CHAPTER 5

37 1 0
                                    

'If you think reality is just living comfortably and following your own whims, can you seriously dare to call yourself a soldier.?'


Ang mga pagbabala niya sakin kahapon na gagawin niyang miserably ang buhay ko ay nagsisimula na ngayon .dahil kararating ko lang ng paaralan ng may bumato sa akin ng baseball at tumama sa ulo ko .nawalan ako ng balanse sa lakas ng impact. At napahiga ako sa malamig na semento ng hallway.
Iniangat ko ang ulo ko at kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakita ko parin sa mga mata ni Pandora ang Gulat at Pagalala.
At parang may sinasabi siya sakin pero di ko gaano maintindihan dahil nakapokus ang pagiisip ko sa sakit ng aking ulo .

Hindi ako pwedeng mawalan ng Malay baka iisipin ng lalaking iyun na talunan ako .na madali lang akong mapabagsak .kaya ang ginawa ko pinilit kong makabangon, tinulungan naman ako ni Pandora sa pagtayo ko hinawakan niya ang mga balikat ko dahil medyo Malabo pa ang paningin ko. At nahihilo rin ako .

Ng medyo kaya ko na ay humiwalay ako sa kanya at hinawakan ang likod ng ulo ko at parang may basa  doon .tiningnan ko naman kong ano yun.

At parang mabubuwal ako sa pagkatayo ng makitang dugo ito. Dumudugo yung ulo ko. Paglingon ko kay Pandora ay nagaalala na siya sakin ng sobra ng makita ang dugo sa mga kamay ko.

The End Of UsWhere stories live. Discover now