CHAPTER 2

44 1 0
                                    

'True friends are always there for you. fake friends only appear when they need something from you.'

Akala ko magiging mahirap saakin itong pagpunta ko dito na malayo sa mga magulang ko .ngunit nagkakamali ako dahil ng makilala ko ng lubos si Pandora ay hindi na ako nakakaramdam ng magisa lang ako sa buhay.

Ang bait rin niya at maintindihin .at lagi rin kaming magkasabay tuwing magaaral kami dito sa kumbento .dahil sa susunod na linggo pa magsisimula ang klase .

Ngayong araw na ito ay pupunta kaming palengke dahil may inutos saamin si Sister Sally,. Inutusan niya kasi naming bumili ng Isda at gulay para sa uulamin namin mamaya .pagkatapos naming bumili ,ay  pumunta nalang rin kami ng Mall may bibilhin daw kasi si Pandora .

Habang naglalakad kami papasok sa mall ay palingon lingon ako sa bawat nadadaanan namin. May nakita rin akong malaking TV at meron ding mga magagandang damit .ngunit ang mamahal naman.

"Pandora ano pala yung bibilhin mo.?" Tawag pansin ko sa kanya .dahil kanina pa siya parang may hinahanap .

"Bibili ako ng Bagong damit"humagigik niya sagot at nagpatuloy "may sales kasi nila ngayon. Mababa lang yung presyo."

Pumunta kami dun sa sinasabi niyang bibilhan ng damit .at ang gaganda  ng mga damit nila .kaya lang tag isang daan naman .singkwenta lang yung natitirang pera ko na bigay saakin ni nanay .

"Hoy Elara bili ka rin."

Napakamot ako ng batok "kulang yung pera ko eh."nahihiyang sabi ko.

"Ilan ba ang pera mo diyan?."tanong niya.

"Ahm singkwenta."

"Kung ganon pili ka na ng damit  ako nalang ang magbabayad pautang ko sayo."nakangiti niyang sabi"wala na kasing Libre sa mundo ehy."pagpapatuloy niya

Natawa naman  ako sa sinabi niya. At Binili ko nalang rin ang damit na sinasabi niya, kulay asul ang  pinili ko.

Pagkatapos naming bumili ay papalabas na sana kami ng mall ng may makabangga ako sa  at  tumilapon yung hawak ng nakabangga ko, nawalan ako ng balanse kaya matutumba naako at akala ko ay sasaluhin niya ako gaya nung ginagawa sa wattpad yun pala yung bagay na tumilapon yung sinalo niya.

Kaya ayun bumagsak ako .ang sakit ng pwet ko. At ang walangya nilampasan lang ako di man lang nagsorry .

"Hoyyyyyyyy !!!"sigaw ko sa lalaking nakabanggaan ko. Tumigil siya sa paglalakad at Lumingon  siya  sakin. Tinanggal niya ang suot na shades. .at napatulala ako ng makita ko ang mga mata niya ,kulay asul ang mga yun ,ang perpekto rin ng mukha niya ,siya na yata ang pinakagwapong nakita ko .kaya lang pangit ang ugali niya.

"Look I'm not sorry for what happened ,huwag ka kasing tatanga tanga at tumingin ka sa dinadaan mo.!"walang emosyon niyang sabi at umalis na ng tuluyan .kahit anong sigaw ko hindi na siya lumilingon. Hmppt Antipatiko.
.

Tinulungan akong makatayo ni pandora"ayos ka lang?" Nagaalalang tanong niya.

"Oo medyo masakit lang yung pwet ko.  Tara uwi na tayo"

"Sige "sagot niya.

Habang pauwi na kami ay di pa rin nawawala sa isip ko yung antipatikong lalaki kanina 
Sino kaya ang lalaking yun.

Yun pa rin ang iniisip ko hanggang sa makauwi kami

The End Of UsWhere stories live. Discover now