Chapter 4

24 0 0
                                    

Tinititigan ko pa rin yung taong nasa gilid ng cabinet. Madilim sa kwarto pero alam na alam ko kung sino siya. "S-Sino ka? Anong g-ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Nagpanggap akong natatakot sa tono ng pananalita ko. Tsss. Kumagat naman ang gago.

"Tsk. Iyan ang ayaw ko sa iyo Reigan. Makakalimutin ka talaga. Gusto mo ba ipaalala ko sayo kung sino ako?" Bobo. Akala mo nakalimutan na kita? Tanga lang ang makakalimot sayo, Chad.

"H-Hindi talaga kita kilala eh. Pero pakiusap wag mo akong sasaktan kung sino ka man." Nakakasuka ang pagpapanggap ko. Asa naman siya kung matatakot ako sa kanya. Isang sipa lang yan eh.

Lumapit siya sa akin. Sobrang lapit na nararamdaman ko na yung hininga niya sa tenga ko. "Ako lang naman yung ipinatapon ng pamilya mo sa mental asylum dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa."

Naramdaman ko na sasaksakin na niya sana ako sa tagiliran kung hindi lang biglang bumukas ang pinto.

"Reigan! Tara sa Galaxy! " ngumisi si Maggie at kasunod niyang pumsok si Earl. "I won't take No for an answer." Sabi ni Earl.

Patakbo akong lumapit sa kanila at bigla silang hinila palabas ng kwarto.
"O-osige tara! " Nilingon ko muli si Chad na wala na sa kinatatayuan niya.

"Uh Reig, bakit madilim ang kwarto mo pagpasok namin?" tanong ni Maggie. "Matutulog na kasi sana ako." Inakbayan ako ni Earl at bumaba na kami para magpaalam kina Mommy at Daddy.

"Reig, before 7 pm nandito ka na. Understand?"  What!? Ang aga naman. "Dad. 9 pm nalang po. Please?"

"No." I hugged him.
"Please?"
"No." I battered my eyelashes. Puppy eyes kumbaga. Ewwww.

"Please?"
"Fine! Teka, sinong mag di-drive?" Tiningnan ni Daddy sina Maggie at Earl na pareho ding nakatingin sa akin.

"Ako po ang mag da-driveAko din po ang mag uuwi sa kanila para safe." Earl smiled.

"Ok." Yes! Matagal nang kilala nina Mom at Dad sina Earl at Maggie. They know how close we are since birth.

"We asked permission kay tito kanina bago pa tayo bumaba. " napasimangot si Maggie.

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon