CHAPTER 3

31 1 0
                                    

'Life is not measured by the breaths you take, but by its breathtaking moments'


Isang linggo na ang nakakalipas Simula nung makabanggaan ko ang lalaking Antipatiko na yun. Pagkauwi kasi namin nun ay nasermunan kami ni Sister Sally kasi gabi na kami nakauwi at wala pang nalulutong ulam.

Ngayong Araw naman ay Simula na ng aming klase at ang Napili namin ni Pandora na University ay Galexia Cortellos University.
Magaling daw kasi magturo ang mga guro dun.

Kaya heto kami sa labas ng gate ng eskwelahan .ang ganda rin ng uniporme nila . long sleeve na white yung pang itaas na may necktie at sa dulo nun ay may dalawang linyang kulay itim. Kaya lang maiksi yung palda hanggang hita lang kasi . tas itim rin ang kulay nito.

Pagpasok namin ay inenspection muna kami ng guard kung may Id ba kami o walaNo ID No Entry. Kasi ang rules .

Kawawa yung mga nakalimutan yung iD hindi na makakapasok .pati rin kapag na Late ka . Kaya maaga kaming pumunta dito ni Pandora ayaw kasi naming ma late.

Tamang tama pagpasok namin ay nakarinig kami ng malakas na sigawan at tilian ng mga estudyante sa hallway. Nagkukumpulan silang lahat at tila ba may pinapanood silang palabas kaya naman nakisiksik rin ako gusto ko kasing makita kong bakit nagkukumpulan sila.

The End Of UsWhere stories live. Discover now