni Rid kay Jade pati na rin si Jade kay Rid. Seriously, mukha silang natatae na ewan. HAHAHAH XD

"Good. Siya ng pala, meet Rid, my friend" kahit na medyo na ge-gets ko na may hindi tama sa setup na 'to ay pinakilala ko pa rin si Rid kay Jade. Malay niyo ako lang ang pala ang assuming.

"H-hi" bati ni Jade ng hindi nakatingin kay Rid.

Si Rid naman, deretso lang tingin niya kay Jade.

"Kumusta kana?" tanong ni Rid kay Jade.

"Im good..." sabi ni Jade at sa wakas ay tiningnan niya si rin Rid. "..ikaw?" balik tanong niya kay Rid.

"Medyo okey na.." sagot naman ni Rid.

"Aheeem..." tumikhim ako baka naman makalimutan nilang nandito pa ako. And then nakuha ko rin ang atensyon nilang dalawa. ..."mabuti pa siguro ay umorder na tayo noh?" sabi ko.

"Ah, ou." tapos tinawag na ni Jade yung crew.

"Bavarian milk tea sa akin" magkasabay na sabi ni Rid at Jade. Nakakatuwa silang tingnan.

"Im mean, hot choco.." bawi ni Jade "..anong sayo Febby?" baling sa akin ni Jade.

"Hot choco na rin" sabi ko nalang.

Parang may dapat akung malaman dito…

Erbeth Jade's POV

Kung literal na sumasabog ang tao dahil sa kahihiyan at sari-saring emotion? Kanina pa ako sabog na sabog!!! Argh! Nakakainis. Bakit ba kasi siya nandito? Kaya nga ako nakigpagkita kay Febby dahil iniiwasan ko siya. Eto namang si Febby, dinala pa dito. Pero I can't blame her naman, wala naman kasing ibang nakakaalam. PERO KAHIT NA!!!! ANG AWKWARD NG FEELING!!!!

Enhale Exhale T.T

Hanggang ngayon pa rin pala pareha's parin kami ng favorite. Napakasayang talaga. Sinayang mo lahat Rid.

Kung nagtataka kayo, Rid is my first boyfriend. And now my Ex. Naging kami nung 3rd year highschool. Masaya kami noong mga panahon na yun. Pero nasubukan ang relasyon namin. Nagkaroon sila ng relasyon ni Yhnna. Ang napakasakit pa, pinili niya si Yhnna kesa sa akin. Hind ko alam kung anong gagawin ko nung mga panahong yun. I feel so weak. sinubukan kung ipaglaban siya to the point na nagmakaawa pa ako sa kanya. Pero hindi niya ako pinakinggan. Matagal bago ako naka recover sa break-up na yun. Ang sakit-sakit lang. Pero kailangan kung ibangon ang sarili alang-alang sa pamilya ko at sa mga taong nagmamahal sa akin.

Say something (ON GOING CHAPTERS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon