Chapter 2

16 1 0
                                    

Sa konting sandali, babagsak na ang meteorite na hinihintay ko.

*Boogsh!*

"Reigan! Ano ba yan? Natutulog na kami dito oh! Baka magising mo si Baby Jin! Iyakin pa naman ito! " sigaw ni Ate Iradessa na nasa kabilang kwarto lang. Tsss. Hindi naman ako ang gumawa ng ingay ah? Yung meteorite na bumagsak ang lumikha ng ingay.

Kinuha ko iyong coat ko at dali-daling lumabas ng bahay. Dahan dahan akong naglakad baka mahuli ako nina Daddy at Mommy.

"Reigan! Saan ka pupunta ikaw na bata ka!? " Patay. Nabisto na. Si Mommy at Daddy pa talaga.

"May kikitain ka ba sa labas?" "Mag tatanan ba kayo ng boyfriend mo!?" "Lalabagin mo ba ang Rule no.7?" "Mag ba bar ka ba? "

"SAGUTIN MO KAMI!"

Nakakatakot ang aura nina Mommy. First time ko kasing pumuslit palabas ng bahay tapos nahuli. "Eh paano naman po ako makakasagot ng maayos kung pinapangunahan niyo po ako!"

Natahimik sila. "May iche-check lang po ako sa kabilang kalsada. Nagpalipad po kasi ako ng eroplanong papel. Nadala ng hangin. Kukunin ko lang po." at ngumiti ako ng napakatamis para payagan na akong lumabas. Hinalikan ko ang pisngi nila at dali-daling lumabas ng bahay.

"Hala? Asan na yun? Eh nandito lang yun kanina!" Nagtataka ako. Kitang kita ko na dito bumagsak ang meteorite kanina. Inikot ko ang paningin ko sa buong kalsada ngunit wala talaga. Ang tanging nasa harap ko ay ang malalim na butas na dulot ng pagkabagsak ng meteorite.

Naalimpungatan ako ng may narinig akong umungol.

Umungol?

Parang nasa likod ng puno na ilang metro ang layo ang pinanggagalingan ng tunog. Naglakad ako patungo doon habang nanginginig ang kamay.

Isang lalaki?

Nakita ko ang isang nakahandusay na lalaki. Pero ang weird ng suot niya. Parang fit na leather na kulay itim ang suot niya mula leeg hanggang paa. Patay na kaya ito?

Kumuha ako ng sanga ng kahoy at tinusok tusok ang tagiliran niya. "Sir? Ayos lang po ba kayo? Gusto niyo pong dalhin ko kayo sa ospital?"

Nabigla ako nang humarap ang lalaki sa akin. Ang gwapo niya. Kamukha niya si V ng BTS.

Natulala ako sa mukha niya. "Arzebali jahayi vangrutani. " mahinahon niyang sabi. Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita ngunit mas nabigla ako sa wikang ginamit niya. Ano yun? Alien ba to?

"Sir pasyensya na pero hindi ko po kayo naiintindihan. Pilipino lang po ang wikang alam ko." sabi ko sa mukhang foreigner na ito.

"Pilipino?" medyo slang niyang sabi. Tumango ako at nakita kong parang may kinalikot siya na mukhang relo sa braso niya.

Nagulat ako sa ginawa niyang pagtayo ngunit mas nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Asan ako? Anong planeta ito? "

××××××××××××××××××//
Sorry for lame update.
Adding it to your library means so much to me .

-jungiyaaa

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon