Febby's POV
Nagising ako sa mahinang katok sa pintuan. Bago pa ako makatayo para buksan ang pinto ay bumukas na ito at pumasok si Zach.
"Gumising ka na, nakahanda na ang breakfast" deretsang sabi niya.
Waaaah! Ang aga pa ah, pag tingin ko sa wristwatch ko ay 5:30am palang. Seriously? ang aga namang mag breakfast ng mga tao dito. Promise antok na antok pa talaga ako dahil sa kahihintay ng tawag mula kay Jade o kay Rid man lang. Ano na kayang nagyari sa dalawang iyon. Tsk. Imbes na tumayo ay nagtalukbong ako ng kumot. Bahala ka sa buhay mo.
"Mauna na kayo…" antok na antok na sagot ko.
"Gusto tayong makasabay ni Dad" matigas na sabi niya
Arggghh!! Nak ng tokneneng!
"Febby?" tanong ng bagong pasok palang ni si tito marcus. Agad akung napabalikwas ng bangon at sinalubong siya. Anong klaseng mag-ama ba 'tong nakikilala ko? Napaka impossible nila huh? Ang aga pa kaya -.-
"Tito! Good Morning" bati ko sakanya. Nilapitan ko siya at nag kiss sa checks.
"Good morning rin, kumusta naman ang tulog mo?" tanong niya
"Okey naman po…" honest kung sagot "..medyo napuyat lang po ng konti, may hinihintay po kasi akung tawag kagabi" - ako
"Ganun ba? Boyfriend mo?" tanong ni tito.
"Naku hindi po. Kaibigan ko po yun eh" sabi ko.
"Wala ka pang boyfriend hija? Sayang naman, kung wala lang talagang girlfriend 'tong si Zach, matagal na kitang nireto sa kanya, sha-sha, mag almusal na tayo. Sumunod nalang kayong dalawa dun sa baba okey?" tumango nalang ako bilang pagtugon at magkasunod na umalis silang dalawa. Naiwan akung nakatunganga sa loob. What's with the heartbeat? At bakit parang nalungkot ako ng malaman kung may girlfriend na pala siya? Tsk. This is really, really REALLY BAD! Ano naman ngayon kung may girlfriend na siya? Anong pake ko? Hah! Bago pa ako mabuang sa kaiisip dito ay naghelamos na ako at bumababa.
Pagkababa ko ay nadatnan kung nagsisimula na silang kumain. Agad akung napaupo sa kaharap na upuan ni Zach. Bale ganito ang setup...
Ako
LAMESA Tito
Zach
"Sha nga pala Febby, gusto mo bang alagaan ang mga bulaklak dito? I mean to personally managed of it? I'll be away for a months para software convention namin sa US next week, sana hindi mo ikakasama yun, feeling ko naman kaya mong alagaan ang garden..." her dad offered. Seriously?? Ako talaga?? I can't believe it. Hindi ko mapigilang mapangiti tapos sumagot.
"Bakit ko naman po ikakasama yun eh pabor nga sa akin. Isa pong malaking priveleged sa akin ang inioffer nyu" sabi ko. Grabe lang ang saya ko. Ang kaninang antok na antok kung diwa ay napalitan ng pananabik. Yeheey!
"Pero dad, may hardinero naman tayo ah at tsaka nag-aaral pa si Febby" protesta ni Zach. Hindi ko alam pero feeling niya ayaw niya sa ideyang iyon ni tito kaya ako na ang sumagot.
"Okey lang naman sa akin Zach. Hindi ko naman aagawan ng trabaho ang hardeniro niyo bale tutulungan ko lang siya. At yung sa studies, every weekends lang naman ako dito eh. Promise, hindi ito makakaabala sa akin, okey lang talaga and I'n sure okey lang din sa parents ko." I explained. Magagalit talaga ako pag hindi siya pumayag .
Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot.
"Seryoso ka ba diyan?" paninigurado niya.
"Seryosong-seryoso ^_____^" sagot ko with a wide smile
BINABASA MO ANG
Say something (ON GOING CHAPTERS)
RomansaIt's nice to know that you were there Thanks for acting like you cared And making me feel like I was the only one It's nice to know we had it all Thanks for watching as I fall And letting me know we were done - My happy Ending Avril Lavigne Hi Gois...