EAN's POVKasabay ng walang tigil na pagtulo ng aking luha ay ang malamyos na haplos ng hanging amihan. Na tila ba'y pinupunas ang mga butil na walang pakundangan sa pag'uunahang dumausdos sa namamanhid ko nang pisngi. Kasabay ng hapdi ay ang kirot sa aking dibdib na mahirap ipaliwanag. Na para bang hinihigit ang aking paghinga. Sa bawat sinok ay ang ang paninikip na siya pang dahilan ng lalo ko pang paghikbi.
Nagtatanong sa mga asul na ulap, kung bakit? Bakit ganito kasakit? Paanong nangyari ang lahat? Bakit ni wala akong ideya?
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa katangahan! Ni hindi sumagi sa isipan ko ma mangyayari ang ganito!
" Ang tanga, tanga, tanga tanga mo Ean!! Ang tanga mo!" gigil kong impit na sigaw sa sarili ko. Ang mga kamay ko'y mahigpit na nakabuhol sa aking buhok na animo'y pilit kumakawala dahil sa bugso ng hangin.
"Bakit!? Bakit!?" paulit ulit kong tanong sa kawalan. Natatakot sa aking sarili dahil pakiramdam ko'y unti unti na akong tinatakasan ng katinuan.
Kung iisipin ko hanggang sa simula, para alamin ang sagot sa tanong kung bakit ay naroong mangingiti ako at bigla'y muli na namang iiyak!
Hahalakhak sa aking katangahan at muling maluluha sa nararamdaman kong awa sa sarili at kirot sa aking puso!
Mahigpit akong napahawak sa riles na pumapagitan sa akin at sa kawalan. Tanaw sa ibaba ang mga estudyanteng labas pasok sa gusali ng Centro Escolar University kung saan ako ay naroroon.
Naroong bumubulong ang demonyo sa aking isipan, ngunit ako'y napapailing dahil sa mas matimbang na pagmamahal ko sa Diyos.
Kung lilisan man ako sa mundong ito, hindi sa ganitong paraan! Paano nalang ang mga mahal ko, ang pamilya ko, ang mga kaibigan at kaanak kong maiiwan ko ng walang paalam? Paano na kami?At muli na namang bumayo ang sakit. Unti unti akong dumausdos sa riles at hinayaang lumupaypay sa sahig.
Nakakapagod umiyak! At magtanong ng paulit ulit ngunit walang sagot na nabubuo! Nakakabobo! Nakakabaliw!
"God? Bakit po ganito?" muli kong tanong na parang bu'ang. Nakahiga sa maalikabok at magaspang na rooftop. Ang aking braso ang nagsisilbing suporta ng akong kabilang pisngi. Singhot, sinok at hikbi ang nagsasalitang tunog na maririnig mula sa aking kasabay ng mga busina ng sasakyan sa ibaba. Natitikman ko na din ang alat ng aking luha!
"May nagawa po ba akong mali? Bakit niya po iyon ginawa? Ginawa ko naman po lahat ng alam kong makakabuti para sa amin! Pero bakit? Bakit po?" nagmamakaawang tanong ko na punung'puno ng desperasyon.
At sumagot ang langit! Nang bigla'y gumuhit ang kidlat na parang isang matalas na espadang sumugat sa mga kumpol ng ulap kasabay ng isang dagundong ng kulog!
Hindi ko napigilan ang mangiti!
"Galit ka din po? Sa akin o sa kanya?"At bigla pa ay naramdaman ko ang paisa'isang patak ng butil ng ulan sa aking mukha at katawan.
At hindi ko na nga napigilan ang tumawa! Humalakhak habang yumuyugyog ang aking balikat.
"Salamat! Salamat sa pagdamay!" sigaw ko ngunit nalulunod na sa malakas na buhos ng ulan.
Palakas ng palakas. Pinilit kong bumangon sa kabila ng panginginig ng aking mga tuhod. Iniunat ang aking mga braso upang damhin ang bagsak ng luha ng langit na nakikidalamhati sa aking pusong sugatan!
"Sige! Lakasan mo pa! Ibuhos ma na lahat! Lunurin mo na din ang sakit at ianod!" sigaw ko habang paikot'ikot na tumatawa't umiiyak sa malawak na espasyo na bihira lang ang nakakaalam.
BINABASA MO ANG
Ikaw
Teen FictionLet's make it taglish. "Ako, si Earl Bryne Cerna! Ang future law-maker niyo na magsusulong ng death penalty sa mga heart breaker!" Si Ean, broken hearted for the very first time. Sa taong akala niya nagbigay buhay sa minamahal niyang character sa m...