Chapter 3

19 0 0
                                    

"Asan ako? Anong planeta ito?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kanina, nagsalita siya ng alien language tapos ngayon nagtatagalog nga siya pero tinatanong naman niya kung anong planeta ito.

"Sir nasa planetang Earth po tayo. Uh, ok lang po ba kayo? May amnesia ba kayo?" Kung meron man hindi naman siguro ganito kalala ang mawawala sa memorya niya na pati pangalan ng Earth ay makakalimutan na niya.

"Wala akong amnesia. Ayos lang ako." Pinagpagan niya ang leather suit niya at umambang umalis na pero pinigilan ko siya. "May nakita po ba kayong meteorite na bumagsak dito?" Napatigil siya. Hindi niya ako nilingon. Naglakad na siya palayo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Sa tingin ko hindi niya nakita yung meteorite kasi nakahandusay nga siya kanina mukhang wala pa siyang malay nun.

Bumuntong hininga akong bumalik sa bahay. "Oh asan na yung eroplanong papel mo?" tanong ni daddy sa akin.

"Wala na po. Tinapon ko na."

Nahihiwagaan talaga ako sa lalaking iyon. Pero mas nangingibabaw ang lungkot ko dahil hindi ko nakita yung meteorite. Ilang years pa naman ako nangarap na makakolekta ng meteorite.

Itutulog ko nalang ito.

"Reigan! Reigan! Gising na! Susunduin pa natin sina Kuya Hyden at Kuya Xyron mo." Bumangon agad ako. Naalala ko na ngayon nga pala uuwi sina Kuya Hyd at Kuya Xy galing sa States.

Ginawa ko ang morning rituals ko. Pagkatapos, bumaba na ako. Nakahanda na sina Mommy, Daddy, Ate Iradessa at ang anak niyang si Baby Jin. Hinalikan ko silang lahat sa pisngi. Binigay na ni Butler Shaun ang susi ng sasakyan na gagamitin namin ngayon.

Habang nasa sasakyan tiningnan ko ang pinagbagsakan ng meteorite kagabi. Wala talaga yung meteorite. Nagiging palaisipan na sa akin kung saan iyon napunta.

Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa harap nang may maaninag akong lalaki na nagtatago sa likod ng puno habang mariin akong tinititigan.

Yung lalaki kahapon.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa makalayo na ang sasakyan namin.

"Kuya Hyd! Kuya Xy!" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap nina kuya. "Uyy! Dalaga na ang bunso namin. May boobs na oh!" Sinapak ko si Kuya Xy. Di parin talaga nagbabago si Kuya Xy. "Pero bunso, lagot ka talaga sa akin pag nalaman kong may boyfriend ka na." Binatukan ko si Kuya Xy.

"Kuya naman. Wag mo akong itulad saiyo. Di ako pareho mo na may kinakamang babae gabi-gabi." Napasimangot si kuya. Ginulo niya ang buhok ko at pinuntahan na niya sina Mommy na kasalukuyang naghihintay ng yakap. Bumaling ako kay Kuya Hyd. "Kuya Hyd, may problema ba? " nag-aalala kong tanong sa kanya. Yinakap lang ako ni Kuya ng mahigpit.

"Reig, may mga pasalubong kayo doon sa loob ng bag. May binili ako na siguradong magugustuhan mo." Napangiti ako pero nakita kong may tubig na lumandas mula sa mga mata niya.

Umiiyak si Kuya. Dahil nanaman ba ito kay Ate Zharlene?

Sumakay na kami sa sasakyan. Tahimik lang kami sa loob dahil alam kong pagod ang dalawa kong kuya galing sa biyahe. Napatingin ako sa phone ko. May 11 missed calls. Lima galing kay Ate Zharlene at anim galing kay Earl. 15 messages na galing kina Earl, Ate Zharlene at Maggie.

Binuksan ko ang text ni Maggie. Ang bestfriend ko.

From: BFF_Maggie
Where are you? Akala ko ba mag ma-mall tayo nina Earl?

Tama pala. May lakad kami. Shit. Nakalimutan ko!

To: BFF_Maggie; BFF_Earl
Guys! I'm so sorry. Nakalimutan ko. Kailangan kasi naming sunduin sina Kuya Xy at Kuya Hyd galing airport. Sorry na, babawi ako.

Hindi na sila nagreply. I bet they're enjoying watching a movie. Pagkauwi namin, nagsimula na ang "Welcome Home" party para kina kuya. Dahil pagod na ako, umakyat na ako sa kwarto. Matutulog na sana ako nang may makitang tao sa gilid ng cabinet ko. Medyo madilim pero mukhang kilala ko na kung sino ito.

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon