Ethan's POV
“Kuya muntanga lang! Kanina pa palakad ng lakad eh!” reklamo ni Yana na nakalupasay sa sofa na bising'busy sa paglalaro ng MLBB.
“Manahimik ka! Maglaro ka lang diyan kung ayaw mong i'off ko iyang wifi!” ganting singhal ko sapagkat hindi ako mapakali.
Kung anu'ano na ang pumapasok sa isip ko sa pag'aalala.
“Relax ka lang kasi, maya maya nandi'diyan na iyon! Siyempre dalaga, malamang may date!” dagdag pang aasar pa niya na lalong gumagatong sa init ng ulo ko at kabang nararadaman ko.
Although may point siya, dalaga na nga naman siya. Pero iba eh! Parang may mali na hindi ko maipaliwanag. Sige ang aking paroo't parito at kada segundo'y sinisilip ang aking telepono kung may mensahe na bang galing sa kanya!
“tsk.. kanina pa nag'ri'ring eh! Hindi man lang sumagot!”
“Naku naman! Bahala ka nga diyan!” aniya't padabog na tumayo at nagtungo na sa aking kuwarto na pansamantala niyang tinutulugan.
“Hoy! Huwag ka munang matutulog ha!” pahabol ko.
“May klase ako bukas! Ang layo pa ng commute ko eh!” kumakamot sa ulong sagot niya.
“Ihahatid na lang kita!”
“Sa motor!!? Huh! Thanks! But no thanks my dear kuya!!” sigaw niya tsaka na tuluyang isinara ang pinto.
Napailing na lamang ako. Muling sinubukang i'dial ang kaniyang numero. Subalit wala paring sagot!
Kanina ko pa gustong lumabas at hanapin siya ngunit wala akong ideya kung saan magsisimula!Baka nga may date siya. Pangungumbinsi ko sa aking sarili! Tsk.. ano ka ba Ethan! Dalaga na siya oy! Sita ko sa aking sarili.
Pero..
May bahagi ng utak ko ang ngsusumigaw na may mali. May hindi maganda!
Pinilit ko paring kalmahin ang sarili at humiga sa sopa na nagsisilbi kong tulugan pansamantala.
Ipinikit ang aking mga mata at ipinatong ang braso sa ulo.
Ilang minuto pa'y naalimpungatan ako sa kaluskos sa pinto kasunod ng matinis na ‘ping' sa lock ng pinto.
Doon lamang ako nagpakawala ng mahaba at maluwag na hininga. Sa wakas! Thanks God! Taimtim kong usal na hindi parin kumikibo.
Pinakikiramdaman ang taong dumating.
Sumisinghot singhot ito kaya unti unti akong bumangon at tumingin sa kaniyang direksyon. Sapagkat malamlam ang ilaw na nagmumula sa lamp shade, pawang anino lamang siya na aking namamasdan at dahan dahang kaluskos ng pagtanggal niya ng sapatos ang maririnig.
“Ehhem!” pekeng paubo ko.
Agad siyang lumingat at inaninag ako.
Subalit hindi siya umimik. Talagang may kakaiba! Giit ng aking isip.
“Napa'aga ka yata ngayon?”
Subalit wala paring sagot. Tumuwid ako at akmang lalapitan siya.
“Pagod ako!” tipid na sagot niya na nagpatigil sa aking paghakbang.
Garalgal ang kaniyang boses na animo ay galing sa pag'iyak. At para ding may sipon. Lalo lamang akong kinabahan.
“May sakit ka ba?”
Walang sagot. Nakakairita!
“Ean!”
“Huwag ngayon" simpleng tugon niya at akmang papasok na sa kaniyang kuwarto. Agad kong ini'on ang ilaw na at tila ba binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang makita ang kaniyang kabuuan!
BINABASA MO ANG
Ikaw
Teen FictionLet's make it taglish. "Ako, si Earl Bryne Cerna! Ang future law-maker niyo na magsusulong ng death penalty sa mga heart breaker!" Si Ean, broken hearted for the very first time. Sa taong akala niya nagbigay buhay sa minamahal niyang character sa m...