Alynna's POVBecause I've been unconscious In the past few days I didn't know that a man that was surrounded by the light is the one that brought me back here to my Sister's house.
"What? Isang panaginip lang pala yun? Good thing that it wasn't true but something is weird within my body" Pagkasabi ko sabay hinga ng maluwag.
Papunta na sana ako sa pintuan ko palabas pero may narinig akong dalawang tao nag-uusap sa labas kaya mas pinili ko munang makinig sa kanila.
"Hindi.. Hindi pwede dito lang si Alynna! Alam kong nasa dugo niya ang isang Goddess Phantom pero mapapahamak lang siya, lalo na nasa kaniya si Athena!" Sigaw ng isang babae.
"Teka si Ate Milla yun ah, sino naman kaya ang kausap niya at ano ang Goddess Phantom?" Tanong ko derekta sa isip ko. "Huh? A..Athena?! E..eto yung sinabi ko sa panaginip ko, totoo ba ang mga iyon?!" Sigaw ko. Pero narinig nila Ate ang sigaw ko kaya agad-agad umalis ang kausap niyang lalaki ng may mabilis na pamamaalam.
"Mrs. Malwiege ahmm Montegro po pala, pasensya na po. Hindi pa niya ganoon kaya makontrol ang kapangyarihan niya pero magagabayan siya sa Academy sa paghawak ng kaniyang kapangyarihan... Sige na po mauna na ako" Tugon ng lalaki. Sabay biglang alis ng lalaki. Bigla-bigla nawala na parang bula ang lalaki. Pero hindi ko narinig ang sinabi niya.
"A...Alynna gising ka na pala! Halika na kumain ka na dito, bilisan mo habang mainit pa" Masayang pagkakasambit ni Ate.
~~Milla Montegro... Age 26, Brown Haired, mas maikli ang pasensya kaysa kay Alynna pero mas kontrol nito.. Maalaga kay Alynna, handang ipagtanggol ito.~~
"Ate puwede po ba magtanong?" Tanong ko. "Alynna eto pinaghanda kita ng paborito mong ulam!" Pasingit na sabi ni Ate.
"Ba't parang hindi pinapansin ni Ate yung tanong ko? I'll just change the question and first of all magic isn't true, bakit ko pa tatanungin ang bagay na iyon.. pero mukhang may tinatago nga si Ate sa akin" Tanong ko derekta sa isip ko.
"Ang lalim naman ng iniisip ng mahal kong kapatid! Ikain mo nalang yan, mamaya aalis tayo meron tayong pupuntahan na kung saan mas nararapat para sayo" Nakangiti na may halong pagkalungkot sa tono ng boses.
Mas nararapat sakin? "Sige po Ate tungkol nga po pala sa..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nauna na sa kwarto si Ate. Pagktapos kong kumain naka ready na ang gamit namin pang-alis.
Habang nagmamaneho si Ate napapa-isip lang ako na bakit hindi manlang napapagod kakamaneho, sa haba ng biyahe ako pa ang mas pagod. "Malayo pa ba Ate?Antagal na natin sa biyahe" Tanong ko.
"Maghintay ka lang malapit na tayo" Tugon niya.
"Pero kanina pa ninyo sinasabi na malapit na tayo" Pagrereklamo ko pero tinitigan nalang ako ni Ate sabay pagngiti.
Buong maghapon akong tulog sa haba ba naman ng biyahe sinong hindi aantukin. Paggising ko bigla kaming napunta sa kagubatan, tinignan ko ang cellphone ko pero walang signal kaya hindi ako matutulungan ni Google Map ngayon.
Nagtanong ulit ako "Ate malapit na ba tayo?". Agad na sumagot si Ate "Oo nandito na tayo" sabay ngiti".
Bakit dito pa sa kagubatan sa bundok, nainis na ba sa'kin si Ate kakatanong ko kung malapit na ba kaya iiwan na niya ako dito sa gubat?
"Ate malapit na ba tayo?" Bigla kong tanong. Hala! Natanong ko nanaman baka patayin na ako ni Ate sa inis!
"Hay nako kahit napilitan lang ako dahil kay Alynna nakakamiss na din pala ito" Bulong ni Ate sa sarili pero narinig ko ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Phantasm Academy: School of Transmutation
FantasiSiya ay si Alynna Montegro, isang babaeng ordinaryo pero nang mas nakikilala na niya ang sarili niya o ang taglay niyang kapangyarihan ay mas nagiging delikado na ang kaniyang buhay. Pero dahil sa isang lalaki na laging nandyan sa tabi niya at hin...