Chapter 5

9 2 0
                                    

Ean's POV

Nase'sense ko ang sari saring katanungang bumabagabag sa kaniya subalit mas pinili niyang manahimik at intindihin ako.

Hindi ba, ang sarap sa pakiramdam iyong ganito. Iyong alam mong may mga taong hindi ka iiwan, sasaktan o pipilitin. Iyong mga taong iinitindihin ka sa abot ng kanilang makakaya. Kahit gaano ka kakomplikado, mag'i'stay sila sa iyo.

God, I'm  so glad I  have them.

Unang usal ko sa pagmulat ko ng aking mga mata kanina.

Agad ko siyang hinanap. Pagkalinga niya kaagad ang unang hinanap ko. Na may kasamang takot na baka pati na rin siya mawala.

Sobrang guilty tuloy ako sa pakikitungo at naging pagtugon ko sa kaniya. Sa tuwing maalimpungatan ako ay ang tinig na niya na puno ng pag'aalala at pagmamalasakit ang naririnig ko. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Nakakapagpagaan ng damdamin ang bawat hagod ng palad niya sa likod ko. Bawat kilos ay pangako na hinding hindi niya ako iiwan at papabayaan.

Sana lahat!

At muli na namang sumikdo ang sakit sa aking dibdib. Nakakainis!

Ang unfair ko! Andito naman kasi silang nagmamahal sa akin ng totoo, bakit pa ako nag'aaksaya ng luha sa taong katulad niya!?

Tumikhim siya na nagpa'angat ng aking ulo.

“Kape? Nanlalamig na!” nakangiting sambit niya subalit may pag'aalinlangan sa kaniyang mga mata.

Napangiti rin ako sa isiping ngayong umaga lang yata hindi kami nagbabangayan!

Kumislap ang kaniyang mga mata sa aking pag'ngiti.

“Ayun oh, ganda natin ngayong umaga ah!” panunudyo niya sabay pisil sa aking ilong na paniguradong nangangamatis na. At gayundin malamang ang aking mga mata na akala mo'y bagong pisang pugo! Aagh!

Isang irap ang itinugon ko at kumalas sa pagkakayapos sa kaniya.

“Yeah, kinilig naman!” dagdag pa niya na lalo kong ikinangiti.

Nakakabwiset din diba, iyong may mapang'asar na kapatid sa ganitong mga eksena. Pero syempre, nakakagaan ng loob at the same time.

“Hmp, o sige, di niyo na ako bati!” bungad ni Yana sa pinto na may cute na pout sa mga nguso at nakabalot ang buhok ng tuwalya.

“Ha! Narinig mo iyon Ean! May nagsasalita!” pandidilat ni kuya na akala mo'y hintatakot talaga.

"Huwaw ha!"

"Hala! Kung sino ka man! Huwag kang manakot!" aniya pa at kumapit sa akin. Parang tanga!

"Ang yabang mo!" sabay igkas ng palad ni Yana sa braso niya.
"Ay, si Yana naman pala! Sindi mo nga kasi iyong ilaw Ean! Hindi ko tuloy siya nakikita!" Tudyo pa nito habang hinihipo ang parteng sinapak ni Yana.

“Aha! Kanino daw ako nagmana? Akala mo naman kaputian!” balik ni Yana na pilit inaabot ang tasa. At dahil masyado kaming biniyayaan ng tangkad,

“Kuya, ang sarap ng luto mo.” Pakindat nitong sabi. Nagkarerahan naman ang kilay ni kuya sa pag'angat.

“Wala akong pera, Negi!” sagot niyang naka'cross ang mga braso sa dibdib.

Ngumisi lang si Yana na animo'y  naglalaway na aso. “ Ang taas nung mug, diko abot!” pa'cute niyang sambit at lalo pang ngumisi.

Si kuya naman ang umirap, “Yan, yan! Yan iyong sinasabi ko, Negi na pandak pa! Ano to', sumpa?” maktol nito habang palapit sa cabinet at walang ka'effort effort na inabot.

Unfair talaga diba! Bakit kasi hindi lahat matangkad!

Napahigop na lamang ako ng kape dahil sa karagdagang iisipin.

“Thank you kuya kong saksakan ng hambog. Anyway, joke lang iyong masarap na part!” ngisi nito.

Nagkibit balikat lamang siya. “Okay lang, hindi naman sayang iyong magic sarap at muriatic na pinampalasa ko diyan.” Cool na wika nito tsaka lumabas ng kusina. Iniwan kami ni Yana.

“Niwala ka naman!” ani ko at umupo sa katapat niyang upuan.

Ngumiti lang siya ng simple, nag'aalangan din. Siguro dahil sa nangyari kagabi. Narinig ko kasi ang tinig niya bago ako nakatulog ng mahimbing.

Gustuhin ko mang mag'share sa kaniya ng mga girls talk, limitado sapagkat underage pa lamang siya. Hindi pa siya nararapat sa mga ganitong usapin.

Hay, sorry Yana for being a weak ate. Hindi mo dapat ako nasasaksihan sa ganoong kalagayan.

Usap ko sa aking sarili.

At para makabawi, ipinaghain ko siya ng mga pagkaing niluto ni kuya. Infairness, kuha niya timplada ko.

“May klase ka?”

“Ah, ou eh. Hanggang 12.”

“Pero uuwi deretso ako dito, promise.”

Na muling nagpangiti sa akin. Gusto niya akong samahan. Himala! Dati rati'y hindi kami nagkakatagalan ng isang oras na magkasama sa kadahilanang kung anu ano lamang ang pinagbabangayan namin. Lalo noong kami'y maliliit pa. Mapa'insekto, laruan, gamit at kahit tae eh pinag'aawayan namin.

Nakaka'flatter talaga na although wala siyang alam sa pinagdadaanan ko, eh handa siyang samahan at damayan ako!

Oh eh di ikaw na Ean! Ikaw na!

Pero, ganoon ba ako ka'vulnerable kagabi? At muli na naman akong napa'buntong hininga.

“Okay lang kung may ibang lakad ka pa.” paniniguro ko. Ayaw ko namang maperhuwisyo pa siya dahil sa pagdadalamhati ko. Tama na iyong pinag'alala ko sila at nakita iyong weakest point ko.

“Hindi, wala naman akong ibang lakad eh! Tsaka mas malakas ang signal dito.” Hirit niya.

“Ikaw din. Basta tawagan mo ako kapag ha.” Sagot ko na lamang sapagkat kitang desidido naman siya. Tsaka wala pa sila Mama at Papa kaya hindi siya puwedeng manatili sa bahay sa Fairview ng mag'isa.

Sa pagbalik ni kuya sa kusina ay ipinaghain ko na din siya. Nakasunod lang siya ng tingin sa bawat kilos ko, na madalas ay nasasagot ko ng irap dahil nako'conscious ako.

“Ayyyyy.. am I  interrupting some sort of fam bam here!!”

Tili ng panauhing hindi ko inaasahan. At take note, ng ganito kaaga!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon