Ako si Alynna Montegro, 19 yearsold. Third year taking Business Agriculture. Isa lang akong ordinaryong babae, nag-aaral sa isang university malapit sa bayan namin.
~~ Platinum Blonde Haired. Mahiyain, mabait din naman, generous, matapang, at minsan maikli ang pasensya. Hobbies ko wala basta makapagtapos dito sa university.~~
Maraming nang bubully sa akin dito dahil isa akong loner at Oo tama ka mahirap lang kami pero maykaya naman. Ang nakakainis lang ay like ugh! Wala man lang gustong makipagkaibigan sakin.
Habang naglalakad papunta sa cafeteria may naririnig akong nagtatakbuhan papalapit sa akin. "Hoy Alynna! Ba't di mo pa nagagawa yung pinagawa namin sayo!" Sigaw ni Alicia na kaklase ko.
"Umm... sorry talaga medyo busy lng ako" nanginginig kong sabi.
"Any reason is unacceptable! You know who I am, isa ako sa hinahangaan ng mga tao at nirerespeto. You should face punishment" Galit na tono niya.
"Sorry na talaga diko lang talaga magawa kahapon dahil sa dami na pinapagawa sa akin" sabi ko.
"Walang sorry sorry! Punishment is a punishment understand!?" Sigaw niya.
"Porket isa kang mayaman na tao ganyan ka na sa iba. You should think twice before you speak! Dahil isa ka lang famous or whatever akala mo ang taas taas mo na sa amin!" Pag wawalkout ko. Pero biglang may humigit ng braso ko.
"How dare you say that to me!" Kasabay ng isang sampal.
Hindi ko na mapigilan ang inis ko sa babaeng ito, sana lumipad na lang siya palayo sa akin para tumahimik na itong buhay ko dahil sa mga kagagawan niya.
Isang sampal ang papunta sana sa pisngi ko pero may biglang isang force na nagtulak sa kanya palayo. Nagulat ang ibang mga estudyante sa nagawa ko kay Alicia. Wala nang nagawa ang grupo ni Alicia kundi ang buhatin siya at tumakbo palayo.
"Anong nangyari! Bakit bigla nalang tumilapon si Alicia sa harap ko?! Hindi ko ginustong masaktan si Alicia why is this happening!" Gulat kong pagkasambit sabay pagtakbo palabas ng university.
Mas ikinagulat ko paglabas ay inaabangan na ako ng mga grupo ni Alicia.
"A...Alicia ikaw pala pasensya na sa nagawa ko kanina hindi ko inaasahan iyon" Panginginig kong pagkakasambit sabay biglang pagsigaw ni Alicia "Hindi kita mapapatawad! You'll pay for this! Sige na bugbugin na sya!" Utos niya sa mga kasamahan niya.
"Please! I'm sorry, gagawin ko na lahat ng iuutos mo! Pero kung ayaw mo padin ay hindi na ako papasok sa university na ito huwag mo lang ako saktan! Please" Sa labis na kaba hindi ko na alam ang mangyayari sa akin, pero may biglang dumaloy sa isip at katawan ko na kaya ko silang talunin ng mag-isa, parang mas lumakas ako, I became more wise! Alam ko sa sarili ko that I can defeat them all and I had a strategy to defeat them.
"Ano pang hinihintay niyo? Bilisan niyo at bugbugin nyo na siya!" Galit niyang sabi.
Pasugod na ang mga kasamahan niya pero bigla silang napatigil at nakaramdam ng nakakatakot na aura, pero tinuloy parin nila ang pagsugod papunta sa akin.
May isa sa kanila na malapit na akong masuntok pero na counter attack ko siya. "Ha? I don't know that move pero... paano ko nagawa iyon?"Derekta sa isip ko.
Sunud-sunod na pag-atake ang ginawa nila sa akin pero lahat ay nailagan ko lang at hindi manlang ako nasaktan! Ang astig diba?
"Karate ba tong ginagawa ko? O nag ba-ballet lang ako?" Pagtataka ko dahil halos lahat ng ginawa kong move puro iwas at counter attack.
Pero may isa sa kanila na bumabato ng mga bato, may isa na malapit nang tumama sa akin pero dali-dali akong kumuha ng mga maliliit na patpat with no any reason why I am getting this useless things. Pagkatapos kong makuha ang mga ito ay malapit na tumama sa akin ang isang malaking bato. Ang akala ko ay tuluyan na itong tatama sa akin pero ang mas ikinagulat ko ay dahil sa mga patpat knina na nakuha ko ay naging isang shield na ito that blocked the big rock towards me.
"H...how did I made this? Una kanina may biglang force na lumabas sa akin tapos ngayon yung mga patpat knina naging shield?!" Gulat kong pagkakasambit. "Kailangan ko na itong tapusin ngayon" Sambit kong muli.
May tatlong pasugod na sa akin pero bigla may pumasok sa isip ko na dapat kong isigaw. "Athena Phantasm! Solid Shield Crush!" Sigaw ko. Ha? M-may komokontrol ba sa akin?!... Laking gulat ko nalang nang ang tatlong sumugod sa akin ay biglang nawalan ng malay. Basta ang nasa isip ko lang ay sanay na sanay ako sa digmaan.. A...Anong digmaan? I'm clearly being possessed now!
"Anong nangyayari? Ba't nagsisitakbuhan na kayo?!..." Sigaw ni Alicia. "B...bakit bigla nalang nawalan ng malay ang mga kasamahan ko? Alynna! You're a monster! Halimaw paano mo ito nagawa sa amin!" Sigaw muli ni Alicia.
Bago pa man ako makapagsalita ay may isang lalaki ang lumitaw sa gitna. Nang malapit na ako mawalan ng malay dahil sa pagod ay biglang nagliwanag o nag flash ang buong paligid... tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Phantasm Academy: School of Transmutation
FantasiSiya ay si Alynna Montegro, isang babaeng ordinaryo pero nang mas nakikilala na niya ang sarili niya o ang taglay niyang kapangyarihan ay mas nagiging delikado na ang kaniyang buhay. Pero dahil sa isang lalaki na laging nandyan sa tabi niya at hin...