Alynna's POV
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon ni Zoey basta ang sabi niya magiging masaya daw ito.
"Alynna nandito na tayo tara pasok na tayo" Sabi ni Zoey.
Napunta kami ngayon sa pinakadulo ng academy at ang papasukan namin na room ay may nakalagay na ONLY AUTHORIZED STUDENTS sa pintuan.
"Sigurado ka bang dito tayo? Pati tignan mo yang nakalagay sa pintuan hindi pa tayo nakahingi ng pahintulot" Sabi ko.
"Sigurado ako at makakapasok ka lang diyan kapag meron kang MPS card" Sagot niya.
Kaya pumasok na kami sa loob at may nadatnan kaming isang lalaki na para bang may inaayos sa MPS card niya.
"Anong ginagawa niya sa card niya?" Tanong ko.
"He is testing it if the editing is successful" She answered.
"So ang machine na iyon ang gagamitin natin para ma-edit ang cards natin?" Tanong kong muli.
"Yes we will use that machine to edit our cards" Sagot niya.
Nang papunta na kami sa MPS Card Machine para ma-edit ang cards namin ay biglang nagliwanag ang hawak na card ng lalaki at bigla itong nagbagong anyo na Bling o kwintas at ang hugis na nakasabit dito ay isang Trident na maliit. Pagktapos nito ay nagbagong anyo ang lalaki.
Labis akong nagulat sa nangyari dahil naging ganito bigla ang lalaki. Pero pagkatapos ng ilang segundo ay bumalik sa dating anyo ang lalaki.
"Hmm hula ko itong anyo ay Poseidon Phantasm? At napili mo ang Water Horse" Tanong ni Zoey.
"Oo ito ay Poseidon Phantasm na kayang kontrolin ang water and storms" Walang emosyon niyang sagot ng lalaking may suot na kwintas. "Ako'y mauna na sa inyo" Dagdag niya.
"Poseidon Phantasm? Diba God Phantom yun?" Tanong ko.
"Oo hayaan mo na yun, tara na gawin na natin ang dapat gawin natin sa card!" Masaya niyang sambit.
Siya ang unang naglagay sa machine ng card niya at pagkalagay niya nito, maraming lumitaw sa screen ng machine.
"Objects, Colors, Informations, Assistants" Pagkabasa ko sa screen.
Unang pinindot ni Zoey ang Object at napili niya ay isang Crescent Moon at ito ay nasa isang korona at sa taas ito nakalagay. Pinindot naman niyang muli ang Color at pinili niya ang kulay silver.
"Matanong ko lang bakit Crescent Moon ang napili mo?" Tanong ko.
"Because the moon also symbolizes my Bow" Sagot niya.
Nilagay na niya ang kaniyang informations at nakita ko dito na isa din siyang Goddess Phantom at nandito ay ang Artemis Phantasm.
"Artemis? Diba magkapatid sila nila Apollo in Greek Mythology?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Phantasm Academy: School of Transmutation
FantasySiya ay si Alynna Montegro, isang babaeng ordinaryo pero nang mas nakikilala na niya ang sarili niya o ang taglay niyang kapangyarihan ay mas nagiging delikado na ang kaniyang buhay. Pero dahil sa isang lalaki na laging nandyan sa tabi niya at hin...