Alynna's POV
Kinakabahan ako at excited dahil araw na ng pasukan pero hindi parin maalis sa isip ko na sa lugar na ito ay posible ang magic.
"Alynna tara na baka ma-late ka pa" Pag-aaya ni Ate.
"Sandali nalang Ate malapit na ako matapos" Sabi ko habang nag-aayos ng sarili.
Nang matapos na ako mag-ayos ng sarili sumakay na ako sa kotse pero habang nagmamaneho papuntang Phantasm Academy may sinabi agad sakin si Ate.
"I forgot to tell you something, bago ka nga pala makapasok sa academy may pagdadaanan ka munang trials para malaman ang lakas mo" Ani niya.
"You mean I will fight? But I don't know how to fight" Sabi ko.
"Wag kang mag-alala sigurado akong makakapasa ka doon and about fighting sakop din ito ng kapangyarihan mo lalo na sa Physical Combat, remember when you had a fight with Alicia's group? Natalo mo sila lahat pero may limitasyon din eto kaya ka nawalan ng malay noon" Sagot niya.
Bahagya akong nalungkot dahil bigla ko ulit naalala ang mga nangyari noong wala pa kami sa Gaea City dahil hindi ko rin inaasahan na makakasakit ako ng iba tulad ng pagtilapon ni Alicia noon.
"Ganun ba Ate, kaya pala parang may sumapi sa katawan ko. Oo nga pala bakit noong habang nakikipaglaban ako bigla kong nasabi na sanay ako sa digmaan?"
Tanong ko."Masasagot yang mga katanungan mo pagdating mo ng academy at ito ang libro tungkol sa lightning moves dahil sakop din ito ng kapangyarihan mo pero mas magandang isang move muna ang gawin mo para hindi magtaka ang iba" Seryosong sabi ni Ate.
Nagtaka ako sa sinabi ni Ate pero tama din siya dahil sa academy ko mas makikilala ang sarili kong kapangyarihan at kailangan ko ring mag-ingat.
"Andito na tayo Alynna mag-ingat ka lang lagi at huwag mo ibigay ang lahat ng lakas mo dahil mahahalata ka nila na may taglay kang Goddess Phantom dahil mapapahamak ka lang" Dagdag niya.
Ngumiti at tumango nalang ako at dali-daling pumunta sa academy. Pagpasok ko sa loob ay lubha akong namangha sa laki nito pero may narinig akong ingay ng mga estudyante.
Pinuntahan ko kung saan nanggaling ang ingay napunta ako sa training grounds ng academy at pagkarating ko doon maraming estudyante ang nagsisigawan kaya nagtanong ako sa isang estudyante kung ano ang nangyayari.
"Kuya Pogi..." Sabi ko pero madaming lalaki ang tumingin sakin.
"Hala mga feeling pogi ba naman tong mga toh pero hindi manlang tumingin si kuya na tinawag ko na talagang seryoso sa panonood" Sabi ko derekta sa isip.
Nadismaya ang mga lalaki na feeling pogi dahil pinuntahan ko parin ang lalaking seryosong nanonood.
"Uhmm kuya ano meron bakit parang may gulo ata?" Tanong ko sa kanya pero hindi ako pinansin.
"Kuya?" Tanong ko ulit.
"Ano ba! Nanonood ako dito gagambalain mo ako. Tungkol sa tanong mo ito ang trial para malaman ang lakas mo at kung saan ka malalagay na room... ano ok na ba?!" Sigaw niya.
Ang gwapo pa nga naman ni kuya pero ang sungit naman. Pagkasabi niya na tungkol ito sa trial ay napatingin ako sa naglalaban.
"Kung ganon kalaban pala namin ay mga teachers dito" Sabi ko.
Nakita ko ang isang estudyante na nasa loob ng trial ngayon hirap na siya makipaglaban dahil nawalan na siya ng lakas at kapag pinagpatuloy niya ang laban maaari siyang mawalan ng malay.
"Kaya mo pa ba?" Tanong ng teacher na kalaban ng estudyante.
"O..opo Sir Clyde kaya ko pa po" Nahihirapang sagot ng estudyante.
BINABASA MO ANG
Phantasm Academy: School of Transmutation
FantasySiya ay si Alynna Montegro, isang babaeng ordinaryo pero nang mas nakikilala na niya ang sarili niya o ang taglay niyang kapangyarihan ay mas nagiging delikado na ang kaniyang buhay. Pero dahil sa isang lalaki na laging nandyan sa tabi niya at hin...