Each moment of a happy lover's hour is worth an age of dull and common life.'
Sa mundong ginagalawan natin ay walang permanenting bagay na mananatili. lahat pwedeng magbago lahat pwedeng palitan ng kung ano ano .dati ang pangit pa ng probinsya namin dahil sa tuwing umuulan ay maputik ang daanan pero ngayon ay nagbago na ang dating maputik na Daan tuwing umuulan na mahirap daanan ng malalaking sasakyan ay nadadaanan na ngayon . dahil senimento na ng mayor namin .
Katulad ngayon nagtapos na ako ng Highschool at kailangan kong magpunta sa San Felipe Zambales para ipagpatuloy ang pagaaral ko kung saan naron ang Magpapaaral sakin .wala kasing pera ang Mama ko at ang papa ko naman ay isang magsasaka at halos buong araw ang uulamin lang namin ay asin at tuyo. dahil mahirap lang kami tas kelangan pang pagaralin ang mga kapatid ko .kaya dapat akong makapagtapos para makatulong ako sa pamilya ko.
Kaya naman ngayong araw na ito ako aalis sa probinsya namin. At kahit naninikip ang dibdib ko at mamimiss ko sila ay kailangan ko paring umalis .ito nalang Kasi ang huling alas ko sa buhay.
"Anak magiingat ka dun ah mamimiss ka namin at lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng papa at mga kapatid mo."Sabi ni nanay na ngayon ay lumuluha na na nagpapaalam saakin sa sakayan ng bus . at Kahit labag sa loob nila ay kailangan ko parin ang pumunta doon.
"Opo nay magiingat po ako palagi at .mamimiss ko rin po kayo ng sobra.at kayo rin po dito ina lagi niyo pong inagatan ang pangagatawan niyo .at mas mahal na mahal ko po kayo."naiiyak kong sabi .sabay yakap sa kanya ng mahigpit . dahil ito na ang huling araw na makakasama ko sila .at pagakatapos kung yakapin si ina ay humarap ako kay itay na ngayoy hindi makatingin saakin. At ayaw ako kausapin.
Nanikip ang dibdib ko sa inasal ni itay pero naiintindihan ko naman kung bakit ganyan ang inaasta niya pero Lumapit parin ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at siyaka nagpaalam .yun din ang ginawa ko sa aking mga kapatid .at siyaka nagpaalam na ako sa kanila kasi dumating na ang bus na aking sasakyan papuntang manila.
Pagkaupo ko sa upuan ay tinuyo ko ang mga luhang nagsilabasan sa aking mga mata. At ngumiti ng mapait .sigurado akong mamimiss ko sila ng sobra sobra.
Anim Araw ang naging biyahe ko papuntang manila at walong oras naman papuntang San felipe Zambales kung saan dun naako titira .ang titirhan ko ngayon ay isang kumbento. Tama nga ang kwento sa akin ni nanay na napakalaki ng kumbentong ito at napakarami ng mga gusali. Kung maganda ang sa labas ganun din ang nasa loob nito. Ang linis ng paligid at napakasarap ng ng simoy ng hangin.
"Elara Andromeda"
Napatigil lang ako sa pagmamasid sa buong paligid ng may tumawag saaking pangalan. Paglingon ko ay nakita ko ang isang matandang madre na sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na siya."ikaw ba si Elara Andromeda Pareño?"tanong niya ulit na nakangiti.
Ngumiti rin ako pabalik sa kanya at sumagot."opo ako po."Ngumiti na naman siya at saka nagulat ako sa sunod niyang ginawa niyakap niya ako at binati.
"Maligayang pagdating Elara Ako nga pala si Sister Madrid ang punong madre sa kumbentong ito"
"salamat po Sister Madrid. At pasensya na sa aking inasal."
"Ayos lang iyon, halika hija ihahatid na kita sa iyong magiging silid."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay nagsimula na siyang naglakad ..Sa mga nadadaanan namin sa paligid ay hindi ko maiiwasan ang mamangha. Sa aking mga nakikita pagkatapos ay pumasok kami sa pinakahuling gusali .na MA's malaki pa kesa sa Barangay namin.. Lumiko muna kami pakaliwa ni sister Madrid at pumasok sa pinakahuling pinto. Sa pag pasok namin ay napanganga ako sa ganda .
Isa pala itong kwarto. Kung ikukumpara ito sa bahay namin hindi pa iyon kumakalahati sa sobrang laki. Meron siyang dalawang kama at ang isang kama ay inuukupa ng magandang babaeng nagbabasa
. Tumingin saakin ang punong madre siyaka ngumiti
"Elara dito ang iyong magiging silid at makakasama mo sa silid na ito si Pandora"nilingon ng punong madre yung Pandora
"Pandora siya ang makakasama mo dito sa kwarto." Tinuro ako ng punong madre"siya si Elara"pagtutuloy niya at pagkatapos nun ay nagpaalam na ang punong madre sa amintumingin namn sakin yung Pandora at ngumiti siyaka siya Lumapit saakin at binati ako.
"Hi ang pangalan ko ay Pandora Barltoliño.ikinagagalak kong makilala ka"nakangiti niyang sabi at at nakipagkamay siya sakin. Tinanggap ko naman yun at nag shakehands na kami.
"I'm Elara Andromeda Pareño ikinagagalak ko rin na makilala ka"
"So ahm pwede ba kitang maging kaibigan ?." Nahihiya niyang tanong
"Oo naman"nakangiti kong sabi at nagulat ako ng magtitili siya at niyakap ako.
Napangiti na lamang ako dahil sa inasal niya.

YOU ARE READING
The End Of Us
RandomHe Loves her more than himself ,he's Afraid to lose her. and he totally gone crazy when she said those 6 Words ,and 16 Letters 'this is the end of us' Started:October 17 2019