Chapter 1

21 0 1
                                    

10:45  pm.

Kanina pa ako naghihintay dito.

Inayos ko muna ang malaking telescope na ibinigay ni Daddy sa akin. Pinunasan ko ito gamit ng isang tuyong basahan. Ayokong masira ito dahil alam kong binili ito ni daddy sa napakalaking halaga. Nang matapos ko itong punasan ay tumingin muli ako sa kalangitan.

Wala parin.

"Reigan! Hindi ka pa kumakain. Bumaba ka na. Tama na yang kakatunganga mo sa langit. " sigaw ni Ate Iradessa. "Opo ate! Bababa na!" matamlay kong sagot.

Pagkatapos kong kumain, mabilis kong hinugasan ang mga pinggan at natutuwa akong bumalik uli sa kwarto ko. Natapilok pa nga ako sa kalagitnaan ng hagdan dahil sa sobrang pagmamadali ko.

Labis akong natuwa nung nakita kong nagsisimula na ang meteor shower sa kalangitan. Dali-dali akong pumwesto sa balkon at umupo habang ginagamit ang malaking telescope na bigay ni daddy.

"Wow. Ang ganda" nasambit ko habang patuloy na pinagmasdan ang mga meteorites na nagliliyab. Sa totoo lang hindi naman talaga literal na nahuhulog na mga bituin ang 'Shooting Stars' eh. Mga meteorites yan sila na nasusunog dahil sa sobrang bilis na paglakbay patungo sa planeta.

Minasdan ko ng mabuti ang mga ito ngunit may isang meteorite ang nakapukaw ng atensyon ko. "Gosh! Ba't ang lapit ng meteorite na ito!?" Kinabahan ako dahil talagang ang lapit lang. Sa tantiya ko, sa kabilang dulo lang ng kalsada ang babagsakan nito.

Imbes na matakot ay na-excite ako. Yes! Makikita ko talaga in action ang pagbagsak ng isang meteorite sa lupa. Lupang napakalapit lang.

×××××××××××××××××××××//

A/N: Hello guys. First time kong gumawa ng story. Sorry kung pangit. Saranghae! ❤

-jungiyaaa

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon